Chapter Thirty-One

112 7 2
                                    



***


"Chloe magmadali ka na!" Sigaw ni Dave habang kinakamot ang ulo niya.


"Ano ba? Ba't 'di mo kaya ako tulungan rito?" Reklamo ko naman.


"Pasalamat ka't birthday mo ngayon!" Sabi niya naman agad.


Oo, birthday ko ngayon! YEEYYYYY! I'm sorry there is no 'YEY'


Mukhang 'di ako mag'eenjoy ngayon! Kasi si Dave lang talaga ang naiwan para tulungan ako. Nauna na sila Niz, Odyssa, Kylie, James at Jon 'dun sa Dome. 'Dun kasi gaganapin ang K-Pop Event.


Oo! K-Pop Event! Nasaktohan talagang sa mismong birthday ko pa talaga gaganapin ang Kpop Event!


UTANG NA LOOB! FRIDAY PA OH? MAY KLASE! Kaya, nung natapos yung huling klase ko ay agad-agad akong umuwi, naligo, nag'make-up, nagbihis, etc...


Pero buti naman at may pinadalang Van para sa'kin. Malaki ang pasasalamat ko sa nag'organize ng event na 'to. "Okay, tara!" Dry kong sabi.


At tumakbo na kami ni Dave papunta sa van. Mukhang manager at fan ko nga si Dave ngayon eh. Inaalalayan at tinutulungan niya ako ngayon at may dala pa siyang Canon Cam. Mukhang makikisali rin siya kanila Jon at Kylie sa pagkuha ng fancams mamaya.


Pagkarating namin sa Dome ay dumiritso ako sa back stage at pumunta naman si Dave sa Staffs area kasama sila James, Kylie at Jon. At hala! May dala ring Canon Cam si James, para na silang Journalists at Reporters ngayon.


At teka... ba't doon sila pumuwesto? Staff ba sila? Close ba nila yung nag'organize ng event na 'to? I mean, oo! Kilala namin yung nag'oorganize ng mga Kpop Events sa lugar namin. Pero, 'di naman doon pumupuwesto si Kylie ah. Anong trip nila?


Sinalubong ako ng mga ilang staffs para malaman ko kung kailan ako magpi'perform mamaya kasama sila Niz at Odyssa. Buti nalang at hinatid ako ng isang staff sa room kung saan nag'stay si Odyssa at Niz.


Bago ako pumasok ay nakipagselfie muna si Ms. Staff. Pagpasok ko ay tinanong ko agad sila. "Bakit doon pumuwesto sila Kylie?" Tanong ko at agad naman nila iyong na'gets dahil nagtinginan silang dalawa at ngumiti pa. Nakakaloka ang ngiti nila ah!


"Ahh hahaha napaka-crowded kaya doon sa audience area. 'Di sila makakakuha ng magagandang pictures kung doon sila. Alam mo namang napakagulo ng mga K-Pop fans diba? Hahahahaha" sagot ni Niz.
At tumango ako 'dun! Napakagulo kaya namin. Makita lang namin idols namin 'di na kami makakakuha ng videos at pictures ng mabuti dahil sigaw kami ng sigaw, cheer kami ng cheer. At mukhang ganun na ang mangyayari ngayon. I mean, 'di naman kami K-Pop Idols. Pero, iba kasi kapag may sumayaw at kumanta ng K-POP sa harapan mo. Feel mo rin na sila yung sumasayaw at kumakanta. Maghihiyawan sila kapag napaka-galing ng pagkanta o ng pagka-sayaw. Pero, mas maghihiyawan at magkakagulo kapag gwapo at magaganda yung sumasayaw at kumakanta. Ganun kami!


"Hoy Niz! Anong klaseng event pala 'to? Ba't maraming tao at dito pa yung location ng event?" Tanong ko. 'Di ko pa kasi alam. Masyado kasi akong nag'focus sa klase, sa gang at sa pagpa'practice.


"Ahh ano...lahat ng mga magagaling at nanalo ng awards na groups last year at ngayon ang magpe'perform." Sagot ni Niz habang inaayos buhok niya. Si Odyssa, busy naman sa vocalization. Sasayaw habang kumakanta ang gagawin namin ngayon. Sa solo ko naman ay sasayaw ako at mag'rarap. Meron nga akong mga back-up dancers eh. Para rin akong mag'coconcert kasi meron akong 4 solos. Merong isang solo 'dun na kakanta lang talaga ako.


A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now