Chapter Thirty-Six

115 7 2
                                    



***


"'Di talaga ako makapaniwalang gusto rin ako ni Dave!" Hiyaw ni Odyssa habang talon siya ng talon sa kama. Kenekeleg eng beyesh neten!


"Ako rin! 'Di ko akalaing magkakagusto rin si James sa'kin!" Nakisali narin si Niz at kilig na kilig talaga siya. Mga mukha nitong dalawa! Parang ngayon lang may nag-confess sa kanila noh!


"Buti pa kayo." Malungkot na komento ni Kylie habang nakayuko at tinatry na makingiti. Pero halatang 'di niya magawa.


"Anong problema tol?" Tanong ni Odyssa kay Kylie agad.


"May fix marriage na mangyayari mga tol! Ayaw kong humiwalay kay Jon. I don't want to. You know me guys, hindi ako basta-bastang nai-inlove. At sa totoo lang, kay Jon ko lang na-feel ang ganitong saya." Pagkukwento ni Kylie at kitang-kitang ayaw niya talaga yung nangyayaring fix marriage. Parang pangteleserye lang ah! Pero, ano naman magagawa namin. Real life na 'to! Totoo naman talagang mangyayari 'yun since Kylie's parents are business tycoons. Lalo na sila Odyssa at Niz. Sa kanilang tatlo si Odyssa ang mas mapera sa kanila. Paano na rin si Kuya? Tss.


"Bakit may fix marriage na mangyayari te?" Tanong ko agad. Kahit kasi strict ang parents ni Kylie ay mabait pa rin ito sa kanya. Impossible kasing gagawin lang 'yun ng basta-basta ng pamilya niya sa kanya. Mahal siya ng mga ito since siya ang panganay na babae.


"Sabi ni Daddy, para lang raw ito sa future ko at hindi lang raw sa company." Sagot ni Kylie sabay buntong-hininga nito. Kita mo talagang nai'stress na siya sa mga nangyayari.


"Kausapin mo ng matino parents mo te. Siguro, may possibilities na magbago yung decisions nila. Mabait sila Tito at Tita. Alam kong papakinggan ka nila. Tsaka, magugustuhan rin nila si Jon. Matalino 'yun at may kaya rin." Pagbibigay lakas ni Niz habang nginingitian si Kylie.


"Siguro nga. Aayusin ko 'tong problema ko at kapag ayos na saka ko lang ipapakilala si Jon sa kanila." Sabi ni Kylie agad at ngumiti rin siya sa wakas.


"Pero te, kung lalaki ang problema. Don'y hesitate to tell us ah? We'll help you." Paalala ko kay Kylie agad. Saka siya tumango habang nakangiti. "Tara na nga guys. Punta na tayo sa MOA. Siksikan mamaya kung 'di tayo maagang pumunta 'dun." Sabi ko agad sa kanila.


Andito ho kami sa hotel ngayon malapit sa MOA. Iisa lang ang  kwarto naming apat. Magkatabi kami ni Kylie at magkatabi naman si Niz at Odyssa. Si James, Jon at Dave naman ay nasa kabilang room.


Dala ko ngayon yung Canon Cam ko at suot ko yung backpack ko. Ganun rin sila Niz, Odyssa at Kylie. Kinatok na namin yung kwarto nila Dave at lumabas rin naman sila agad. "Ipasok mo 'to sa bag mo Dyss, please." Magalang na utos ni Dave at grabe "dyss" tawag niya kay Odyssa. Sheems ang cute nilang dalawa!


"Tara na Bap." Sabi ni Jon kay Kylie habang inalalayan siya nito saka inakbayan si Kylie. 'Bap' is short for 'Kimbap'. Alam niyo naman story nilang dalawa noh? Dahil lang sa Kimbap at toyo. Hahaha ang sweet nila.


"Zin...sabay na tayo." Sabi ni James kay Niz. Ang cute ng tawag niya kay Niz. Binaliktad niya lang yung Niz at naging 'Zin' hahahahahahaha


Okay sila na! Ako walang partner. But it's okay, support naman ako sa lovelife nila. Kaming pito ay may dala-dalang canon cam. Kaya alam na kung anong mangyayari mamaya. Hahahahahaha para kaming mga fansitenim kong makaporma ngayon at nakadagdag pa sa porma namin yung canon cams na dala-dala namin.

A FANGIRL'S LOVESTORY (Murphy High #1) ✔Where stories live. Discover now