"Chloe sorry. Alam kong dahil sa'kin nawala yung mood mo." Sabi ni Ethan habang nakatingin sa langit. Kahit ganun feel ko parin yung sinseridad niya.
"Okay lang 'yun" agad kong sagot habang niyayakap ang tuhod ko.
"Alam mo Chloe, namiss kita!" Tinignan ko siya agad, dahil nagulat talaga ako sa sinabi niya.
At tumingin rin siya sa'kin.
"Kaya, masaya ako nang makita kita ngayon. At nakasama kita dito." Para na akong timang ngayon at 'di na talaga makasagot!
Okay Chloe! Relax! Chill! Magsalita ka!
"A-ahhmmm..a-ano...p-pe...y-yung..." nakapagsalita nga ako pero utal naman! NAKO!! MAKISAMA KA BIBIG AH!!
"Gusto kita Chloe!" Pagkasabi niya 'nun ay agad niyang hinawakan ang tip ng chin ko. Putragis tol! Nabaliw na lahat ng sistema ko!
Shit! Is he going to kiss me?!
3cm
2cm
1cm
*rrrrriiiiiinnnnngggggggggggggggggg*
"HUHHH!??" Bumangon ako agad!
SHIT!!! PANAGINIP LANG YUN!?!? KAINIS!!!><
Tumingin ako sa alarm clock ko at pinatay ko yung alarm. "5:00 a.m." agad akong pumunta sa banyo at naghilamos at nag-toothbrush.
Nagbihis rin ako agad at lumabas ng bahay para magjogging.
Kaso nagulat ako nung lumabas rin yung mysterious guy! At HALA! Sumusunod siya sa'kin! Pero mukhang 'di naman siya magjo-jogging! May dala siyang Canon Camera. Anong gagawin niya?!
Picture siya ng picture sa mga lugar dito sa Village. At ako jogging lang ako ng jogging!
Huminto muna ako at uminom ng tubig. Pero ang mas nakakagulat. Nawala na yung mysterious guy. Nakita ko pa 'yun kanina lang ah. Sabi ko sa isip ko.
Baka pumunta siya sa ibang bahagi ng village.
***
-Monday
Simula nung nagpaka-kuya na si Dave ay kasama na namin siya ni Jon papuntang waiting shed at nililibre niya ako ng coffee palagi. Ang swerte ko talaga! Para ko tuloy silang bodyguards. Hahahaha
"Chloe. Ikaw na magsabi sa gang na meron tayong bagong base." Sabi ni Dave pagkalabas namin ng bahay ni Jon.
"Okay!" Sagot ko agad.
"Chloe?! 'Di mo ba talaga ako isasali sa gang?" Tanong ni Jon. Tanong? O nagmamakaawa? Hahahahaha
"Hindi! Baka ano mangyari sa'yo at ako pa pagalitan ng mommy mo!" Sagot ko agad.
"Mag-iingat naman ako eh!" Sagot ni Jon habang naka-pout! Naku!! 'Di mo ko madadala sa ganyan! Para lang batang binawalan makipaglaro hahahahaha
"Sige na Chloe! Isali mo na siya sa gang!" Pagpipilit rin ni Dave habang naka-pout! Naku!! Okay!! Nadala na ako sa kacute'an nilang dalawa!
"Osiya siya!" Saka ko kinuha phone ko at pinasali siya sa groupchat para maging member ng gang!
Agad naman siyang ni'welcome ng gang! At tuwang tuwa pa siya! Talon nga siya ng talon kanina eh! At may kasama pang 'yeaahh'. Ang cute niya! Amputa! Hahahaha

YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Novela Juvenil[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...