Third day na ng Christmas Special ng clan. At ang naudlot na gym kahapon ay natuloy na rin sa wakas. Kaming lahat ngayon ay nag'gigym na. At itong mga kasamahan ko gustong magpaturo kung papaano mag'build ng abs sa katawan.
Diyos ko! Di ko nga alam kong paano ako nakabuild ng abs eh. Pero nung research ako eh ang sabi raw ay 'lahat raw ng tao ay may abs sa katawan, di lang raw ito nakikita dahil sa tinatakpan ito ng fats. Pero ang iba raw ay kailangan talaga nila ng masusing workout para maka'build ng abs.' Eh siguro dahil sa palagi kong ginagawa sa club house namin, sa pag-jojogging ko at sa trabaho ko sa gang kaya ko na'build ito. Oh diba? Ang ganda! Hahahaha
Buti nalang at si Ethan ang sumalo sakin. Siya na ngayon ang nagtuturo sa mga kasamahan namin kasama sila Hoshi, Ron, Mino at Kenn. Eh pareho naman silang may abs eh kaya bagay lang sa kanila na maging gym instructor ngayon. Hahaha
Ako naman ay nagbubuhat ng dumbbell. Nagulat naman ako nung sinabayan ako ni Ethan! At shemay! Ang landi niya! Hinawakan niya bewang ko. "Magpadala ka lang sa bigat ng dumbbell noodles. Para yung fats mo sa bilbil mo ay mawala talaga." Bulong niya. Shemay! Para siyang manyak sa ginagawa niya! Pero parang ang intensyon niya naman ay turuan lang ako ng proper workout.
"A-ako na choco." Sabi ko bigla. Dahil iba na talaga ang nararamdaman ko sa ginagawa niya.
"Is there any problem noodles?!" Tanong niya. Napatigil ako sa tanong niya at saka siya tinignan. Actually, oo may problema ako bukod sa ginawa niya sakin ngayon.
Eh sa hinahawakan niya mga katawan ng mga babae kong kasamahan eh. Kaya ako lang mag-isang nag'woworkout dito. At dun sila nakaharap sa isang salamin.
"Wala naman." Dry kong sabi saka ako nagpatuloy sa workout ko.
"I don't think so." Sabi niya.
"Ikaw bahala kung ayaw mong maniwala." Sabi ko sa kanya. Habang ako naman ay nagbubuhat lang ng dumbbell. Nung umalis siya ay parang nalungkot ako. Heh! I'm such a pretender! Tss.
"Guys, attention! Punta tayo sa mall ngayon. Bilhin niyo gusto niyong bilhin para ipanregalo." Sabi ni Mino bigla. Kaya ngayon, nag-iisip na ako ng gusto kong ipanregalo sa mga ka'clanmates ko. Lalo na sa mga barkada ng F4! Nahihiya akong magbigay sa kanila ng regalo! Eh sa ang yaman nilang lima at hindi namin alam kong ano ang gusto nilang lima! Nakakainis kapag may reregaluhan kang mayaman!
Sanay na ako sa mga kaibigan kong mayayaman dahil kahit anong iregalo ko sa kanila matutuwa naman sila eh! Pero sa limang 'to! Ewan ko nalang talaga!
Kaya eto pagkatapos kong magworkout ay agad kong kinuha phone ko at nag'research. Ni'research ko yung mga paborito at goals ng mga ka'clanmates ko sa FB. At diyos ko! Puro korean cosmetics at kpop products ang goals! Naku! Limit lang budget ko! Shemmay!
Pebi- NCT-U album at T-shirt
Ellen- SNSD products
Mays- Cosmetics
Nickz- Song Joong Ki products
Kassy- Kylie Cosmetics
Jaera- BTS productsOkay na ang mga babae dahil di naman sila ganun kaarte at kayaman. Eh yung lima! Naku! Na'iistress ako sa kanila! Lalo na kay Ethan! May tampuhan pa kami ngayon.
Nung makita ko si Mino ay agad ko siyang pinuntahan. "M-mino....can we talk?" Tanong ko.
"Oh sige Chloe. Ano ba yun?" Tanong ni Mino.
"Ahmm, anong magandang panregalo kay Ethan sa pasko?" Tanong ko sa kanya. Pero siya ngumiti lang ng malapad.
"Yieee! Nag-eeffort ang girlfriend! Hahahaha well, sa pagkakaalam ko kay Ethan, di yan namimili ng regalo. Lahat ng inireregalo sa kanya ay tinatago niya talaga at iniingatan. Siya yung taong natutuwa sa simpleng bagay lang. Kaya bigyan mo siya ng regalong galing sa puso mo. Don't worry, wala siyang paki kung mura lang regalong natanggap niya." Sabi ni Mino at ti'nap niya balikat ko. Napangiti ako sa sinabi ni Mino. Ang cute naman pala ni Ethan kung ganun!
YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Teen Fiction[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...