Chapter Twenty-Seven

119 8 4
                                    

-Saturday


"Wow Chloe. Himalang gumaling ka agad ah!" Komento ni Kylie habang nakangiti na nang malapad.


"Sino bang 'di gagaling agad? Eh? Umabsent talaga kayo kahapon para lang alagaan ako." Sagot ko agad and give them a angry look.


Mga timang talaga sila! 'Di talaga sila pumasok kahapon. Kasi gusto nila akong alagaan. Ayaw kasi nilang wala ako ngayon sa first training ng gang. At ayaw ko ring wala ako. Kaya sinunod ko sila. Pahinga, kain at inom ng gamot lang ginawa ko buong araw. Para nga silang doctor at nurse kahapon eh. Hahahaha Kapag gumising na ako, agad agad silang kukuha ng pagkain at nire'ready ang gamot na iinomin ko.


Kaya ito! Bumubuti na pakiramdam ko.


"Okay lang 'yun Chloe. Promise! Last absent na namin 'yun." Sabi agad ni Niz at tinaas yung kamay niya.


"Pero Chloe, 'wag kang masyadong magalaw okay? Baka mabinat ka." Pagpaalala ni Dave. At tumango namana ako agad habang nakangiti.


***


Pagdating namin sa bahay ni Tito Dan ay agad kong kinuha yung weapons ko at ganun rin naman si Dave. Pagpasok ko sa field ay nakaupo na ang mga gang members sa damuhan. At 'di ko namalayang nasa likod na pala namin si Tito Dan.


"Master" sabay naming sabi ni Dave saka nag-bow.


Nagulat naman ako nung bigla nalang akong sinipa ni Kim!


TEKA!? ANO 'TO?!


Nalabas ko naman agad yung staff ko. "Wait...Kim!" Sigaw ko. Tinignan ko si Dave agad at nagulat ulit ako nung susugod sana si Dave kaso pinigilan siya ni Tito Dan. "Master? Ano 'to?" Tanong ko.


"Concentrate Chloe." Kalmadong sabi lang ni Tito Dan.


Bigla naman akong sinugod ni Kim. Kaya gumawa na kami ng iksena ngayon. Baka mabinat ako nito! Habang pinipigilan lahat ng sugod ni Kim ay nagsasalita ako. "Master...baka mabinat ako..." pinipigilan ko parin lahat ng sugod ni Kim. "May sakit pa po ako." Sabi ko.


Kaya tumigil bigla si Kim. Nakita ko naman na nag-bow si Kim. At nag-bow rin ako.


Bumalik agad ako sa direksiyon ni Dave. Saka niya ako binigyan ng tubig at siya naman ay nilagyan ng towel ang likod ko dahil pinagpawisan ako 'dun sa ginawa ni Kim. Agad namang tumingin si Tito Dan sa ka-gang ko. "Okay, I only have 3 rules here during training. First rule is you need to listen carefully. Second is you need to focus and learn. Third is you need to be brave and wise." Seryosong sabi ni Tito Dan.


Inisa-isa na ni Tito Dan ang mga trainers. Pinaghiwalay na rin ang mga iba't-ibang groups ng weapons. Nagulat nga ako nung marami ang pumunta sa Archery, Ninjato at Katana. 50 kasi yung bilang ng gang namin, 50 lang kasi talaga ang maximum ng bilang ng gang ayun sa Rules ng Senior Gang. That's why excited ako. Binilang ko ang pumunta sa Archery. 15 sila lahat, kasali na si Odyssa at Kylie 'dun. 17 naman ang Ninjato, kasali na rin si Jon at Niz 'dun. 10 sa Katana at 8 sa staff.


Nag warm-up muna silang lahat. Tsaka tinuruan sila ng mga basic free attacks. Tinitignan ko lang sila. At natutuwa ako kasi ganun rin ako nung pumasok ako bilang trainee.


Kahit seryoso ang mukha ni Tito Dan. Alam kong sa kaloob-looban niya ay natutuwa siya. Kasi bumalik ulit siya sa pagtuturo. He loves teaching. At alam lahat ng mga estudyante niya 'yan.


"Chloe!" Napalingon ako bigla kasi narinig ko yung boses ni Kuya Ken na tumawag sa'kin.

May kasama siyang tatlong lalaki. At kilala ko sila. Beside kay Ate Maria at Kuya Ken, meron rin akong iba pang senior during my trainee days. Kaya nung palapit na sila ay ngumiti ako.


A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now