Marami na ang nag'lalike ng pictures naming dalawa sa IG, Twitter at Facebook. Marami na rin ang followers ko at followers niya. Marami na rin ang humahanga sa mga covers ng group ko at kay Ethan. Marami ang mga nakakita sa video namin ni Ethan. Marami rin ang nag-praise sa boses naming dalawa. Marami rin ang nag'lolook forward sa next duet namin. Marami rin ang nag-suggest ng mga songs na kakantahin raw sana namin. Pero ang mas nakakapagpakuha ng atensyon ko ay...
Marami ang nagsasabing sana couple na lang raw kami dahil bagay na bagay raw kami.
Naku!! Kinikilig kaya ako. Kahit imposible, kinikilig pa rin ako. Hahahahahahaha
Oo. Gusto kong sabihin sa kanya na mag'duet ulit kami. Pero mukhang nagbago na lahat. Apat na araw na siyang 'di nag-oonline, 'di nag-titext o tawag man lang. Kaya ito...wala ako sa mood simula lunes. Kakatapos lang ng 1st Sem namin last week at 2nd Sem na namin. Pero kasabay nang pagpasok ng 2nd Sem ay nawala yung mood ko.
Kaya mga kasamahan ko sa Gang 'di na naman ako kinakausap at nilalapitan. Sila Odyssa, Niz, Kylie, Jon, James at Dave kapag pumupunta sa bahay 'di ko pinapansin. Andun lang sila palagi sa bahay nakatambay. Pinapabayaan ko lang sila.
Papunta na naman ako sa Dog Care Center pero papalabas pa lang ako ng school ay hinarangan ako ng tatlong lalaki. They're a members of our Senior Gang.
"Member kami ng Senior Gang. Pinadala kami ni Boss." Bungad nung lalaking matangkad at malaki ang katawan. Parang sasabog na nga yung ugat niya sa braso. Ganun rin yung dalawa niyang kasama. Ang lalaki nila!
"What do you want?" Cold kong tanong.
"'Wag tayong mag-usap dito. Follow us." Seryosong sabi nung isang lalaki.
Kaya sinundan ko lang sila hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school. Pagkarating namin sa pinaka-dulo ng parking lot ng school ay agad nila akong hinarap at kita sa mga mukha nila ang mga walang buhay na ekspresiyon. What they are going to say must be so important!
"Meron kang bagong mission Chloe." Kumunot yung noo ko. Ba't ba tuma'timing ang mood ko sa mission? "Turuan mo ng leksyon ang worst gangster sa City. Nang ikaw lang mag-isa ang susugod." Pagkasabi nun ni--ano ngang pangalan nito? Ah basta lalaki siya. Ay mas kumunot pa yung noo ko.
"Are you kidding me?! Worst gangster sa city ang tuturuan ko ng leksyon?" 'Di makapaniwala kong tanong.
"Oo. 'Yun ang utos ni Boss eh." Sagot niya agad.
"Kailan?" Cold kong tanong.
"Bukas." Cold rin yung pagkasabi nung lalaki saka sila umalis agad.
Naiwan naman akong mag-isa at 'di makapaniwalang bibigyan ako ng napaka-delikadong mission ng Senior Gang. Ano bang iniisip nila? Worst gangster 'yun! I'm still in the process of improving my skills! Kahit pa gumamit ako ng weapon at susugod sa mabangis na gangster sa city. May posibilidad na matatalo rin ako sa huli. But there's no turning back. If I don't accept this mission may kapalit na mas matinding mission. Maybe, para sa senior gang ko ito na yung pinakamadaling missions na ibibigay nila sa'kin. Kaya...no choice!
Kahit alam kong nakaalis na ang ibang members ng gang ay nag-send pa rin ako ng voice message sa GC.
"My current location is Murphy Hayden High School Parking lot. This is an emergency. I'll give you 5 minutes. I will kill those late comers."
'Yan yung sabi ko sa kanila. Naghintay nga ako ng 5 minutes sa parking lot ng school. Buti naman at walang late!
Hinihingal pa yung iba hanggang ngayon.
"Wala ako bukas sa training in the morning, susunod ako in the afternoon dahil may sparring pa ako. So? Ipagpatuloy niyo lang yung training bukas ng wala ako. But, the six of you will stay at my house tomorrow." Seryoso kong sabi at tinuro sila Niz, Odyssa, Kylie, James, Dave at Jon. "Those shuriken users, let me borrow your shurikens tomorrow. I have a mission." Pagkasabi ko 'nun ay nagulat sila agad."A-Anong mission mo Chloe? Ba't ikaw lang?" Tanong ni Niz.
"I'll teach the worst gangster in the city some lessons. Utos ni Boss na dapat ako lang." Cold kong sagot. At kitang gulat na gulat sila pagkasagot ko sa tanong ni Niz.
"What? Si Leo?"
"Napaka'delikado at napakalakas ng lalaking 'yun!"
"May armas yung mga members ng gang niya Chloe."
"'Di kami papayag niyan Chloe!"
"Baka anong mangyaring masama sa'yo!"
"Grabeng mission naman 'yan!"
Sunod-sunod nilang komentong lahat. Pati nga ibang members na'fufrustrate sa mga nalalaman nila.
"Di naman siguro hahayaang bigyan nalang ni Boss si Chloe ng mission kung walang reason diba?" Opinyon ni Kylie. And speaking of boss...tumatawag siya ngayon sa'kin. Agad ko naman iyong sinagot.
"What kind of mission was that? Are you crazy?"
"Wooah woah Chloe. Don't you dare talk like that to me. I'm your boss!"
"Whatever!"
"Hayy! Wala ka paring pinagbago. Okay okay...don't worry. I heard na aalis ang majority ng members ni Leo bukas para sa isang mission. At sa tingin ko guards at si Leo lang ang andun sa base nila bukas. Teach him some lessons Chloe. Sinugod nila kahapon ang base namin at nasira ang garden dahil sa ginawa nila. By the way, don't forget to put our Gang symbol in his body okay?"
"Okay, buti naman kung ganun. Kung hindi, papatayin talaga kita kahit boss pa kita."
"Tss. Ewan ko nga sayo. At saka, sabihan mo si Kylie na i'track yung CCTV's sa base nila at kunin ang record para makita namin pinaggagawa mo okay?"
"Oo nga sige na! Nababanas ako sa boses mo!"
Sabi ko sak in'end agad ang call! "Pa-Pano mo sinasagot ng ganun boss natin?" Utal na tanong ng isang babaeng member. Tinignan ko ang ibang members at mukhang nagulat rin sila sa inasal ko sa Boss namin.
Ganyan ako sa lahat ng mga leaders ko kapag wala ako sa mood. Si Clifford, kilala ko siya as a Apprentice ng SG noon. At noon ko pa siya 'di tinuturing bilang isang tao. Kahit ganun, kailangan ko paring gawin yung inuutos niya. Kahit balig-baligtarin niyo pa ang mundo, mataas pa rin position niya kaysa sa'kin.
"I didn't treat him as a human...sa ngayon." Cold kong sagot at umalis rin agad.
Kailangan ko pang maghanda para sa mission bukas. 'Di ko pa nakikita in person si Leo. Kaya excited ako sa mission ko bukas.
Hoping for a great fight!
***
Don't forget to vote, comment and share! :*
YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Dla nastolatków[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...