Chapter 22 - The Meeting

503 19 1
                                    

Cassandra's POV

"Wow.. you mean pinayagan ka ni Tito at Tita!"

Masayang sambit ni hannah pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat ng napag usapan namin nila mama at papa.

Umirap ako sa ere. Hindi sya nakikinig!

"Hannah! Hindi ka nakikinig sakin! They wants me to go if Toff's also there with us!" Oh ayan mas malinaw ko ng sinabi sa kanya. Diretso!

Nanlaki ang mata niya. Umirap na talaga ko ng sobra. See? Ngayon lang niya nagets!

"Talaga? Wow.." sabay mangha sa sinabi ko.

Nalaglag ang panga ko doon. What the-- anong nakakamangha sa sinabi ko.

"Hannah.. you are not really listening. Ang point ni mama mas panatag sya at paniguradong sasama ako kapag kasama din si toff. Oh.. no.." sabay sabunot sa sarili.

This is frustrating lalo na kapag yun bestfriend mo walang pakealam sa nararamdaman mo. She only care about the trip!

"I just really amaze na may tiwala agad si tita kay Ice Prince. May alam ba sila sa background nito? I mean.. alam na nila na gangster leader pala sya. O multi-billionaire sya?"

Umiling ako. Hindi sumagi sa isip ko ang bagay na iyon. Nagulantang kasi ako noong pumasok sya sa bahay. Hindi ko rin alam kung ano ang pwedeng reaksyon nila mama at papa kapag nalaman iyon. It is big deal?

"Kaya nga ako namamangha kasi bihira at mahirap kunin ang tiwala nila tita. Kaya wow... ang lakas ni Ice prince."

Pumikit muli ako. Ako nga rin e.. ewan ko kung bakit good shot si Toff kila mama at papa. Wala naman akong naalala na ginawa niyang magpapaimpress kila mama noon pumunta sya ng bahay. Bukod sa pinakabog niya ng husto ang puso ko ay wala na.

Naalala ko ang pagpasok niya sakin kwarto! Yaaah!!!! Sya palang ang nakakapasok na lalaki doon. That guy! Im pretty sure may lahi talagang magnanakaw iyon!

Ang parteng iyon ang hindi ko sinabi kay hannah. Im scared, hindi ko rin alam kung bakit. Tsaka hindi ko rin alam kung dapat ko pa bang ikwento sa kanya iyon. Yeah, she's my bestfriend. Pero alam ko may limits din naman sa ganon.

Siguro nahihiya ako sa kanyang magsabi.

Ay ewan!

"Anyway, matagal pa naman iyon e. Let's not talk about it."

I sighed. Yeah maybe she's right. Matagal pa naman iyon.

"Yeah, right."

Break namin ngayon kaya nasa ilalim kami ng puno ng acacia dito malapit sa room namin. I sighed deeply.

-----------

Papunta palang kami sa cafeteria hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba.

Probably because of him. Hindi ko alam kung magkaibigan ba kami or what? After what happen last friday and yesterday. Di ko alam kung magkaibigan na ba kami non..

Oh no..

I want more...

Naalala kong sinabi niya sakin. Na halos um-echo sa isip ko. Oh Gard!

Tinakpan ko ang aking mukha na namumula na siguro ngayon. Nilingon ako ni hannah na may pagtataka sa mukha.

"Namumula ka? Okay ka lang?" Tanong ni hannah na agad dumapo sa noo ko ang palad.

Umiling ako.

Nagtaas sya ng kilay.

"Okay lang ako. Wag mo akong pansinin."

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon