Cassandra'S POV
Halos 1 linggo na ang nakakalipas simula nung naencounter namin ang Wild Ruler. Maxwell is so.. paano ko ba sasabihin basta papansin sya. Panay din ang ngiti niya sakin. Duh!? Hindi tumatalab sakin iyong killer smile niya. Violet really pissed every time she see me. Tila nasisira ang araw niya kapag nakikita ako. Well hindi ako natatakot sa kanya kung iyon ang nasa isip niya. Si hannah lang talaga ang pumipigil sakin kung bakit hindi ako pumapatol.
Maging ang leader ng wild ruler, napapadalas kasi ang pagkikita namin. Ayoko naman isipin na sinusundan niya ako. Kung gusto niya ng suntukan hindi naman ako tatanggi sa kanya. Pumapatol ako sa lalaki.
Nasa cafeteria kami ngayon, as usual maraming tao. Nang napansin nilang dumating na kami ni hannah. Lalung umingay ang mga bulong bulungan. Naging trending kasi sa school ang ginawa ni hannah at yun pag salo ko sa kanya. Napaka immature ng mga taong ito, yun lang ang big deal sa kanila.
Tiningnan ko si hannah, hindi naman sya mukang apektado. May pagkamaldita talaga si hannah. At pinagsabihan ko na sya na hindi dapat matakot.
May packlunch ako ngayon at hindi na talaga ako papayag na matapon pa ito. Agad kaming nakahanap ng mauupuan. Since paraming niluto si mama kaya hindi na umorder si hannah.
"Grabe.. ang sarap ng luto ni tita!"
Natawa ako. "Naman! mama ko yon e."
Tiningnan niya ako. "Buti nalang di ka tumataba. Ano ba sikreto mo bakit ang sexy mo parin?"
Nanglaki ang mata ko. "Im not sexy!" bulong ko sa kanya. Nagtakip ng bibig si hannah.
"Oh.. cmon ilang beses ba kita dapat iconvince na ang sexy mo."
"Tss.. hindi nga sabi e. Ikaw ang sexy hindi ako."
Umirap lamang si hannah. "Whatever you say, sexy."
"Hannah!"
Natawa lang si hannah sa naging reaksyon ko.
"MAXWELL!!!!!" Isang malakas na boses ang umalingawngaw sa loob ng cafeteria. Sabay kaming napalingon ni hannah.
Nakita namin kung paano nagpipigil ng galit ang sumigaw sa leader ng Wild ruler.
"WALANG HIYA KA TALAGA BAKIT MO BINUGBOG ANG KAPATID KO WALA SYANG KINALAMAN DITO!!." Akmang susugod sya ng pigilan sya ng mga kasama nito. Ngayon ko lang napansin na may mga kasama pala ito. Infairness ah may mga itsura ito. Teka bakit parang may mali dito.. halos gwapo lahat ang members ng mga gangs sa school? nasa requirements kaya nila ang may itsura.
"That's The Claws" bulong ni hannah sakin.
Kumunot ang noo ko. The claws?
"the 3rd dangerous group iyan sa school."
"you mean gangs din ang mga yan?" So tama nga ang hinala kong gangs din sila.
Tumango lang sya at muling lumingon doon.
"They teach your brother that dont meddle on my business, be thankful dahil hindi ko sya binalian ng buto." May pagbabanta sa boses ni maxwell.
Nagpupumiglas yung lalaki sa galit. Pero hawak hawak sya nung mga kasama niya.
"Walang hiya ka talaga!" sigaw ulit nung lalaki.
"Tss.. asshole." walang ganang sabi ni maxwell.
"let's fight!" Hamon iyon galing sa claws.
"Are you hearing yourself? tss.. i dont want to waste my precious time."
"No Max this is serious, let my people take a revenge of what you done." May lumitaw na lalaki at masasabi ko talagang gwapo ito.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
Aktuelle LiteraturWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...