Chapter Twenty-Three

120 8 3
                                    



***


"Oyy Chloe! Ba't ka andito?" Bungad ni Tito Dan.


Nag-bow agad kami ni Dave. Para malaman agad ni Tito kung anong pakay namin. Kasi kapag nag-bow kami ibig sabihin 'nun, tinuturing namin siya bilang isang Master. Kung magmamano kami, it means gusto lang namin siyang kamustahin o bisitahin as our Tito.


"Okay. Andun parin naman ang weapons niyo sa storage." Sabi ni Tito agad at nag-bow ulit kami. Tsaka kami lumakad sa storage. At kinuha ko yung Bow and Arrows ko pati na rin yung katana. Kinuha na rin ni Dave yung weapon niya.


Tsaka kami pumunta sa likod ng bahay ni Tito Dan. Yung likod kasi ng bahay ni Tito Dan ay malawak. Nagulat nga sila sa nakita nila eh. Umupo lang silang apat habang kami ni Dave ay papunta sa center. Alam ko kasing andito yung mga pinsan ko.


1
.
.
.
2
.
.
.
3


Biglang may dumaan na tatlong arrow sa left side at agad ko namang pinosition ang arrow ko.


"Ken...Kim...Maria...lumabas kayo." Nakita ko namang sumusugod si Kim kay Dave.


Kaya ang atensyon nasa likod at sa right side. Alam ko kasing si Ate Maria at si Kuya Ken ang susugod sa'kin. Pinalabas lang nila na andun sa left side galing ang arrow. Para ang atensyon ko ay nasa left side lang. Pero hindi nila ako maloloko. Ang totoo, sa ibang direksiyon sila lalabas para magkaroon ng chance na atakehin ako.


Lumabas bigla si Ate Maria sa likoran ko hawak ang staff niya. Sa right side ko naman lumabas si Kuya Ken hawak ang dagger?!


"Kuya?! Bopols ka talaga! Ba't dagger nilabas mo?!" Tanong ni Ate Maria habang nanggagaliiti sa kabobohan ng kuya niya.


"Ayy sorry!" Tsaka nilabas ni Kuya yung Ninjato niya.


Hinanda ko na rin yung katana ko.
"'Di naman ata 'to patas mga tol! Senior ko kayo! Tandaan niyo 'yan! At matagal na akong 'di nakapag-practice!" Pagpapaalala ko habang tinitingnan yung hawak nilang weapon.


Bigla naman silang umatake. At yumuko ako agad at nakaluhod. At agad ko namang pinuwesto ang katana ko sa likod ko. Dahil alam kong 'dun nila ako matatamaan habang nakatalikod ako. At sakto nga, tatamaan sana nila ako pero napigilan ko 'yun. Agad naman akong humarap at tumalon bigla si Ate habang tinataas yung staff niya. Napigilan ko ulit 'yun gamit ang katana ko at hinawakan ko yung staff niya para 'di siya makaatake. Tsaka ko siya inatake gamit ang katana ko sa bandang paa niya. Pero nailagan niya ulit 'yun. Kaya sinipa ko nalang siya sa paa para matumba at nakuha ko ang staff niya at tinapon malayo sa kanya para 'di niya 'yun makuha agad. Bigla namang sumugod si Kuya Ken. At nagtama ang dalawa naming weapon. Ang lakas niya, kaya dalawang kamay ang ginamit ko. Buti nalang at 'di pa nakakatayo si Ate. Napapa-atras ako ni Kuya, kaya finull force ko na talaga yung paghawak at nung napaatras ko siya ng kaunti ay 'dun ko na sinipa ang kamay niya para mabitawan niya ang sword niya. Naramdaman ko naman ang papalapit na pag-atake ni Ate kaya nung tumilapon sa eri yung ninjato ni Kuya ay kinuha ko 'yun. At yung dalawang weapon ay nakatutuk na sa leeg ni Kuya at Ate.


Bigla namang nag-bow si Kuya at Ate. Kaya nag-bow rin ako. At mukhang natapos narin sila Kim at Dave kanina dahil nanonood lang sila ngayon.


"'Yan ba ang apekto ng pagkapanalo ng Gang niyo Chloe?" Mapang-asar na tanong ni Kuya Ken.


"Lumakas ka ata. Akala ko ba 'di ka na nagpa-practice?" Tanong ni Ate Maria.


A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now