Cassandra's POV
Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami ni toff. Mas napaaga ang alis namin. Naalala ko pa nga ang sinabi ni Travis.
"Kristoff, hindi ba tauhan ng daddy mo mga dumating--" hindi na niya tinapos at mabilis syang nag iwas ng tingin samin.
Tauhan ng daddy niya? Kanina narinig ko din na binanggit niya yun daddy niya..
Hindi ko alam pero kinabahan ako ng husto sa bagay na iyon. Nasa bahay na ako. Kanina pa. Pero buhat ng hinatid niya ako dito hindi man lang sya nagtext o tumawag na nakauwe na ba sya o hindi.
Kanina pa ako titig na titig sa screen ng cellphone ko. Gustuhin ko man syang itext o tawagan baka kasi busy iyon e. Baka kasi may inaasikaso sya kaya ganon.
Hanggang sa nakatulugan ko na ang paghihintay. Bumaba ako para kumain ng hapunan. Nagkwentuhan kami nila Papa at mama tungkol sa mga experience ko sa baler at tagaytay.
Pagkahugas ko ng plato. Umakyat na agad ako sa kwarto. Para icheck kung may tawag ba sya o text.
Excited pa akong dumapa tsaka umupo sa kama. Napasimangot agad ako ng makitang walang kahit ano. May text sakin si Hannah. Nangangamusta lang.
Hindi ko na natiis. Tinext ko na sya.
'Toff.'
Pagkasend ko nyan pinagsisihan ko pa. Bakit iyon lang ang sinabi ko.
Napasabunot ako sa ulo. Binitawan ko ang aking cellphone tsaka humiga ng maayos. Nag aalala na ako.
Padarag akong bumangon ng narinig kong nagring ang aking phone. Sya ang tumatawag. Facetime pa!
Agad kong pinasadahan ang aking buhok. Tsaka mabilis na sinagot.
Magulo at sabog ang kanyang buhok Nakahiga sya sa kanyang beddings na kulay navy blue. Pagod ang mga mata niya kaya sobrang malumanay nito.
"Hey.." Husky voice. Tumindig pa ang balahibo ko doon.
"Okay ka lang?" Tanong ko pabalik sa kanya.
Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok. "Yeah.. Im sorry.. Kung ngayon lang ako nakatawag. Napagod ako.. Nakatulog agad, pagkahatid ko sayo."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. "Okay lang.. Akala ko kasi.." Hindi ko nalang tinuloy.
Sumilay ang ngiti sa labi niya. Shit! Gwapo. Bago pa man niya ako harutin ng kung ano ay inunahan ko na sya.
"Kumain kana ba?"
Dumapa sya kaya gumalaw ang screen. "Nah.. Come here.. Pagluto mo ako." Malambing niyang sambit tsaka ngumuso sa huli.
Kumabog ang puso ko sa sinabi niya. He is so cute! Namiss ko tuloy lalo! Eto na iyon kinatatakutan ko e. Yun masanay akong lagi syang andyan, yun masanay akong hinahanap ang presensya niya. At yun pagluto sya.. Gard! Hindi ako marunong non.
"Hindi ba.. May cook naman kayo dyan."
Sumimangot sya. Kahit bagong gising bakit pinagpala ng itsura ang lalaking ito.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
Ficción GeneralWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...