Chapter Seventeen

146 8 3
                                    

-Monday


Sa araw na 'to ako bumawi sa lahat ng mga subjects na 'di ko na-focus. Sa dami pa naman ng nangyari sa first week ng school.

Dito ko rin nasaksihan ang awkwardness sa atmosphere dahil sa dalawang taong kanina pa naming inaasar. Hahahaha


"Hoy Kylie! Kanina ka pa jan sa computer mo ah!" Pang-iinis ni Niz habang nginitian si Kylie ng nakakalokang ngiti!


"Oyy Jon! 'Di ka naman marunong maglaro ng COC ah! Ba't parang busy ka diyan?" Pang-iinus ko rin tas nginitian rin ng nakakalokang ngiti. Hahahaha


"Oy! Nagpagawa ako ng kimbap sa yaya namin. May dala rin akong toyo!" Sumabat bigla si Odyssa na nagpakuha ng atensyon nila Kylie at Jon. Nagtinginan rin kaming tatlo tas ngumiti ng nakakalokang ngiti. Tsaka kami umarte ni Niz.


"Hmmm! Ang sarap ng kimbap! Lalo na't ikaw ang sumubo!" Sabi ni Niz tsaka umarte ng parang nasarapan talaga. Diniinan pa ang 'Lalo na't ikaw ang sumubo!' Hahahaha


"Talaga!? Masarap 'to kapag merong toyo!" Tsaka ko sinubuan si Niz ng kimbap na may toyo. Nabigla naman kaming tatlo nang umalis silang dalawa ng sabay pero naglakad sa magkaibang direksyon.


"Oyy!"

"Jon!"

"Kylie!"

"Masarap naman talaga ang kimbap ah!"


OYY! Bumalik bigla yung tingin ni Kylie sa amin. Akala ko galit siya kasi namula yung mukha niya!


Teka?...

Namula?...

Nagblush si Kylie!!

Omo!


"Hayaan nalang natin silang dalawa. Magkikita rin 'yan sila mamaya sa room." Sabi ni Odyssa tsaka ngumiti na naman nang nakakaloka!



***


Andito na ulit kami sa classroom.

Oplan Ignore!

'Wag pansinin si Jon at Kylie.
Kung napansin na nila na nagtatampo tayo sa kanila (kahit di naman). Merong isa sa kanilang dalawa ang gagawa ng paraan para makausap kami.

In other words, magkakaroon ng plano si Kylie at Jon para pansinin ulit namin sila. At dun na magsisimula ang pagkakamabutihan ng dalawa.


OWEMJI! OWEMJI! Hope magwowork yung plano! Sheems! Alam ko sa sarili ko na 'di talaga matiis ni Kylie na 'di ako pansinin. So nagtext ako kay Odyssa at Niz.


"Give me 20 minutes!" Text ko sa kanila.

"Pano si Jon?" Tanong ni Niz.

"15 minutes :)" Reply ko agad.


Yang si Jon! Dahil sa naging closeness namin this past few days. Daldal na siya ng daldal sa'kin, walang oras o minuto na 'di niya ako kinakausap. Kahit nga may teacher sa harapan, bulong parin ng bulong sa'kin. 'Di nga rin pinatawad si Kylie, halos lahat ng nalalaman ko kay Kylie nasabi ko na sa kanya. Eh pano ba naman, tanong siya ng tanong tungkol kay Kylie, samantalang sila Niz at Odyssa favorites lang ang tinatanong niya. At mukhang interesado talaga siya kay Kylie.

Teka...

Tungkol kay Kylie....

Si Jon...nagkakainteres kay Kylie!

A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now