Cassandra's POV
Nung umaga, masaya kaming nag kainan sa resto bar nitong Hotel. Pagkatapos non ay nagsigayakan na sila. Uuwe na din kasi sila hannah at lucian. Ihahatid ata ni lucian sa airport. Hindi pa kami uuwe ni Toff, dahil ang alam nila mama mag eextend kami ng bakasyon. Napanguso ako.
Ganon din sina Maxwell at Yvonne. Nagpaalam na sila. Ayaw pa nga ni Yvonne umuwe pero nagpumilit na din si Maxwell. Mukang may ibang plano sya sa natitirang araw ng bakasyon.
May isang linggo pa naman kami. Bago ulit ang Pasukan.
Mga tanghali na ng nakapag usap kami ni toff. Nasa loob na kami ng suite.
"My friend contacted me and ask me to come to his place. You want to go there?"
"Saan ba iyon tsaka ano ang gagawin natin doon?"
"It's camp site, mas maraming physical activities doon. And the view is great. Forest style sya. I mean sa forest talaga sya."
Naexcite ako bigla sa offer niya. It's sounds tempting and amazing! Paniguradong nakakarelax doon.
"Sure! I like that!" Masigla kong sambit. Hindi ko na nafilter ang aking excitement.
Ngumuso sya sa reaksyon ko.
"Saan pala iyon?"
"Tagaytay.."
"Oh.. Malayo. Nasa baler tayo.."
"Kaya nga, we flight back to manila para kumuha ng damit at gamit. Tapos diretso na tayo doon. O pwede naman na bukas nalang tayo umalis. Para makapagpahinga ka muna sa bahay ninyo. What did you think?"
"Oh sige okay sakin iyon. So more adventure ang trip natin sa tagaytay?" Masigla ko ulit sabi.
Ngumiti sya sakin. "Yup, so bring some sporty clothes but make sure hindi masakit sa mata ang mga iyon. You know what i mean by that."
Ngumuso ako sa sinabi niya. So bawal ang sexy clothes. Asa naman sya! Wala naman akong nga ganon na damit.
Kaya ganon nga ang ginawa namin. Pagkakain namin ng tanghalian ay tumulak na kami pamanila.
Hinatid niya ako sa bahay. Pero bumaba sya para ibigay ang pasalubong namin kila mama papa may dala kaming souvenirs like tshirt, keychains, tumbler, portrait with the view of Baler at ang pinagmamalaki ng baler aurora ang sikat na 'Nanay pacing peanut butter'.
Masaya si mama at papa sa pag uwe ko. Well ganon din naman ako. Napansin nila na Medyo naging tan ako at si toff.
Doon na naghapunan si toff at naikwento niya rin na bukas aalis ulit kami. 2 days lang naman daw kami doon. Pumayag na sina mama at papa. Dahil iyon na ang huli. Hahaha he look so tense habang nagpapaalam kila Papa.
Masayang makita na okay ang relasyon ni toff sa aking magulang. Nakakataba ng puso iyon.
Kinabukasan, maaga kaming umalis ni toff. Road trip ang naging biyahe namin.
Halos dalawang oras ang pagitan ng biyahe. Habang nasa biyahe kami tahimik lang kaming dalawa. Tanging music lang galing sa kanyang ipod ang tumutugtog.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
General FictionWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...