Chapter Eleven

201 9 6
                                    

-Monday


Hello! First day of school na ho! :) Well! 'Di na pala kami magdadala ng costume para sa show mamaya. School uniform susuotin namin kasi ang cute naman at perfect para sa performance namin mamaya. :)


1 week ko na palang 'di tinitext si Ethan, mukha kasing pag nag-text ako mai'ignore na naman ako. Busy ata siya sa spazzing. At tsaka kailangan ko munang mag-focus sa school. I'm officially a Grade-11 student. Nakaka excite talaga ang first day of school no? Hihi


Kaya ito, naglalakad na ako papunta 'dun sa Coffee shop. Actually, bago ako sumakay sa school bus namin, bumibili na talaga ako ng kape. At nakasanayan ko na talaga 'yun. Ang sarap sarap kaya ng kape. And yes! You're right. I'm a certified coffee addict. I love drinking milk and tea. But I love drinking coffee more.


Bago ako lumabas sa coffee shop, sinuot ko muna yung earphones ko tsaka kinuha yung binili kong kape at umalis. Buti nalang pagkadating at pagkadating ko 'dun, saktong dumating na ang school bus namin. Sumakay ako agad. At nice! Nag-improved ang bus! May aircon na ito ngayon at lumaki pa ito. :)


Inopen ko yung messenger ko at nagulat ako bigla ah. Yung GC kasi namin na "Grade-11 Students" nagkakagulo.


"Guys! Marami raw gwapong transferred students ngayon!"

"Ayy oo! Meron akong kakilala na mga transferred students."

"Meron ngang mga gwapong Grade-10 at Grade-9 eh!"

"Hoy! Baka kasuhan kayo ng child abuse niyan!"

"Di ah! Marami rin kasing gwapong transferred students sa Grade-11 department!"

"Hala! Sana maging classmates ko sila!"

"Sana ako rin! Papasok talaga ako araw-araw!"

"Tsaka guys! Magpeperform mamaya ang The Genuine!"

"Oy! Grabe talaga Kpop Fever dito sa school natin ah!"

"Oo! Mas dumami pa nga Kpop fans ngayon eh!"

"Sa tingin mo ilang percent na?"

"Siguro nasa 86% na yung bilang ng kpop fans sa school ngayon!"

"Dadami talaga! Marami raw kasing kpop fans na nag-tranfer sa school natin eh!"

"Dream school raw nila 'tong murphy!"


Gusto ko sanang mag-reply kaso nakarating na kami sa school! Pagkapasok ko palang! Parang mga adik lang 'tong ibang mga estudyante kung makatingin! Parang ngayon lang nakakita ng babae! AIISHHH!


"CHLOE!"

"AYY PUTCHA!"

"Sorry chloe! Nagulat ata kita!"


Loko 'to ah! 'Di ba halata na nagulat talaga ako? Ganun na ba kahirap alamin kung ano ba talaga expression ko?!

Sasabihin ko sana 'yun sa kanya pero sinamaan ko lang ng tingin yung lalaki! 'Di ko siya kilala promise! Pero kung makangiti wagas!


"Uhmm...pinapasabi pala ni Eunice na pumunta ka na sa backstage ngayon. Dahil maya maya lang ay magsisimula na yung program."


Tumalikod ako agad, pagkatapos kung marinig sinabi niya. Mukha naman siyang natakot sa'kin. Hahaha ganyan ako umasta kapag ginugulat ako bigla. Kaya pasensya! Parang newbie ata 'yun eh. Kasi ngayon ko lang nakita!


A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now