Cassandra's POV
"Anong klaseng mukha ba yan? Monday na monday ah." Bungad sakin ni hannah na natatawa.
Kahit gusto ko syang ngitian pabalik di ko talaga magawa. Hindi ako pinatulog ng toff na yan. Bading sya!
Oh dont get the wrong idea. Kaya di ako makatulog di dahil naiisip ko yun kiss na iyon. Kundi kung paano ko sya pasasabugin mamaya.
Nanggigigil ako. Muntik na akong mahuli ni mama kagabi. Pinagalitan pa ako dahil hindi na ako natuloy bumili ng damit. Nawalan kasi ako ng lakas. Dahil naiyak ako kahapon. Sari sari ang naramdaman kong emosyon kahapon. Naiyak ako sa gulat, sa inis, sa pagkabahala at sa pagkahinayang.
That's guy stole my first kiss. Hindi alam nila papa at mama iyon. Paano nalang kapag nalaman nilang may first kiss na ang anak nila. Huhuhu
Kaya yari talaga sakin ang Kristoff Grand Anderson na yan!!!
"Cass. You okay?"
Dahil sa tanong niyang iyon bumalik ako sa katotohanang nasa harap pala niya ako.
Kumunot ang noo ko.
"Muka kang kakain ng tao Cass. Nakakatakot. Ano ba yan iniisip mo?"
Nagkasalubong ang kilay niya at halatang nag aalala sya.Ngumiti ako saglit. "Okay lang ako. Hannah may i ask something?"
Nakakunot parin ang noo niya. "Sure?"
"Asan ang Hideouts ng Black Venom?" Walang alinlangan kong tanong.
Nanlaki ang mga mata niya. "W-what?!"
"Yun hideouts ng black venom." Kalmado kong sabi.
Tinakpan niya ang kanyang bibig sa gulat. "Bakit???!!!"
Gusto kong sapakin si Hannah. Ang OA e. Kainis. Ang big deal ba non tanong ko.
"Cassandra. Nababaliw kana." Sa di makapaniwalang tono.
"Ano bang masama sa tanong ko. I just asking kung san sila pwedeng makita." Sarap irap sa kawalan. Gusto kong malaman kung saan para magawa ko na ang aking great revenge.
"Hay wala ka talagang alam."
"Kasi wala akong pake."
"Walang ibig magtanong kung san ang hide outs ng Black Venom. Dahil they so dangerous."
"Huh. Di naman mapanganib si Lee e. Mabait naman sya." Katwiran ko.
"Well kasi naka student mode sya. At casual sya sa atin. Pero kapag naka gangster mode na sya. Parang ikaw na iyon. Kayang kumain ng tao."
"Ang oa."
"Cassandra. Lumubay ka nga."
"Basta sabihin mo kung Saan. Tinatanong ko lang naman. Wala akong balak puntahan. At least alam ko yun mga lugar na dapat di ko puntahan."
Tila naliwanagan naman sya sa sinabi ko.
"Fine. Wag kang pupunta ah. Sa science building meron silang hide outs doon, yun mismong rooftop. Kung papansinin mo one of the centered place iyon sa highschool part. Meron sila sa Back Gate doon sila madalas dahil karamihan ng miyembro nila ay nandoon. Meron silang penthouse dito malapit sa College Depart. Tapos may study room din sila na malapit sa 3rd year."
Tumango tango ako. Okay Copy.
"Teka nga muka kang puyat. Tsaka parang may nangyari sa labi mo. Hmm.."
Pagkasabi niya. Tinakpan ko agad ang aking labi at uminit ang aking pisngi.
Hinding hindi ko sasabihin na di na virgin ang aking labi. Kilala ko si Hannah. Baka ipagkalat pa niya sa buong school. Kaya hahanap nalang ako ng ibang pagkakataon.
![](https://img.wattpad.com/cover/53605826-288-k603142.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
General FictionWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...