(LAST NIGHT)
Tinawagan ko nalang yung Admin.
"Hello? Hello? Ikaw ba yung Admin ng Kpop PH?"
Ayun! Binabaan ako? Bingi ba admin nila o nalunok niya lang talaga yung dila niya.
"Oo, ako nga! Bakit?" Ayun nagtext yung admin. Narinig niya naman pala eh. Ba't ayaw umimik?
"Gusto ko sanang sumali ng clan!" Sabi ko.
"Oh! Sige! Marami akong clan. Pero gusto mong sumali sa Kpop Official PH?" Kainis! 'Di naman 'yan ang gusto kung pasukan eh. TT
"Sige. 'Yan na lang!" Sige. Papasok ako rito baka merong ibang members 'dun na kasali 'dun sa isang secret clan.
'Yun nga! MAGII-SPY AKO RITO! ANG TALINO MO TALAGA CHLOE!Binigay naman 'nung admin yung form. Pero 'di muna ako magsa-sign! Bukas na. Marami pa naman akong gagawin bukas!
***
(NEXT MORNING)
-Saturday
Oo! Tapos na akong magjogging at maligo. 'Di na naman ako nagbreakfast. Wala sa mood eh. Tsaka note my outfit!
Still there's a Kpop in my fashion (Korean Fashion). I wear a Skinny jeans, Adidas Shoes, White backless sleeveless top and fashionable eyewear.
Pinaandar ko na yung kotse tsaka pumunta sa Mall. Pagkadating ko 'dun, pumunta ako agad sa Grocery area. Kinuha ko yung cart saka namili ng mga kailangan sa bahay.
Oo, gabundok na yung cart ko. Bahala na si Suho nito!4,000 pesos lang naman ang nabayaran ko rito. Owrayt! Pwede na akong magtayo ng sari sari store! Pero joke lang! Akin 'to lahat noh! Solo ko 'to noh! Yep. Ako na ang dakilang madamot!
Pumunta ako agad sa Parking Area. Para ipasok lahat ng pinamili ko. At 'di pa jan nagtatapos! Gumala muna ako sa mall. Naghahanap ng pweding mapiling damit.
Ilang oras na akong naglilibot-libot rito. Wala talaga akong napili, online nalang ako bibili. Kaya ayun, pumunta ako sa mga cosmetic shop. Bumili ako ng The Face Shop Concealer, Maybeline Face Powder, Kyliner, The Face Shop Mascara, Kylie lipstick and gloss, and Kyshadow. Yep! I'm also a huge fan of cosmetics! Kylie Cosmetics owned by Kylie Jenner is my favorite! And of course, ang shades ng lipstick na pinili ko ay 22, Candy K, Exposed, Koko K, Dolce K, and True Brown K. Bumili rin ako ng eyebrows (Kilay is life). Alam ko na marami pa akong make-ups sa bahay. Trip ko lang talagang bumili.
Pauwi na sana ako kaso, may Kpop Event pala rito ngayon. Kaya nanood muna ako kahit sandali lang.
"Guys si Chloe!"
"Huh?"
"Ang ganda nga niya!"
"Talaga?"
"Saan?"
Naririnig ko ang mga bulong-bulongan ng mga tao sa paligid. Yung iba nakikita kung nagbubulongan 'di ko lang marinig kasi malakas yung music.
Oo! Kilala nila ako. Pati na rin sila Nizzle, Kylie at Odyssa. Eh sino namang 'di ka kilala eh sa lugar namin marami talagang KPOP rito! Meron ngang isang University rito na halos lahat ng students KPOP fans. Kilala rin talaga kami dahil nga sa dance covers at songs namin. Minsan nga naggi-guest kaming apat rito eh. At saka yung mga organizers at staffs ng mga Kpop events dito sa lugar namin, kaibigan na rin namin.
YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Teen Fiction[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...