Chapter 66 - Jealous

322 18 0
                                    

Cassandra's POV


Dahan dahan niya akong nilapag sa kama kung saan ako nakahiga noon. Sa sala nakita ko andoon na si Kyle at Lucian. Busy na sila sa bagay na ibinigay ni toff sa kanila. Naalala ko pa na sinabi ni toff sa kanila. "Within 30 minutes, i need the data."

Ngayon kaming dalawa nalang ang nasa kwartong ito. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakatanggal na ang mga sapatos ko. I mean, tinanggal niya. Ako na mismo ang naghubad ng coat niya. Kaya tumambad sa kanya ang halos sira ko ng damit. Mabilis ko iyon tinakpan.


Napamura si toff doon. Wala sa loob kong binutones iyon pero ngayon ko lang napansin na wala na pala ang mga butones nito.

Umigting ang kanyang panga tsaka huminga ng malalim.

Maraming gustong itanong ang mga mata pero tila nagpipigil sya.

Bumitaw lang ang kanyang tingin ng may kumatok. Sabay namin nilingon iyon. Si Mira iyon, may dala syang towel at tubig. Nilapag niya sa gilid ni toff. She looking like she wants to say sorry. Nginitian ko sya. Hindi naman sya nagtagal.

Medyo nagtaasan ang balahibo ko ng dinampian niya ako ng medyo malamig na tubig galing sa towel. Seryoso niyang nililinisan ang kamay ko pataas sa braso.

Tinitingnan ko kang sya. Magkasalubong ang mga kilay niya na para bang galit sya sa ginagawa pero ang banayad at lambot ng bawat haplos niya sakin ay kasalungat ng pinapakita ng kanyang mukha.

Tila galit sya o may naalala...

Lalong kumakapal ang kilay niya kapag ganyan sya makatingin. Madalas umigting ang kanyang panga. Pilit siguro syang nagrerelax kahit ang totoo sasabog na sya. His lips remain in a thin line.

Ngayon nasa kabilang kamay at braso ko na sya. Medyo tumayo sya para maabot ang ilang parte. Hanggang napunta na sya sa aking leeg. Hindi ako halos humihinga dahil ang lapit lapit na ng kanyang mukha sa akin. Tinagilid niya ang kanyang ulo habang ginagawa iyon. Hindi naman ako makatingin sa kanya.

Naramdaman ko nalang na dumampi ang labi niya sa labi kong nanginginig. Nagulat ako doon.

"I need your attention." Untag niya sa malamig na boses.

Naguluhan naman ako. Anong attention.. Ba ang gusto niya?

Ang ibig ba niyang sabihin ay dapat tinitingnan ko sya habang ginagawa niya sakin iyon?

Pumikit ako ng mariin. Gad! I miss his authoritative attitude.

Huminga ako ng maayos. "Namumukaan mo ba ang mga gumawa sayo nito?" Nasa buhok ko na sya. Tinatanggal niya ang mga malalagkit gawa ng itlog.

Umiling ako. Kahit ang totoo.. Syempre alam ko.

Tumango lang sya sa naging sagot ko. Inayos niya ang aking buhok. Kumuha sya sa drawer ng isang pony tail. At tinali niya ang buhok ko mula sa likod. Alam kong hindi pa masyadong natanggal ang mga dumi doon siguro. Hayaan nalang muna. Maliligo nalang ako.

Tumayo sya at may kinuha sa cabinet sa tapat ng kamang ito.

Kulay Puting Hoodie jacket ang kanyang nilabas at white over size tshirt.

"Tatalikod ako, magbihis ka."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "H-huh? Lumabas ka nalang! Tsaka may Cr naman dito ah.." Nag init ang aking pisngi doon.

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon