A very long chapter! Hihi
***
Gumising ako ng umaga at naghanda ng breakfast para sa apat. Lumabas na rin ako ng bahay para bumili ng kape sa kanilang apat.
Sakto naman yung dating ko ng lumabas si Ethan sa kwarto habang hinahawakan yung ulo niya.
"Choco!" Sigaw ko tsaka ako tumakbo papunta sa kanya dahil malapit siyang matumba. Nagulat naman ako nung ngumiti siya ng malapad.
"Thanks for catching me, noodles." Sabi niya kaya nabatukan ko siya ng malakas! "Arayy! Anong problema mo?" Tanong niya habang kinakamot batok niya.
"Matagal na kitang sinalo. Ano ka ba!?" Sabi ko habang ngumingiti ng malapad at ganun rin siya. "Hali ka na nga! Uminom ka muna ng kape." Sabi ko. At nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
May dala-dala pala siyang camera at kumuha siya ng picture naming dalawa. "Ang ganda mo talaga!" Komento niya.
Binatukan ko na naman siya agad! "Ang panget ko diyan. I-delete mo 'yan!" Reklamo ko.
Niyakap niya bigla yung camera niya. "'Wag! Memories ko 'to!" Sabi niya habang naka-pout. Shemms ang cute! Hahaha magulo pa kasi yung buhok niya at mukhang hang-over pa! Kaya nagmumukha siyang bata!
"Ewan ko nga sa'yo! Lakas rin kasi ng trip mo eh!" Sabi ko sa kanya at inabot ko sa kanya ang isang kape. "Inomin mo 'yan. Masarap 'yan choco." Sabi ko. Tsaka niya kinuha ang kape na binili ko.
Ininom niya ito. "Ahh oo nga masarap. Teka? Asan si Temler?" Tanong niya. Kaya tinawag ko si Temler. At agad namang pumunta si Temler samin. "Temler! Nag-almusal ka na ba?" Tanong niya. Hala sige! Mag-usap kayo diyan! Sana magka-intindihan kayo!
Umupo nalang ako sa sofa habang iniinom kape ko. "Temler? May iba ba si Chloe nung wala ako rito?"
"Arff!"
"Talaga? Wala?"
"Arrf arrf!"
"Mabait ba si Chloe?"
"Arrf arrf!"
Biglang ngumiti si Ethan ng napakalapad at tumingin sa'kin. "Hala noodles mabait ka raw!" Sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama. "Sabi na ngang hindi--e-este mabait pala." Napayuko nalang siya. Mukhang nagdadalawang isip siya kung ano gusto kong marinig. Mabait ba o masama? Hahahahahaha
"Maligo ka na, amoy alak ka pa oh." Sabi ko sa kanya habang iniinom kape ko. Tsaka ko naisip yung tatlo! Grabe sila ah! Napasarap talaga ang tulog!
Sabay kaming pumasok ni Ethan sa guest room at kinuha ni Ethan yung toothbrush at towel niya sa maleta niya. At ako naman ay ginigising ko yung tatlo!
"Hoy! Gumising kayo!"
"Mmmm! Maya na Chloe!" Reklamo ni Dave habang niyayakap si James.
"Antok pa kami oh!" Sabi ni Jon at niyakap rin si Dave.
"Oo nga!" Pagsang-ayon ni James habang kinakamot ulo niya.
Napangiti ako saglit dahil ang cute nilang tignan. "Okay kayo bahala! Tatawagan ko nalang mga girlfriend niyo." Pagkasabi ko 'nun ay nag-unahan sila sa banyo. Pero huli na dahil nakaligo na si Ethan 'dun! "Tss. Dave gamitin mo banyo ko sa kwarto. James, gamitin mo yung isang banyo sa taas. Mag-ingat ka 'dun dahil kwarto 'yun ni Papa. At Jon may banyo ka naman. At 'wag mong kalimutang pahiramin si James ng damit." Utos ko tsaka ako tumalikod at lalabas na sana ako nang magsalita si Dave.

YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Ficção Adolescente[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...