Chapter Fourteen

214 6 4
                                    

-Wednesday


'Di talaga ako nakapagjogging! Kasalanan lang naman 'to ng magaling niyong Ethan! Kainis! 'Di ko na siya ititext! Malilate lang ako dahil sa kanya!


For the second thought...'wag na lang! Mas lalo ko lang siyang mamimiss. :3




***


"Chloe, diba hanggang 3pm lang class natin sa friday?" Biglang binasag ni Jon ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kanina pa kami walang imikan papuntang bus station at kanina sa bahay. Ewan! Siguro...wala kaming mapag-usapan kaya wala kaming imikan kanina.


"Yes. Why?" Sagot ko agad.


"Punta tayo sa school ko dati. 4:30pm kasi yung dismissal nila kaya makikita pa natin si Mommy, mommy mo at iba pang teachers 'dun." Sabi niya.


Na-excite naman ako, kaya "sige!" Tsaka ako ngumiti. Andito na kami sa bus ngayon umiinom ng kape. Nilibre niya ako ng kape kanina dahil sabi ko bibili lang ako ng kape. Pero gusto niyang manglibre kaya hindi na ako tumanggi. Baka isang araw, mahawaan ko na siya ng pagka-coffee addict ko. Hahahaha




***



Nakarating rin kami agad sa school. Sana walang gulong mangyari ngayong araw na 'to. Gusto kong magfocus sa studies ko. Kailangan 3rd honor parin ako ngayon.


Pero sa kasamaang palad! Pagkapasok ko palang sa classroom, lahat ng member ng gang nandito na sa loob ng classroom! Asan mga kaklase ko?


Bigla namang dumating si Niz, Odyssa at Kylie. Halatang galing tumakbo dahil hinihingal. "Gusto nilang kunin si Jon!" Bulong ni Odyssa.


Tss. Natapos ko na nga problema ko kay Glenn kahapon, sumunod na naman 'to. Gusto atang malagutan ng hininga ng kumag na Daveson na 'to ah!


"Chloe. What are they doing here?" Mahinang tanong ni Jon. Parang pabulong na nga 'yun. Eh dahil sa tensyon sa pagitan ko at sa gang ay kahit tunog ng bubuyog ay maririnig mo, kaya kahit bulong ni Jon ay hindi nakaligtas. Agad akong napalingon kay Jon at kitang-kita ko ang nakakatakot na awrang inilalabas niya dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Ganyan ba siya kapag serysoso?


Binalik ko ang tingin kay Dave. Hinayupak na 'to! Habang papunta sa kinaroroonan ni Dave ay nilagay ko mga gamit ko sa upuan ko tsaka ako lumapit ng tuluyan kay Dave. "Get...OUT!" Sinigawan ko si Dave. Pero 'di natinag!


"You want me to get out? Then, give me what I want first." May diin bawat salita. May galit bawat salita. Nasabi niya yun ng wala man lang halong takot sa mukha. Masama na yung tingin niya sa'kin. At parang ilang sandali nalang ay susunggaban na niya ako.


Nagsukatan kami ng tingin. Dumaan muna ang nakakabinging katahimikan bago ako nagsalita, "Hurt me first!" Akala ko magpapakita siya ng kahit na anong pagkabigla, pag-alala o pagkatakot. Pero imbis na siya ang magkaganun, parang ako pa ang nabigla, nag-alala at natakot. Napakunot noo ko dahil sa walang emosyon niyang mukha.


"Okay. On rooftop at 4pm." Walang buhay niyang pagkompirma. At umalis sa harapan ko ng walang alinlangan.


Natulala ako bigla! Ano raw? So, makakalaban ko siya mamaya? Hindi ako nakagalaw sa kintatayuan ko. Parang nag-malfunction ang buong sistema ko sa sinabi niya.


"Wait!" Boses ni Jon yun. Agad akong napalingon at nag-respond na ng maayos ang sistema ko dahil sa narinig kong salita galing kay Jon. Nagising ako agad. Paglingon ko, nakahawak na si Jon sa braso ni Dave para pigilan siya.


A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now