Chapter Thirty-Four

121 9 4
                                    



***


"Ate Chloe! Punta ka po dito sa room ng Writing Club. Meron po akong ipapakita sayo."


Nag'message sa akin ang isang unknowm number. Ano kayang meron? 'Di na ako nagdalawang isip na pumunta agad sa writing club room.


Pagdating ko 'dun ay bumungad yung isang basket ng letters sa isang malaking lamesa sa center ng room nila at nagsusulat yung mga members sa lamesa.


"Ate Chloe...dito!" Sabi nung isang babae na nasa center side ng table.


"Ikaw ba yung nagtext sa'kin?" Tanong ko habang papalapit sa babae.


"Oo ate Chloe. By the way, I am Angel Vellasco, President of Writing Club. Meron sana akong ipapakita sa'yong letter." Sabi ni Angel habang ngumingiti at may inabot na tatlong letters sa'kin.


Tumango lang ako at ngumiti rin. Pagkabasa ko kung sino ang nagsulat ng mga letters na 'to ay nagulat talaga ako! Seryoso? Is this for real? "Kylie? Odyssa? James?" Tanong ko kasi 'di ako makapaniwala.


"Oo Ate Chloe. Mukhang malaki ata ang problema ng tatlo. Gusto kong sabihin 'to sa'yo para ikaw yung maging secret writer nila. Kaibigan mo sila at sa tingin ko ikaw lang yung makakasagot sa mga sinulat nila diyan." Paliwanag ni Angel at 'di talaga ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. "Dito ka na magsulat Ate." Sabi ni Angel at binigay sa'kin yung chair niya saka umupo ako.


Yung una kong binuksan na letter ay kay Kylie.

"Dear Tree,

Sana kung nabasa mo 'to atin atin lang 'to ah. Sana walang makaalam nito at tayo lang dalawa.

Bakit kailangang maging komplikado ang lovelife ko? Alam mo kasi, 'di ko masabi sa bestfriend ko na gusto ko si Jon noon pa. Kasi, mas gusto pa ng parents ni Jon si Chloe. Mukha nga silang mag'fiancee eh. Pero sabi nila magkaibigan lang sila and they treated each other like brothers and sisters. 'Di ko alam kung ano ba yung problema ko, si Chloe ba o yung parents ni Jon? Kasi kahit 'di sabihin ni Chloe na may nararamdaman rin siya kay Jon ay alam kong gusto niya rin si Jon. Iba yung closeness nilang dalawa compared sa kanila ni Dave.

Now that Jon is secretly courting me. Nag'papanic na ako sa pweding mangyari. Baka mahuli kami ni Chloe na nag'didate. I don't know what to do tree. Please help me!

Kylie Lee Montez"


Ano bang pinagsasabi ni Kylie? Ako? Magkakagusto kay Jon? Well, the truth is, iba talaga yung closeness namin ni Jon compared kay Dave. Kami kasi ni Dave ay nagtatawanan lang kasi 'di niya ako kayang saktan. Eh kami naman ni Jon ay nagsasakitan, nagpipikonan at nag'aasarang dalawa. Kaya siguro nasabi 'yun ni Kylie kasi para talaga kaming may relasyon ni Jon plus magkasama pa kami sa iisang bahay.


Kumuha ako ng isang papel 'dun at sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin kay Kylie. Not just as her secret writer but also her bestfriend.


"Dear...Kylie....I...Know....Ayyyy writer!" Napasigaw ako kasi hinawakan bigla ni Angel yung balikat ko kaya napalingon ako sa likod ko. "Ba't ka ba nanggugulat Angel?!" Inis kong sabi.


"Ate Chloe. 'Wag kang maingay kung magsusulat. Nakakaistorbo ka sa ibang writer at baka may makarinig ng pinagsusulat mo." Sabi ni Angel sa'kin.


"Ahh ganun ba? Hihi sorry." Sabi ko at pagharap ko ay nakatingin na sa'kin yung ibang writer na nagsusulat sa table.


Nakakahiya!! Promise!!


A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now