Chapter 44 - First time

346 15 0
                                    

Cassandra's POV

"Ma! Pa! Alis na po kami." Paalam ko kila Mama at Papa. Mabilis akong niyakap ni mama tsaka binulungan.

"Mag iingat ka doon ah. Lagi kang dumikit kay Kristoff." Bilin ni mama na nagpalaglag ng panga ko. What does she mean by that?

Magrereact na sana ako doon ngunit mabilis akong inakbayan ni papa. "Ito ang unang beses na lalayo ka samin ng ganito katagal at kalayo. Mag iingat ka doon? Text mo kami palagi." Bilin ni papa.

Napanguso ako. Im gonna miss them so much for sure.

Tumango ako. "Opo Pa, kayo din po ni Mama."

Tumango sila. "Oo naman. Si kristoff ba ang susundo sayo?"

Mabilis akong umiling. "Hindi po, si hannah po ang susun--"

Natigilan ako sa sasabihin ng natanaw ko ang pigura ng isang lalaking nakatayo sa tapat ng gate namin sa labas. Namilog ang mata ko doon. Anong ginagawa niya dito!

"Oh Kristoff! Ikaw pala. Akala namin si Hannah ang susundo sa kanya." Ani Papa.

Nagmano si Kristoff kila Papa at Mama na kinagulat ko. Nagmano sya?

Tumama ang mata namin at mabilis na pinasadahan ang aking suot.

Naka-short na puti na nasa tama ang haba. Di sya maiksi ito na nga ang pinakamahaba sa mga shorts na nakita ko sa aking gamit. At nakasee-through long sleeve ako. I swear! Di talaga sya see through. Nakasando pa nga ako sa loob e.

Ay teka nga pala! Bakit sya yun susundo sakin. Anong nangyari kay hannah!?

"I really love to fetch your daugther." Sagot ni kristoff na literal na nalaglag ang panga ko. What the!

Nagpipigil si Mama ng ngiti habang si Papa naman seryoso na ang tingin kay Kristoff. Oh no..

"Uh huh." Sagot naman ni Papa.

Sinamangutan ko si Toff. Kaya bigla syang umubo. "I mean, i really love to use my car to fetch your daughter." Tapos nagkamot sa batok si toff.

Hay nako kasi naman!

"Ma, Pa! Aalis na po kami. Sige na po. Ingat po kayo dito ah!" I kissed them quickly.

Toff salute to my Father. Tsaka tumango naman kay Mama.

"We gonna go Sir and Maam."

Tumango si Papa. "Kristoff.. Si Cassandra." Para bang binibilin ako.

"Yes sir."

Huminga ng malalim si Papa. "Oh sige na. Mag ingat kayo."

Mabilis kong hinila si Toff palabas ng aming bahay. Bitbit niya ang mga gamit ko. Pagkalagpas lang ng aming gate ay kinurot ko na agad sya ng matindi.

"Argh. Sh*t! Masakit." Nakangiwi niyang sambit.

"Masakit talaga yan. Ano yun sinabi mo kanina hah!"

"What? Im telling the truth." Nakangisi niyang sambit.

Umirap ako. Kaya natawa sya. What!

Hirap niyang buksan ang likod ng kanyang sasakyan. Kaya ako na ang gumawa. Ngumuso sya sa ginawa ko.

Inalalayan ko sya sa ginagawa. Habang nakasimangot ako.

"Thanks sexy." Bulong niya sakin pagkatapos namin ilagay ang lahat. Kinalibutan ako sa ginawa niya.

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon