***
"Jennie did it right?" Cold kong tanong. At napatingin silanh lahat sa'kin ng tanongin ko iyon.
Tumango agad si Kylie. "Yes! That guy is a member of a illegal gang in the city called Blood Horn. Based on some informations I got from our trackers. Maraming may gustong kumuha kay Jennie para gawing panakot sa gang ng kuya niya. At dahil nahuli siya ni Jennie ay pinatumba siya nito at dinala sa base nila para i'torture. Nalaman rin iyon ng kuya niya kaya tinorture pa lalo 'tong lalaking 'to." Paliwanag ni Kylie.
"Ano ba 'yang symbol na nasa tagiliran ng lalaki?" Tanong ni Jon.
"Almost 3 years rin natin 'tong 'di nakikita ang symbol na 'to ulit." Napatango ako sa sinabi ni Kylie. Almost 3 years na nga! "That is Dormer's Gang symbol. Showing a Gang symbol using the body of an enemy means a warning to their gang. At dahil 'di nakinig ang Blood Horn sa warning ay may naka-schedule na Gang War sa City. At kasali doon ang Dormer Gang." Pagpapatuloy ni Kylie.
"So? It means that we have to stop following and searching some informations from their gang?" Tanong agad ni Jon. At tumingin ulit silang lahat sa'kin.
"No." Dry kong sagot.
"Chloe! Mag-isip ka nga!"
"Chloe! 'Wag kang padalos-dalos!"
"Magplano muna tayo Chloe!"
"Chloe! 'Di madali 'tong pinasok natin!"
"Nilalagay mo lang sa panganib ang buhay ng mga members natin!"
Sunod-sunod nilang sabi. I mean sumisigaw na sila! Nagpa'panic sila. At mukhang na'stress sa sinabi ko. Naka-facepalm nga si Niz at umiiling lang si Kylie. Nagwawala naman si Dave, Jon at James. Hinahampas naman ni Odyssa yung table habang sumisigaw.
Kaya ako na nasa gitna ay sumeryoso yung mukha at tiningnan ko sila ng masama. Problema ng mga 'to?
"'Di mo kami madadala sa scary face mo Chloe." Cold na sabi ni Dave.
Tiningnan ko naman siya. "I don't care. 'Di ko naman sinabi sa inyo na matakot kayo diba?" Sagot ko at mukhang natauhan sila 'dun. "Do you think, 'di ako nag-iisip? Na wala akong plano? Na 'di ko iniisip kalagayan ng members natin? Na 'di ko iniintindi lahat ng mga nangyayari sa paligid?..." sunod-sunod kong tanong sa kanila na may galit at disappoinment na tono sa boses ko. Nakaka-insulto sa'kin 'yun! Mismong kaibigan mo pa nagsabi ng mga bagay na ganun! Are this people underestimating me now? "Bakit ba kayo nagpa'panic? Eh mismong ako 'di nga nagpanic diba? Nalimutan niyo na bang natalo ko si Jennie noon? Nalimutan niyo na bang #1 Gang tayo ngayon? Nalimutan niyo na bang kinatatakutan tayo ng mga Gangs ngayon? Nalimutan niyo na bang nagti'training kayo?" Tanong ko at nakatayo na ako ngayon habang tinitingnan sila isa-isa. "NALIMUTAN NIYO NA BA? HA!?" Sigaw ko at kitang napatalon sila sa kinauupuan nila dahil sa gulat.
"That guy..." tinuro ko yung image ng lalaki sa TV. "...is a member of an illegal gang. It means they have weapons like knives and guns. And it also means that they all know is to punch, kick and torture people. They don't have skills like Dormer Gang. Blood Horn leader sent that low ranked gang member to kidnap Jennie with just a bare hands. And Jennie always bringing her dagger. Have you notice that wound?" Tanong ko at pumunta ako sa front para maturo yung sugat na gawa ng dagger ni Jennie sa leeg ng lalaki. "Jennie always end up slicing that body part of her enemy. For her enemy to know that she wins." Paliwanag ko sa kanila.
"B-Ba't mo alam 'yun Chloe?" Utal na tanong ni Dave.
"When I'm still a tracker. Si Jennie ang palagi kong sinusundan at alam ko lahat lahat ng mga galaw, techniques at mga clues na iniiwan niya." Pagkasabi ko 'nun ay tumango naman silang lahat. "And I don't think na isa lang ang pinadala ng Blood Horn na member nila para i'kidnap si Jennie." Pagkasabi ko 'nun ay lumaki bigla yung mga mata nila.
"You mean...marami sila?" 'Di makapaniwalang tanong ni Niz.
"Saan kayo nakakita ng kidnaper na walang back-up? Ano bang gusto niyong palabasin sa case na 'to? Riding in Tandem lang?" Pabiro kong saad at tumawa sila ng mahina. Bumaba ang tensiyon sa room dahil 'dun. "Of course, may sasakyan na naghihintay para 'dun ipasok si Jennie, diba?"
"Eh bakit 'di nakuha si Jennie, Chloe? Diba habang nanglaban yung target ay agad na pupunta yung sasakyan at lalabas mga kidnapers para kunin siya?" Tanong ni Odyssa.
"Pasalamat kay Glenn at alam ko kung bakit! Dormer Gang leaders always have a 5 guards na galing sa Senior Gang na magbabantay sa kanya hanggang sa makauwi ng ligtas. They have to protect the leader or else mananagot sila sa Senior Gang nila, nasa rules nila 'yun. Sometimes, those guards use the leader para mapalabas ang kalaban. And I think ganun yung nangyari, those guards are hiding with their shadow while the leader didn't noticing na siya yung ginawang pampain para lumabas yung kalaban sa lungga nila. While the leader is busy na kalabanin yung isang kalaban ay sa tingin ko, kinorner na ng guards ang kasamahan ng kalaban." Paliwanag ko at nag 'woah' silang lahat.
"Alam mo Chloe! Ako dapat magsasabi niyan eh. Andito kaya yung report ng mga trackers natin." Reklamo ni Kylie at tinuro yung computer niya.
"Sorry. Nasabi ko lang mga alam ko at theory ko." Pagpapaumanhin ko agad at nag'peace sign ako.
"Since, nasabi mo na theories mo 'dun? Siguro sagutin mo na rin kung bakit yung kalaban lang ni Jennie ang nahuli at 'di nahuli yung mga kasamahan niya?" Pagkatanong 'nun ni Kylie ay pumantig talaga tenga ko! Naks! Ginawa akong detective! Hahahahahaha
"I think, naka-alis na sila. Dahil nalaman nilang may guards yung leader?" Sagot ko habang nag'shrug ng balikat. Pumalakpak naman bigla si Kylie. So, it means? Tama ako? Woah!
"You're so right Chloe. Based on our tracker's report. Sa 'di kalayuan na kung saan naglalaban ang leader at ang lalaking 'to ay may van na naka-abang. At nung may nakita silang sampung lalaki na papalapit sa likuran ng Van habang tumatakbo at may hawak na baril at kutsilyo ay biglang tumakbo ang van ng mabilis. Sa tingin nila, na'notice rin ng mga tao sa loob ng van na may susugod sa kanila. But, you said na limang guards lang yung nagbabantay sa leader. Bakit sampu yung sumugod?" Tanong ni Kylie.
"I think...dahil yung kuya niya ang leader ng Senior Gang nila ay pinadoble na yung guard ng kapatid niya. Lalo na't leader pa iyon ng Junior Gang nila." Sagot ko naman. At mukhang umayon naman sila sa sagot ko.
"Pero, Chloe! Balik tayo sa pinag-awayan natin kanina. Paano yung trackers natin? Baka mahuli sila?" Tanong ni Jon at nag-aalala na silang lahat ulit ngayon.
"I guess, naturuan na kayo ni Tito kung paano magtago at manatiling unidentified during the mission, right?" Tanong ko at ngumiti naman sila.
"Ayy! Oo nga pala!" Sabi ni Jon at nagkamot sila agad ng ulo dahil 'dun.
Naks! Ang ko'cute nila. Talo parin talaga sila pagdating sa ganitong sitwasyon. Hahahaha
"So, don't worry about them guys. They are doing their best. At alam kong magtatagumpay sila. Like this report! See? Ang dami nilang nakuhang information. Kung ayaw niyong may mangyaring masama sa kanila. Tulungan niyo rin sila at bigyan ng advice para mas bumuti yung trabaho nila." Suhestiyon ko sa kanila at agad naman silang tumango."Okay! Tama na nga 'to! Punta tayo sa cafeteria! Gutom na ako eh!" Reklamo ni Dave habang nakahawak sa tiyan niya! At Luuhhh! Ang cute ni Kuya! Hahahaha
At lumabas kami sa MR#4 na kalmado at parang walang problemang nangyari. At mukhang wala lang yung pinagtalunan namin kanina.
But I'm looking forward to fight with Jennie...
Again!
***
Don't forget to vote, comment and share! :*
YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Ficção Adolescente[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...