***
First saturday of September na ho ngayon. It means, sparring na naman ng gang ngayon.
I can't wait! Ilang weeks silang naghanda para dito. Nagtuturo na nga rin si Ate Maria eh. Nag-gaguide lang si Tito sa mga tinuturo nila Kuya Ken, Ate Maria, Frank, Jerome at Xander. Minsan tinuturuan pa rin ako ni Tito Dan. Kaya nag-iimprove rin ako every training.
'Di ako makapaghintay! Kaya 8am pa lang ay nagsimula na ang sparring. Nag-improve nga silang lahat. Si Dave nga nahirapan kay Odyssa eh. 'Di ko alam kung bakit pero iba pala talaga kapag si Ate Maria magturo. Siya lang kasi yung babaeng trainor kaya napaka-strict ni Ate. Hahahahaha
Nahirapan rin akong kalabanin si Jon at James. 'Di ko alam na kaya pala nila akong labanan ng ganun. Pero natalo ko pa rin lahat ng naka-sparring ko, pati rin si Dave. Well, speaking of Dave...
'Di na niya inaaway si Odyssa. Last sparring, inaaway niya si Odyssa at pinag-titripan. Ngayon magkasundo na sila. Napapansin ko rin na kung saan pumunta si Odyssa, nakasunod lang si Dave. Well, I think...I need to talk to Dave later.
Si Jon at Kylie naman, kanina pa 'di mapinta ang mukha. Lumalayo sila sa'kin palagi at umiiwas ng tingin. Anong problema nilang dalawa? Pati ba naman si Jon at Kylie kailangan ko pang kausapin?
Mas mabuti pa ngang kausapin si Temler eh. Kahit tahol lang siya ng tahol. Well, malaki na si Temler ngayon. Iniiwan ko siya sa isang dog care center kapag may pinupuntahan akong importante o 'di kaya pumapasok ako sa school. Araw-araw kaming nag-babonding dalawa. Syempre nag-jojogging kami o 'di kaya kumakain kahit saan. Magkatabi nga kaming matulog ni Temler eh. Actually, 'di ako makapaniwala na na-trained pala si Temler ng una niyang amo or should I say 'my secret admirer' hahaha. Kasi kapag iihi o magbabawas siya ay sa labas talaga ng bahay at sa halaman pa. Binilhan ko nga siya ng toothbrush at towels. Na-trained ko na nga siya na kapag pumasok siya sa bahay ay dapat 'di maputik yung paa niya. Siyempre kasama rin mga kaibigan ko kung saan ang trip namin ni Temler. Baka magselos sila kapag yung atensyon ko ay kay Temler lang lage. Hahaha iba pa naman sila kung magselos. Daig pa yung may jowa! Hahahahaha
Lalo na si Niz. Ibang-iba si Niz kung magselos kaya kung may boyfriend 'tong babaeng 'to kailangan talagang mag-ingat ng boyfriend niya. Ang bilis kasing mag-decide ni Niz. Minsan nga padalos-dalos lang siya sa pag-dedecide at 'di nag-iisip. Sa huli siya parin naman yung nasasaktan.
Nagsiuwian na lahat ng gang members except sa aming pito. "Tol! Alam mo bang mag'coconcert ang Apink dito this October?" Tanong ni Odyssa at mukhang excited siya pati si Niz at Kylie.
"Oo. Kagabi ko nalaman. Bakit?" Tanong ko habang nakangisi. Parang alam ko kasi ang gusto nilang sabihin.
"Kagabi pa namin 'to plinano." Sabi ni Kylie at ang laki na ng ngiti niya.
"Punta tayo." Excited na sabi ni Niz at ang laki na rin ng ngiti niya.
"Libre namin tol!" Dagdag ni Odyssa at mas malaki pa ngiti niya.
"Teka...okay lang ba sa parents niyo?" Tanong ko agad. Himala!
"Ahh oo tol! Binigyan pa nga kami ng allowance at pambili ng ticket eh. Daddy rin ni Niz ang magpapa-reserve ng hotel. Daddy naman ni Kylie ang bahala sa ticket papuntang Manila. And si Daddy ang bahala sa tickets sa concert. Oh! Ang saya diba?" Sagot ni Odyssa habang 'di mapinta ang mukha sa saya. Excited silang lahat pati si Dave, Jon at James. Pero ako? Para na akong tanga at 'di na makapaniwala sa pinagsasabi nila. Pano nangyari 'yun? Eh hindi basta-bastang pinapayagan sila Niz, Odyssa at Kylie nila Tito.
YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Fiksi Remaja[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...