Chapter Twenty-Five

110 10 2
                                    

-Wednesday


Nagja-jogging na naman ako dito sa park. Meron pa akong 10minutes left. Bago ako uuwi.


Kaso mukhang uuwi ako agad nito, bigla kasing umulan. Wrong timing talaga oh! Kaya ito, binilisan ko yung pagtakbo ko pabalik sa bahay. Lumakas ng lumakas yung ulan! Napaka-duga talaga ng panahon! Ba't ngayon pa bumuhos yung ulan? Pwedi namang kagabi ito bumuhos o kaya mamayang gabi ito bubuhos. Tss!


Buti nalang at nakarating na ako sa bahay. Mukhang tulog pa si Jon. At saka basang-basa na ako ngayon!


Kaya ito, pagdating ko sa bahay, naligo ako. 5:15 a.m. pa naman. Kaya napag-pasyahan kong mag-spazz muna.


***


10:00 AM


"Chloe? Okay ka lang?" Tanong ni Jon.

"May masakit ba sa'yo?" Dagdag ni Niz.


Umiling lang ako, habang naglalakad papuntang cafeteria. "Guys..mauna na kayo. Punta muna ako ng CR." Mahina kong sabi.


"Teka Chloe!" Rinig kong sigaw ni Dave kaya napalingon ako agad. "Hihintayin nalang kita dito Chloe." Sabi niya saka ako tumango.


Tinignan ko lang sarili ko salamin. At grabe lang! IKAW BA 'TO CHLOE? Nakuuuu! Makisama ka katawan ah! Ba't namumutla ka?! Ehhh!

Naghugas lang ako ng kamay. Agad nabaling ang atensiyon ko sa estudyanteng kakalabas lang ng cubicle. "Hello Ate Chloe." Bati niya habang nakangiti. Tumango lang ako.


Paglabas ko palang ay parang nahihilo na ako, napakahina ko ngang maglakad ngayon eh. Naiinis ako! >< bakit ngayon pa talaga ako nagkaganito! Tss.


Nang makita ko na si Dave ay binilisan ko yung paglalakad ko. Pero 'di ko kaya. Nanghihina na talaga ako ng sobra! Amputa naman oh! ><


Bigla nalang nandilim paningin ko. Ano baaaaa!? Nakuuuu! 'Wag ngayon...sana 'wag ngayon. Napahawak ako sa ulo ko saka iniling ang ulo ko para bumalik sa dati ang paningin ko.


Kaso, bigla nalang akong nawalan ng lakas at tuluyan na talagang nandilim yung tingin ko.


"CHLOE!!" Rinig kong sigaw ni Dave. At mukhang nasalo nga niya ako. Dahil 'di ko naramdaman yung pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Naramdaman ko yung pagdampi ng malamig na kamay ni Dave sa noo ko. "Oh shit! You're so hot!" Rinig kong komento niya.


At doon na ako lubusang nawalan ng malay.


***


"Chloe? Gising ka na ba?"

"Ma'am Nurse!" Rinig kong sabi ni Dave at Odyssa. Pero blur parin yung paningin ko at ang sakit ng ulo ko. Feeling ko talaga masusuka ako!


Luminaw na yung paningin ko. Nakita ko si Ma'am Fitz na kinuha yung bimpo sa noo ko. Si Niz, Kylie, Odyssa, Jon at Dave naman ay nakapalibot sa kama kung saan ako nakahiga. Uupo sana ako nang..


"Just rest Chloe." Mahinang sabi ni Dave.


"He's right Chloe." Mahinhin na sabi ni Niz.


"Sinong nagdala sa'kin dito?" Mahina kong tanong.


"Nasalo kita nung nawalan ka ng malay. Kaya naman kitang dalhin papunta rito kung andun lang tayo sa ground floor. Pero andun tayo sa 3rd floor 'nun eh. Kaya ayun, tinulungan ako ng gang." Sabi na nga eh! Okay lang kung may elevator sa school makakaya talaga akong dalhin ni Dave papunta dito. Pero dahil hagdan lang ang meron sa school. Hahaha kaya ayun. Salamat sa ka gang ko! Pero, parang nainsulto ako 'dun eh. Ganun na ba ako kabigat?


A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now