"Exercise tayo sa gym mamaya mga bhe!" Yaya ni Nickz na nakapag-pagising talaga samin ni Ellen habang nagpi'prepare ng breakfast.
Tumango naman kami ni Ellen habang nakangiti ng malapad. "Gisingin na natin sila." Pag-aaya ko sa kanilang dalawa. Tumango sila at umakyat na kami.
Pumasok ako sa kwarto ni Ethan, Mino, at Kenn. "Gising na kayo oy!! Mga tulog mantika naman oh!" Sabi ko habang inuuyog-uyog katawan nilang tatlo na nakahiga sa King Size Bed.
Nakita ko naman si Kenn at Mino na agad namang bumangon at sabay na pumasok sa C.R. shemmay! Naalala ko si Jon nung nagbakasyon kami. Ang gulo gulo kasi ng buhok nila at naka-pout pang pumasok sa C.R.
Tinignan ko naman si Ethan na hanggang ngayon ay tulog mantika parin. Hinila ko kamay niya at inuyog-uyog ito para magising siya. "Choco!....gising na oy!!" Sabi ko at paulit-ulit ko talaga iyong sinabi. "CHOCO!!! GISI---AHHHHHH!!"
Sa putang inang pagkakataon naman oh! Hinila niya ako bigla at napahiga ako sa kama. Pero ang mas ikinagulat ko ay nasa ibabaw ko na siya at....at ang lapit lapit na ng mukha niya! "C-Choco....b-bitawan mo ko..." sabi ko dahil hinawakan na rin niya yung dalawa kong kamay. Mas inilapit niya mukha niya sa mukha ko! Kaya inilibing ko mukha ko sa unan para kahit papano ay malayo-layo agwat ng mukha naming dalawa. Pero mukhang useless iyon! Sa tingin ko 2cm na yung lapit ng mukha namin! Those beautiful eyes of his is staring at my eyes sweetly! "W-What are you going to do?" Tanong ko.
Shemmay! Ano bang gagawin niya? Tinignan niya labi ko at inilapit niya labi niya sa labi ko. Kaya napapikit ako bigla!
Nagulat naman ako nang halikan niya ako sa noo ko. "Ang ganda ng pambungad mo sa'kin ngayong umaga ah! Pero, goodmorning parin noodles." Bulong niya at agad naman akong napadilat. Bumungad sa'kin ang pang-toothpaste commercial niyang ngiti! Akala ko mabaho hininga niya dahil bagong gising siya pero hindi eh! Ang bango nito! At saka ang sarap niyang halikan dahil ang gwapo gwapo niya at ang hot hot niya! Shemmay! Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Binabastos ko na sarili kong boyfriend!
"E-Eh kasi...kakain na eh! Tsaka, bitawan mo na ako." Sabi ko habang nagmamakaawa.
"Kiss mo muna ako sa pisngi." Sabi niya habang nakangiti ng malapad! Ang lalaking 'to talaga! Pasalamat siya at naghihintay na mga ka'clan namin sa baba. Kaya hinalikan ko nalang siya sa pisngi agad. But the truth is, mahal ko siya kaya ko siya hinalikan sa pisngi. At ginusto ko rin naman 'yun! Oh diba ang landi! Hahahahahaha but seriously, wala naman sigurong babae na 'di ginustong halikan sa pisngi jowa nila noh!
Agad naman niyang binitawan kamay ko at umalis siya sa ibabaw ko. Agad naman akong bumangon sa kama kasama siya. Magkasama kaming bumaba at pagkarating namin 'dun ay bumungad sa amin ang mapang-asar na ngiti at mukha ng mga kasamahan namin na para bang may iniisip sa aming dalawa na 'di maganda!
"Hoy! Ba't ang tagal niyo sa taas?" Sarcastic na tanong ni Mays.
"Anong ginagawa niyong dalawa 'dun?" Tanong ni Kassy habang nakangiti ng nakakaloka!
"Ba't ang gulo ng buhok ni Chloe?" Tanong rin ni Ellen habang nakangiti ng malapad!
"Walang nangyari guys. Ano bang iniisip niyo?" Depensa ni Ethan at nagulat ako nung ngumiti siya habang kumindat sa mga ka'clan namin.
"Hoy! Anong ibig sabihin ng kindat na 'yun? May nangyari ba talaga?" Tanong ni Hoshi. Habang silang lahat ay napanganga at lumaki ang mata!
YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Teen Fiction[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...