Chapter Forty-One

94 6 2
                                    



Napagisip-isipan ni Ethan na maghapunan nalang kami sa labas kasama mga kaibigan ko. At treat niya!


Andito kami ngayon sa isang sikat na Alacart malapit sa Plaza namin. Ang ganda kasi ng view rito! Makikita mo mula sa taas ang mga nagliliwanagang city lights lalo na ang mga restaurants. Makikita mo rin rito ang mga ilaw na nanggagaling sa side walk malapit sa sea side na nag-rireflect sa tubig dagat. Kaya magandang magpalipas ng gabi rito kasama mga kaibigan mo dahil sa nakakarelax na view.


"Gusto kong uminom ng soju!" Sabi ni Dave bigla. Ahh okay, ganyan naman talaga 'yan si Dave. Kapag nakalabas ng bahay, soju at bars ang nasa-isip niyan!


"Sige sige!" Puno ng siglang hiyaw ni Odyssa. Excited na rin yung mukha ni Kylie, Niz, Jon at James. But I remained unintemidated. Because I knew what would Dave's reply.


"Girls are not allowed to drink soju! So? Behave!" Puno ng awtoridad na sabi ni Dave. See? That's what am I talking about!


"'Yan rin yung palagi niyang sinasabi sa'kin. Kaya, hayaan niyo na siya girls." Walang gana kong sabi habang iniinom softdrink ko.


"Tama rin 'yan! Para kayo ang magbabantay samin habang umiinom." Opinyon ni Jon habang nakangiti.


Tumayo ako para bumili ng soju sa 7Eleven. Nasa kabilang corner lang 'yun ng street.


"Noodles, idagdag mo na 'to oh!?" Sabi ni Ethan at inabot sa'kin ang isang libong peso. Ang yaman ah!


Sa bagay, mukhang mayaman naman siya. At saka, mukhang ako lang ang mahirap sa grupong 'to. Kulang na nga magtayo sila ng isang charity para tulungan ako eh! Well, pagsisilbihan ko muna sila ngayong gabi.


"Saan ka pupunta Chloe?" Tanong ni Kylie.


"Bibili ng soju sa 7Eleven!"


"No need to go there! Read that..." tinuro ni Kylie ang Menu Board sa labas ng Alacart. At may malaking nakatatak 'dun na.


"SOJU! NOW AVAILABLE."


Wow! Napaka-observant talaga ni Kylie!
"That's good!" Sabi ko at ngumiti. Pumunta naman ako sa counter agad para mag'order.


"10 bottles of Soju please." Oh! Makakatikim talaga ng bangas ang apat na 'yun kung hindi sila magsawa kakainom ng soju? Ang lakas naman kasi ng tama ng soju eh. "Ba't nagtitinda na ho kayo ng soju ngayon?" Tanong ko agad. Confused lang naman!


"Ahh kasi maraming koreans ang kumakain rito. At palagi silang nag'rirequest ng soju. Kaya available na ito ngayon." Sagot nung tindira. Siya yung may-ari ng alacart.


Ahh oo. Marami na palang koreans ang nakatira rito sa lugar namin. Nakikisabay na rin ang mga Pilipino sa mga gusto ng Koreans, para rin lumago business nila. Kahit gusto kong magkaroon ng Korean Friends in person, 'di yun posible! Mahirap kasi silang pakisamahan. Kung kakausapin mo tatakbo sila agad! Timang lang no?!


Bumalik ako sa upuan namin. Dahil ihahatid lang sa amin ang order namin. Kaso, nag-iba ang mood ko ng makita ko ang dalawang taong matagal ko nang gustong bangasan!


"Jennie." Seryosong sabi ni Dave.


"Henry." Ganun rin ako. Tumingin ng seryoso si Jennie at ang Kuya niyang si Henry sa amin habang papunta sa uupuan nila.


"Who are they?" Tanong ni Ethan.


"From the other Gang. Isa sa mga gusto naming pabagsaking gang ay ang gang nila." Seryosong sabi ni James.


A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now