Cassandra's POV
Pagkatapos ng eksena na iyon ay naging awkward na. Buti nalang nagjojoke si lucian kasi hindi bumebenta. Hindi rin naman nagtagal ay nagsitayo na kami.
Kami ni hannah ang magkasabay papunta sa bar na sinasabi nila. Panay din ang bulong niya sakin ng nangyari sa Dinner kanina.
I bit my lower lip. Naalala ko ang sinabi ni toff kanina. Nasa likod namin sila. Magkasabay sila ni lucian may ilang detalyeng pinag uusapan. I heard word 'business'. At mukang seryoso ang pinag uusapan nila.
He didn't seduce at all..
Sa unahan naman namin sina Maxwell at Yvonne. Ganitong klaseng babae ba ang gusto ni Maxwell. Ang kutob ko maaaring di totoo. Para kasing may gusto sakin si Maxwell.. Di ako nag aassume pero.. Ramdam ko lang kasi. Ramdam ko sa mga kilos at salita niya noon. At babe din pala ang tawagan nila. So si Maxwell babe ang tawag sa mga babae niya?
Teka! Di naman niya ako naging babae.
Dito naririnig ko na ang inga. Di naman masyadong maingay. May loud music lang. At may nakikita akong mga upuan ibat ibang klaseng upuan. May sofa, wooden etc. may cottage style din.
Nang malapit na kami sa Bar. Naramdaman ko ang presensya ni toff sa aking gilid. Tiningnan ko sya. Seryoso nanaman ang mga mata niya.
Ang mga babaeng nakaupo sa kanila kanilang table ay napapalingon samin. Syempre, tatlong gwapo itong kasama namin.
"Wag ka ngang lingon ng lingon." Masungit na sambit ni hannah kay lucian.
Lucian look surprise. "What? I just check kung may space pa tayo. Easy mahal.. "
Umirap lang si hannah at muling dinikit ang sarili sa boyfriend. Natatawa na ngayon si lucian.
Napanguso ako sa kanila. They look cute!
Naramdaman ko ang kamay ni toff sa akin likod. Nilingon ko sya at nagtaas ako ng kilay.
Lumapit agad samin ang 2 staffs at inasikaso kami. Sa pang 8 tao kami pinaupo. Open ang bar na ito.
Umupo ako. At nililibot ang mga mata. This is my first time na makakita ng ganito. Karamihan ng mga babae maayos at sexy ang damit. What do i expect beach bar nga pala ito.
"What are you looking?" Masungit na sambit ni toff.
Magkatabi kami. Sina hannah naman ang nasa tapat namin at sa gawing kanan naman sina Maxwell at yvonne.
"Ganito pala.. Ang bar." Wala sa loob kong sagot habang nakatingin sa grupo ng mga lalaki. Teka.. Parang familiar sakin yun isa sa kanila.
Kaya mas tinitigan ko pa.
"Tss. Dont look at them." He hissed.
Tiningan ko sya. Pati ba naman tingin bawal!
"Ewan sayo. So ganito ang mga bar?"
"Tss. Beach bar ito. Kaya ganito." Masungit nanaman niyang sagot.
Umirap ulit ako tsaka hinarap ang mga kasama namin nasa amin ang tingin.
"LQ?" Hannah mouthed while giggling. I know her. She entertained on what she saw.
Namula ako. Umiling agad ako. Gard! May saltik kasi tong katabi ko. He is so possessive.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
Ficción GeneralWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...