Conversation

174 8 0
                                    

***

Natapos na akong nag-half bath, nagluto ng ulam, kumain ng hapunan, gumawa ng assignments. Pero lokong Ethan! 'Di talaga nag-reply! Tss.

Eh teka nga lang!? Ba't ba ako nagagalit?

Nakuuuuu! Juskooo! Kainis! Wala akong karapatan. Ampss naman oh! Naaawa na talaga ako sa sarili ko. Ba't ba ako nagpapakatanga? Shet!

9:40 PM

"Sorry late response. Hello. :)"

"OWEMJI!!"

"Bakit Chloe?!" Tanong ni Jon habang nakakunot na ang noo. Nagtataka na ata siya ngayon.


Andito kasi kami sa sala ngayon. Nanonood ng palabas. Fan pala siya ng mga hollywood stars and artists. Kaya nanonood siya ng mga shows at performance ng mga American Pop Artists sa TV. Magkakasundo siguro sila ni Kylie nito.


"A-ahmm..wala! S-sige! Punta muna ako sa kwarto!" Sagot ko tas ngumiti ng malapad.


Grabe talaga! Nabuhay ang diwa ko ng nag-reply siya. Omo!! Yung feels ko! OXYGEN!! I NEED YOU! okay! Ang OA na! Pero grabe, ito talaga yung nafi'feel ko eh! Tss.



Eh kasi naman, kahit alam niyang late na para mag-reply. Eh ginawa niya parin! So it means, na gusto niya akong makausap ngayon. Gusto nga ba? O Assuming lang talaga ako?


"Kamusta ka na Ethan? Tagal rin nating 'di na nag-uusap 😞."

1 week ata kaming walang communication.

Agad naman siyang naka-reply.

"Ayos naman. Haha oo nga eh. Busy kana :3"

Nag-pout sya! Tama ba 'tong nababasa ko? Nag-pout nga siya! Omziiiiiiii!

"Oo nga eh. Pati nga ikaw. Gusto ko nga na palagi kitang i-pm kaso pano naman? Busy ka... :3"

Oo! Gustong-gusto ko talaga siyang makausap araw araw! Kahit late siyang mag-reply. Okay lang sa'kin 'yun.

"Hindi naman. Pero ikaw bahala, ayoko naman din na late na ako nakakapag reply nakakahiya na pinag iintay kita :)"

Hayys! Nakalimutan kong magsend ng telepathy sa kanya.

"Di :) okay lang naman sakin yun. :) kaso baka maistorbo kita kagaya nung summer job mo :3"


Naalala n'yo pa ba yun? Yung nag-bonfire kami sa tabing dagat tas katext ko siya. May meeting sila nun tapos nakikipag-text sa'kin. HAHAHAHA pero, promise! Para akong nakuryente sa kilig nun!


"Ahh wala naman na akong summer job or kung ano mang job. Tapos na last week pa haha ikaw? Kamusta?"


Hala nangangamusta siya ulit. At teka! May nakalimutan ata ako parte sa kanya. Nagsusummer job siya. Akala ko student siya. Ba't ngayon ko pa lang 'to naisip? O kaya sadyang may nakalimutan lang talaga ako? Haayys.


"Diba, student ka? Well, ako? Ito nag-aaral. :) Grade-11 student na ako at ayos lang din naman ako :)''

"Ilang taon kana nga ba uli? Ahh yung pinapasok ko sa tesda nai move sa july baka hindi narin kunin yon. May ino offer sakin yung friend ko na call center kapag natanggap siya ilalakad niya ako dun. Ipag pray mo ako ah haha oh? Goodluck. Nung monday simula ng pasok niyo?"


Ang haba ng sinabi niya ah! Explain pa more please! Kasi ang akala ko pareho lang kami ng edad.


"Mag si-17 na ngayong August 19. Oo naman Ethan. I'm sure tutulungan ka ng diyos jan. :) di ka naman nya hahayaang madissapoint. :) Kaya goodluck rin sayo. :) at oo, kahapon pq yung simula ng class namin."

A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now