Chapter 52 - Worth it

289 12 0
                                    

Cassandra's POV

Bago pa man makalapit sakin si toff ay hinigit na agad ako ng bading na organizer. Nagsalubong ang kilay ni toff doon na tila di niya nagustuhan ang ginawa sakin ng organizer.

Narinig ko ang malulutong na mura ni toff.

Walang pasabing hinigit ako ni toff mula sa bading. Nagulat pa ang bading na para bang galit pa sya nung una pero ng nakitang si toff iyon. Tumunganga sya ng konti.

"Do you want to die right now?" Matigas na ingles ni toff sa bading.

Umiling ng dahan dahan ang bading.

"Then stop touching my girl." Mas lalo akong idiniin ni toff sa kanyang dibdib.

Then my heart go wild again.

"Grabe ang gwapo.." Bulong ng bakla.

"What did you say!" Pagalit na sambit ni toff.

"Wa-wala.. " mabilis na umiling ang bading.

Lumayo ako kay toff ng konti. "May.. May gagawin lang kami."

Nanliit ang mata ni toff. "Kayo?"

I bit my lower lip. "May event kasi.." Sabay tingin sa lugar na pagkakaganapan.

"Ay oo! Kasali kasi ang girlfriend mo!" Singit ng bakla.

Naging blanko bigla ang mata ni toff. Oh no...

"What?" Mahinahon niyang sagot pero ramdam kong sa likod yon ay iba.

"Nuod ka nalang pogi. Hiramin ko muna sya sayo." Maarteng sambit ng bading. Na bahagyang natigilan tsaka tinitigan ng husto si toff.

Napanganga si toff doon pero mabilis lang akong nailayo ng bading sa kanya.

"Boylet mo ba iyon talaga? Nakajackpot ka doon girl! Ang gwapo at matcho ng boyfriend mo. Model ba sya?" Sunod sunod na saad ng bakla.

Hindi nalang ako sumagot.

"Nako! Late na late kana. Nakaayos na sila. Tsaka.. May swimsuit ka bang dala?"

I bit my lower lip. "May suot na ako." I dont know kung pwede na ba iyon.

Dinala niya ako sa backstage kung saan maraming babaeng inaayusan at naka bikini na.

Nakita ko si Yvonne doon. Nakaupo sya at nakatingin sya sakin mula sa salamin. Nagtaas pa sya ng kilay sakin.

Nag iwas nalang ako ng tingin sa kanya. Dinala ako ng bading sa isang make up artist.

Lumiwanag ang mukha ng bading sakin. "Wow.. May i know your name.. Miss."

"Cassandra.."

"So cassandra.. Anong ayos ba ang gusto mo?" Hinahawakan na niya ang aking buhok at ngumuwi sya baka napansin sigurong medyo basa pa ito.

"Hi-hindi ko alam.." Honestly say it.

"Oh.. Anong klase at kulay ba ang swimsuit mo?"

"One peace black long back."

"Oh.. That's seem sexy then. I make you look extra sexy and extra hot today." Tinapik pa ng bakla ang aking balikat.

Sinuklay muna niya ang aking buhok. Nahirapan pa nga sya kasi medyo magulo iyon.

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon