Chapter Fifteen

181 12 0
                                    

-Friday

7:23 AM

"Goodmorning Ethan Oppa :)"

"Hinika ka ba ulit kaya ka di nagrereply?"

Oo guys! Kahapon 'di niya ako nireplayan. Kakalungkot ㅠㅠ

"Goodmorning Jewel. :) sorry di ako nakapag reply kahapon. Busy eh. Sorry po. :)" Ethan.

11:43 AM

"Hello Ethan oppa :) okay lang yun :) sorry late reply, nagsimula agad yung klase namin kanina. And kumain ka na rin :) Happy lunch." Me.




***


Wala nang gumugulo na gang sa'kin o kay Jon ngayon. Pero simula nung nangyari yung away, 'di ko na nakita si Dave. Sabi ng mga kaklase niya absent raw siya kahapon at ngayon.


Okay na rin yung sugat sa bibig ni Jon at sa'kin. Pasa nalang sa katawan niya ang 'di pa mabuti.


"Jon, suotin mo yung jacket mo na hoody para 'di mahalata ng Mommy mo yung pasa sa kamay at katawan mo." Pag-uutos ko. Kakatapos lang ng last subject namin ngayong hapon.


"Sige. Kita nalang tayo sa labas ng school." Tsaka niya kinuha yung bag niya sa classroom at naunang lumabas.


"Okay! Ihahanda ko muna yung kotse." Sabi ko tsaka lumabas sa classroom na naka jacket rin. Naghiwalay kami dahil papunta siya sa locker room at ako pupunta sa parking lot.


Plano kasi namin na dumiritso nalang sa school niya dati pagkatapos ng last class namin. Kaya 'di kami sumakay ng school bus kanina papunta rito sa school, para yung kotse ko ang gamitin namin papunta sa school niya. Sa City kasi nakalocate ang school niya dati.




***



3:20 pm.

Mabilis kaming nakarating sa dating school niya dahil 'di naman traffic. "Recess ba nila ngayon?" Tanong ko kay Jon. Dahil nagkalat lahat ng mga estudyante sa iba't-ibang bahagi ng school.


"Oo. Kaya tara na!" Sabi niya at tangna lang ah! Ba't niya ako kinakaladkad?Madaming estudyante! Ba't niya ako hinawakan? Pwedi naman akong sumunod lang sa kanya!


"Guys si Jon!"
"At si Chloe?"
"Hala si Chloe nga!"
"Sila ba?"
"Ang alam ko classmates lang sila!"


Bulong-bulongan ng mga estudyante ng nadadaanan namin. Kilala nila ako? Paano? "JON!! DITO!!" Rinig kong sigaw ng isang babaeng estudyante.


Pagtingin ko andun yung estudyanteng sumigaw na nakaupo sa may bench kasama ang grupo ng mga babae. Huminto si Jon para tumingin. Pero agad na bumaling ang atensyon sa'kin at agad na naglakad.  "Di mo ba sila pupuntahan?" Tanong ko agad. Pero 'di rin ako pinansin. Snobero!


"Hey Jon!" Narinig ko na naman ang sigaw ng babae at mga kasamahan niya habang patakbo sa direksyon namin. At agad nila kaming naharangan. At dahil ngayon ko lang sila nakita ng malapitan masasabi ko na talaga kung anong klaseng tao sila.


Sila yung tipo ng mga babae na mahilig mag-cross arms, nakasmirk, makakapal ang make-up, at maaarte! In short, BITCHES!


"I miss you Jon!" Sabi nung babaeng nasa gitna at parang octopus yung kamay na pumulupot sa buong katawan ni Jon. Agad nabaling ang atensiyon niya at ng mga alipores niya sa'kin sabay tanong, "Who's that girl Jon?" Tsaka siya tumingin sa'kin na parang nandidiri.


A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now