Chapter Twenty

180 7 3
                                    

-Saturday

"Sino yang kasama mo Satanas? Si Maria?" Tanong nung Leader ng DLG. Is he mocking at me? I just glared him when I heard what he said. "Hey hey! Sa tingin mo ba matitinag ako sa tingin na 'yan?"


Magsalita ka pa! Malalagot ka talaga sa'kin! Tinignan ako saglit ni Glenn saka agad na hinarangan ang tingin ko sa leader ng DLG. "What kind of war is this Wil?" Cold na tanong ni Glenn.


"Red War." Sagot niya tsaka siya tumingin samin with a smug look. "You know what...noon ko pa gustong makipag-away sa inyo. At tignan kayong nagmamakaawa habang nakaluhod sa harapan ko." He continued.


Alam niyo, nung una. Kinakabahan talaga ako sa Red War na 'yan eh. Pero dahil nawala talaga ang mood ko ngayon. Parang gusto ko nang bugbugin o kaya patayin ang isang 'to. Ang yabang yabang! Panget naman!


Pero? Sino nga ba ang unang lalaban?
"Ak--"


"Ako ang unang lalaban!" Sasabihin ko sanang ako ang unang lalaban pero naunahan ako ni Glenn.


"B-But Glenn..."


Hinawakan niya bigla yung mukha ko."Just watch me Chloe!" Sabi niya tsaka siya pumunta sa center.


Anong plano niya?! "Nagpapatawa ka ba Glenn?! Babae ang back-up mo?! Haaa!" Tsaka siya umiwas ng tingin para tumawa. At saka tinignan ulit kami na parang nakatingin lang sa mga langgam at kayang-kaya niyang patayin without any efforts. "Kapag natalo kita, wala pa rin kayong chance manalo. Kasi sigurado akong matatalo ko ang babaeng 'yan! Pwe!" Tawang-tawa niyang sabi habang nakatingin sa'kin ng masama saka ako tinuro.


"Boss! Siya yung bumugbug sa amin!" Sigaw nung lalaking may band aid sa ilong. Seriously! Para siyang batang nagsumbong sa parents dahil inagawan ng laruan!


"Ahhh..ikaw pala si Chloe! Alam mo, pinasundan kita 'nun kasi nalaman kong ikaw yung babae ni Glenn! 'Di ko naman akalain na tinuruan ka pala ni Glenn! Hahaha maghintay ka lang Maria! 'Wag kang mainip, matatalo rin kita mamaya!" Sabi niya na parang sigurado na talaga siya sa mga pinagsasabi niya. 'Yan ba tinuro ng Senior Gang nila?


"Just shut up you jerk!" Cold na sabi ni Glenn. Kahit likod yung nakikita ko sa kanya ay nai-imagine ko parin kung ano ang mukha ng isang demonyo sa kanya. "You don't know who's that girl!"


"So? You want me to be scared now?" Wil asked while glancing at us. "Let's finish this!" Tsaka niya sinuntok si Glenn sa mukha.


Nagsuntukan na sila ngayon. Habang ako, tinitignan bawat galaw ni Wil. Kailangan kong matalo ang impaktong 'to! Kanina ko pa napapansin 'yang panyo niya na nakapulupot sa kamay niya ah!


"Chloe, pagnatalo si Glenn. Ikaw lang ang pag-asa namin. Meron rin tayong chance para maging #1 yung gang natin." Pagbibigay impormasiyon ni James.


"Uhhmmm, gagamit ba siya ng weapon?" Tanong ko kay James.


"Don't worry Chloe! Pinagbawal na ng Senior Gang sa City ang paggamit ng Leader ng weapon during red war. Sa black war lang 'yun pwedi." Sagot ni James agad. That makes a curved in my lips a little bit.


"What if kung nilabag niya yung order ng Senior?"


"Matatanggal ang gang nila sa Gang Lists!" Napangiti ako sa sinabi niya. Humanda ka duwag na impakto! "But, you still need to be alert Chloe. Lumakas yung leader nila ngayon." Tumango nalang ako sa sinabi ni James.


A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now