Chapter 79 - Torn

204 12 6
                                    



Cassandra's POV

Halos hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Ang sakit sakit ng puso ko sa hindi malamang kadahilanan. Feeling ko kasi.. Kasalanan ko nga talaga ang lahat. Ako ang pinagmulan kung bakit ganito ang nangyayari.

Ang makapiling sya, ay kapalit na buhay na hindi naman para sa kanya.

Ang makasama sya, ay buhay na naghihirap sya.

Bakit kapag masaya kana may mga darating na sisira nito. Ganito ba talaga dapat? Kailangan ba talagang may kapalit ang lahat?

Naiintindihan ko na ang lahat. Malinaw na sakin ang lahat.

Paano ko kakayanin ang katotohanan na kapag ako ang pinili ni toff mawawala sa kanya ang lahat.

Kapag pinaglaban ko si toff, ang pamilya ko ang masisira.

Kapag pinaglaban ko ang pamilya ko, nawawala sakin si toff.

Sobrang hirap, hirap na hirap ako mag isip. Pero sa bandang huli.. Wala akong pinili dahil nagdesisyon akong ipaglaban ang pareho. Pero walang kasigaruduhan ang bagay na iyon.

Wala pa.

"Toff, Saan ka mag aaral ng kolehiyo?" Tanong ko habang nasa rooftop kami nitong building. Kaming dalawa lang dito. Naisip ko kasi na tumatakbo ang panahon pero hindi ko pa nagagawa ang mga plano ko na kumbinsihin sya na doon nalang mag aral.

"Kung nasaan ka." Sagot niya na nagpasikip ng puso ko. Bakit ako!? Bakit ako ang basehan mo?! Bakit sakin ka nakadepende?!

Gustong gusto ko iyon isigaw sa kanya pero.. Ayokong mag alala sya. Ang hirap nahihirapan na ako magdesisyon. "Buhay mo iyon, dapat kung saan mo gusto dapat doon ka."

"You're my life." Sagot niya ulit. Tinitigan ko sya. Baby.. Hindi ganon.. Buhay mo rin ito.

"Sa US or European Countries?" I trying to give him a hint na mas maganda sa ibang bansa.

Kumunot ang noo niya. "What do you want to point out?" Nahimigan ko ang pagkainis sa tono niya.

"Ah.. Ang ibig kong sabihin, hindi ba kaya niyo naman doon. Usual kasi sa inyong mayayaman mas gusto mag aral sa ibang bansa." Wew.. Muntikan na ako doon.

"Well i am not belong with those 'rich kids' who want to study abroad. I'd rather study here and be with you." Ako nanaman. Ako nanaman!

Napalunok ako. How can i convince him?

"Dahil lang andito ako dito kana rin mag aaral?" I act that question is nothing. Kumbaga hindi big deal.

"Yup. Greyson is Great School i don't see any Problem with it." Sa sagot niyang iyon. Mukang mahihirapan nga ako. Baby! This is for us!!!

"Ah okay.." I replied. Maybe nexttime. Gagalingan ko na.

"Why? Do you want me to study abroad? Well baby.. I tell you. Hell no. There's no way i would study abroad." This time, it's confirmed he is a bit annoyed now.

"Ba-bakit?"

"I already answered that question." Suplado niyang sagot.

Pero wala na akong oras. Malapit na ang Graduation!

"Toff, mag aral ka nalang abroad." That's it. Nasabi ko na ng diretso. Napamura si toff doon.

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon