-Monday
Yung 3 days sana naming vacation 'di na matutuloy. Kasi may emergency raw sa boarding house nila mommy. Kaya ayun nagsiuwian na kami.
Nakakalungkot nga eh! Isang araw at isang gabi ko pa lang nakasama si Jon at Vanessa ang gaan na ng loob ko sa kanila. Siguro dahil pinagkakatiwalaan rin ni Papa ang pamilya nila. At siguro, madali lang naman silang malapitan at makausap kaya gumaan loob ko sa kanila agad.
Ako na pala nagdrive ng kotse para ihatid sila. Yung kasama ko sa front seat ay si Jon. Andun naman sa likod sila Mommy, Vanessa at Maam Len. I mean Tita Len.
After ng lunch namin. Kinausap ako ni Tita Len. Ewan ko ba! Bigla talaga akong kinabahan kasi baka nagalit sya nang maabutan kaming dalawa ni Jon na hinahawakan ang kamay ko.
Pero hindi eh!
"Chloe. You're such a beautiful, talented and good kid!'' Nagsmile s'ya kaya nawala bigla yung kaba ko. "I know you're father very well!" Kinabahan ulit ako! Isusumbong ba niya ako kay Papa?? OMO! TULONG LANGIT!! "And I like you so much!" Grabe mood swing ng babaeng to ah! "I like you and I think there's a chance that my son likes you too!" Napakunot bigla yung noo ko. Ano na namang pinagsasabi nito? "This is not a fix marriage because me and your father is not a business personel. Madami nang kinuwento Mommy mo at Papa mo sa'kin at kay Jon. And the thing is, I want you to date my son. And don't worry, my son knows this and he also agreed. So, Chloe! Will you agree too?" I can't believe thissss! As in? for real? For what?"Uhmm, Maam? Date lang naman diba? Like, getting to know each other lang naman diba?" Sabi ko. At sa 'di kalayuan. Nakita ko si Jon na nakasandal sa isang coconut tree habang nakabulsa yung kamay niya. At mukhang tinitignan kami.
"Yes, Chloe." Nakahinga ako ng maluwag 'dun. "So? Papayag ka ba?" Napa-oo nalang ako at ngumiti. At parang napasaya ko nga si Maam Len. Kasi niyakap niya ako bigla. At para 'di sya mailang, I hug her too! This is not a big deal at all. Date lang naman. At saka, sang-ayon ang panig ni Papa sa panig ni Maam Len. Hindi naman talaga fix marriage 'to, I guess. Sana hindi bigyan ng kahulugan ni Maam Len ang magiging date namin. Dahil baka, nagdi-date pa nga lang kami baka pagdating ko sa bahay may engagement party nang nangyayari.
Ayan ka na naman Chloe! Pinapangunahan ka na naman ng isip mo! Tumigil ka ah!
"Thank you Chloe. By the way, just call me Tita Len." At nagsmile lang ako sa kanya. Pero 'di 'yun plastic na smile. Kasi, sa araw na'to. Napatuwa ko ang matalik na kaibigan ni papa.
At 30 minutes lang din yung byahe namin pabalik sa City. Pagkatapos kong hinatid si Mommy. Hinatid ko narin si Vanessa, Jon at Tita Len.
Pagkadating namin sa gate ng bahay nila bumaba ako para magpasalamat. Kanina ko pa nalaman na si Tita Len pala ang naglibre sa'min sa 'dun sa resort. Masasabi mo talagang kahit wala silang negosyo ay may kaya rin naman talaga sila.
"Ingat ka pauwi!" Pagpapaalala ni Tita Len habang nakangiti. Ang cute niya talaga dahil sa chubby cheeks niya!
"Oy! Kita tayo ulit ah!" Ngumiti si Vanessa sa'kin ng ubod ng lapad tsaka ngumuso sa direksyon ni Jon.
At kanina ko pa 'to napapansin. Kanina pa 'di umiimik si Jon. At ang seryoso ng mukha nya ah! "Oy! Alis na ako." Ganyan talaga ako magpaalam. Papasok na sana ako sa loob kaso hinila niya ako bigla pabalik sa kanya.
Ang naramdaman ko nalang ay yung tibok ng puso niya dahil sa niyakap niya ako bigla. Ba't ang lakas ng tibok ng puso niya? Samantalang sa'kin normal lang naman! Kinakabahan? Nati-tense? Ayy! Ewan na nga lang! Mas hinigpitan pa niya yung yakap niya sa'kin.
"Kita tayo ulit ah. Mamimiss kita." Bulong niya sa'kin.
"Ano ba Jon? Umuo na nga ako sa date diba! So magkikita parin tayo ulit!" Natatawa kong sabi. Saka niya ko pinakawalan at tiningnan sa mga mata ko. Ngumiti ako sa kanya.
"Osiya! Nagpromise ka sa'kin ng date ah!" Saka siya ngumiti ng ubod ng lapad sa'kin. HALA! AMPS! ANG GWAPO TALAGA NG LALAKING 'TO! Umuo ako at nginitian rin siya. Syempre, 'di ako papatalo noh! Hahaha.
"Ingat ka pauwi!" Pagpapaalam niya. Nag-wave lang ako ng kamay at pumasok sa kotse. Saka ako umalis.
Pero imbis na umuwi agad! Dumeritso muna ako sa mall. Bibili na ako ng school supplies dahil sa malapit na ang pasukan. At para hindi na ako mahirapang mamili dahil alam kong madaming mamimili sa susunod na linggo. You know, the back-to-school thingy!
Siyempre sa paboritong kainan ng bayan ako kumain ng tanghalian, sa Jollibee. Kanina pa ako gutom. Ibang pa naman ako pagnagutom. Pero naalala ko na naman bigla si Ethan. Kamusta na kaya 'yun?
"Hi Ethan. Happy lunch! Kainin mo lunch mo ah? Ingat palagi!"
Tinext ko siya. Nag-aalala ako! Ewan ko kung bakit. Naiinis rin ako ngayon. Dalawang araw na siyang walang GM o PM sa'kin. Nakakalungkot talaga! SWEAR! Eh ba't naman ako malulungkot? Siguro dahil, miss ko yung tao? Dahil miss ko yung kulitan at kuwentuhan namin sa text? O 'di kaya...hindi! Mali ang iniisip mo Chloe! Grabe ang stage na 'yun.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/76511839-288-k571236.jpg)
YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Teen Fiction[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...