"Ang bilis mo talagang magalit, noodles." Komento ni Ethan habang umiiling.
"I just don't want you to hurt, choco" Sagot ko habang nakayuko.
"Pffftt! 'Wag ka nga!" Sabi niya bigla habang umiiwas ng tingin. Problema nito?
"What? Anong 'wag ako?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Ayaw kong tumingin sa'yo!" Sigaw niya kaya yung katabi naming umiinom ng kape dito sa coffee shop ay nakatingin na samin.
"Why?" Mahina kong tanong, pero nakakunot parin ang noo ko.
"Ang cute cute mo kasi!" Sagot niya at nakita kong tumingin siya sa'kin saglit at binalik agad yung tingin niya sa side niya habang pinipigilang ngumiti.
Shit! Ang gwapo ng nilalang na 'to! Napangiti ako sa ginawa niya. Kaya pakikiligin ko ang isang 'to! Magaling ata ako sa ganito. Hahahahahahaha
Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawang kamay at pinatingin siya sa'kin. Pero nagmatigas ang loko! Nakaharap nga mukha niya nakapikit naman ang mata. But I found it cute! "Titingin ka o babangasan kita!" Pagbabanta ko habang nakangiti, 'di niya naman ako nakikita.
"Okay lang na bangasan mo ako. Ikaw naman babangas eh!" Sabi niya habang nakapikit ang mata niya.
Saka ko tinulak mukha niya. "Wala ka namang bangas eh!" I pouted.
Nakatingin na siya sa'kin ngayon ng diritso. At nagka-eye contact na kami! Kikiligin na sana ako kaso parang sumeryoso mukha niya.
"Napagod ka ba sa laban mo kanina?" Seryosong tanong niya. Anong trip nito?
"Honestly, NO! I hate them! They're pretending that they didn't notice my attacks. Akala ko sa sparring na 'yun siseryosohin nila ang laban na 'yun! Pero hindi eh, mahina pa rin ako para sa kanila!" I seriously said and I drinked my coffee.
"Seriously, noodles? Nasugatan mo nga yung apat, tapos tinuturing mo pa sarili mo na mahina. You know what? Nung nakita ko mission at sparring mo kanina. Mas maituturing na mas malakas ka pa. I didn't know na ganun ka pala kagaling at kabilis lumaban." Pagmamaktol ni Ethan. Amaze na amaze pa siya!
"Alam mo isa ka pa eh! Kahit ano nalang pinagsasabi mo. 'Di naman kapanipaniwala." Reklamo ko agad saka siya inirapan.
Ano bang pinagsasabi nilang lahat? Pati ba naman si Ethan? Tss."Ikaw! Kung ayaw mong maniwala."
"Of course, I won't!"
Umiling lang siya at tumingin na naman sa'kin."I heard na sasali ka sa Christmas Special ng KOP? Is that true?" Tanong niya.
"Ahh oo. 'Di kasi ako makakapunta ng States this December. Kaya, sa Laguna nalang ako magpapasko kasama mga KOP members. Mag'aout of town rin kasi mga kaibigan ko."
Yes, babalik sila Kylie sa Pampangga. Si Odyssa naman babalik sa China. Si Niz pupunta sila sa Brazil. Si Jon, babalik sa City. Si Dave, mag'cecelebrate sa Boracay kasama mga kamag-anak niyang nakatira rin rito. Si James, pupunta raw sila ng pamilya niya sa Singapore. Kaya, nung nalaman kong may Christmas Special ang clan na sinalihan ko dati ay sasama nalang ako.
Maganda rin kasi 'to. Sabi kasi ni Mino na we must act like a K-Idol. Titira kami sa isang bahay lahat in just 4 days at 'dun na rin mag'cecelebrate ng Christmas.
YOU ARE READING
A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔
Teen Fiction[Book One] (Murphy High #1) Alam kung 'di talaga tayo magkakatuluyan kaya gagawa nalang ako ng own vision ng kwento nating dalawa. Nagbabakasakali na kahit sa storya lang, may happy ending tayong dalawa. Alam mo naman na positibo akong tao at nanin...