-Monday, May 30
Pupunta ako ng school ngayon kasama sila Niz, Kylie at Odyssa para magpa-enroll.
Wala naman talaga ako sa mood gumawa ng bagong pahina sa journal ko eh. Kaso, baka may mahalagang mangyayari ngayon araw o may mangayayaring malala.
Di bale na nga lang!
***
Kotse nila Odyssa ang sinakyan namin papuntang school. Wala kasi ako sa mood mag-drive ngayon. Wala talaga ako sa mood.
Naka-earphones lang ako ngayon habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Pero napapansin ko gamit ang peripheral vision ko na kanina pa nakatitig 'tong tatlo sa'kin. Kaya sinamaan ko sila ng tingin at inirapan.
"Alam n'yo, nagkaganyan lang s'ya simula nung 'di na sila nagkakausap ni Ethan."
"Oo. Yun rin yung napansin ko."
"Hala! 'Di 'to pwedi. Alam niyo naman kung gaano kasama si Chloe kapag wala siya sa mood diba?"
"Oo naman!"
"Kilala natin 'yan eh. Parang nahawa na nga tayo sa kanya eh!"
"What do you mean?"
"Nahawaan tayo ng CMS Virus at CEM Virus!"
"Ano na naman yang pinagsasabi mo Odyssa?"
"'Di niyo gets? Chloe Mood Swing Virus (CMSV) at Chloe Evil Manners Virus (CEMV)"
"Wow! Ang galing mo talaga! Hahaha" saka ko narinig ang mga pag-apir nilang tatlo sa isa't-isa.
"So ano? Sinong unang kakausap sa kanya?"
"Ikaw nalang Kylie."
"Sige!"
'Di naman kasi naka-maximum volume, kaya rinig ko parin sila. Muntikan na nga akong matawa sa CSMV at CEMV eh. Anong kalokohan iniisip ng bruhang 'yun at ginawan pa talaga ako ng sakit? Or lets just say, epedemya. Tss.
Naramdaman ko nalang bigla na pinagkakapa na nila ako. Kaya tinanggal ko earphones ko tsaka ko sila hinarap at sinadya kong kunotin noo ko. Wala talaga ako sa mood. SWEAR!
"Chloe! Kanina ka pa walang imik ah?"
"Oo nga!"
"Okay ka lang ba?"
"Dahil ba kay Ethan?"
Ayan! Na-mentioned na naman pangalan niya. Tss.
Salamat kay manong driver at timing ang pagdating namin sa school.
"Tara!" 'Yan nalang nasabi ko tapos lumabas sa kotse. At sumunod rin naman sila sa'kin. Guys! Intindihin niyo sana ako. Kahit ngayon lang!
Pagkatapos naming magfill up ng form pumunta agad kami sa Photoshoot Studio para magpakuha ng ID. Actually, 'di ho namin sinusuot ID namin. Nakasabit ID namin sa bag namin o kaya nasa wallet. Kasi nga diba yung school namin parang pinaghalong Korean at Japanese school. Parang International at Religious School. At ang nagmamay-ari ng school na 'to ay hindi mga madre o kaya pare. Talagang relihiyoso talaga ang may-ari ng school na 'to. At ang mga nagdesinyo ng school ay mga relatives nila na mga Americano at Koreans. Tapos ang nagdesinyo ng uniforms ay kaibigan nilang fashion designer sa Korea at Japan. But, this is not a International school. Religious school ho talaga 'to. At nakasunod mga patakaran ng school sa DepEd. Kaya June 13 ang simula ng pasukan.
YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Teen Fiction[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...