Carla's POV
Hinahatid ako ngayon pauwi ni Ivan. Hanggang ngayon kinikilabutan ako kay Gretchen hindi ko pa kasi makalimutan. >////< Pero yung mas hindi ko ata makakalimutan ngayon yung paghawak ng kamay ni Ivan sakin. Habang kasi naglalakad kami hawak hawak nya parin ako. Spell kinikilig. Spell kinikilig! WAAAAAAAAAAAAH!
"Ayan pakner eto na bahay mo uh."
O___________O
"Pano mo nalaman? Hindi ko naman sinasabi wah?"
"Aaaah? ah heheh :D ano .."
"Carla? Nak, 5 ang uwian nyo quarter to 9 ka uuwi? Tapos umalis ka sa bahay ng mag-isa pagbalik mo 2 na kayo. May holding hands pa? Anong pag-iinarte yan nak. Pakiexplain! LAB YU!"
"Ina naman eh. Yan nanaman kayo sa paexplain explain nyo. Bakit Ina ginusto ko bang malate ng uwi?! ginusto ko bang magcutting kami sa 3 subjects? Ginusto ko bang Makita si Gretchen.? Ina hindi ko gusto lahat yun. Kaya bakit mo ko pinapagalitan ng ganto? Anong pagfifeeling yan Ina? Pakiexplain!" Ganyan kahinaan ni Donya Ina. Kaylangan mo ibalik sa kanya yung pakiexplain para wala ng sermon. Immune na Immune na ko sa PAKI-EXPLAIN nya pero ok lang kasi may Lab yu naman sa huli :)
"Eh? Pakner? Ganyan ba kadrama pamilya mo? ~.^" Nakakahiya (>///<)
"Nak sa lahat naman ng nagcutting ikaw lang ang umamin. Pumasok ka na nga. Pambihira ka. "
"Hahaha may bago nanaman akong nalaman sayo" - Ivan
"HA?"
"Nalaman kong kay Donya Ina ka pala nagmana ^___^v. Aaah magandang gabi po sa inyo. Pasensya na po kayo kung ginabi kami. Galing po kaming school kaso nakatulog pu kami sa rooftop eh. Pasensya na po talaga." - Ivan
"Nak, mawalang galang na. Inuwi mo ng gabi anak ko dito sasabihan mo ko ng MAGANDANG GABI? Gali---.."
"Ina naman eh nag-explain na sya =____= ... sige na pakner. Wag mong pansinin si Ina kahit ganyan yan .... ganyan talaga yan." Pagsisingit ko. Si Ina kasi eh. Nagexplain na nga si Ivan.
"HAHA ikaw talaga sige na una nako. Bbye Donya Ina nice to meet you po" - Ivan
"Sige nak mag-iingat ka huh. Lab yu!" - Donya Ina
Tamo tung si Ina, aagawan pa ko. Nung medyo malayo layo na si Ivan. Tumingin ako kay Ina.
"Ina naman eh! Akin yun eh! Bakit ka nag ILOVEYOU! >.<" Nagseselos ako. Buti pa si Ina kayang sabihin kay Ivan nun (╥﹏╥)
"Nak gwapo eh." - Ina
Sabay kindat nya. Tapos pumasok na sa loob. Di man lang tinanung kung kumaen na ko :3
Pumasok na rin ako sa loob tapos deretso sa kwarto ko.
Naghilamos muna ko bago magpalit at humiga na. Ang maganda nyan wala namang homework.
Nag online ako sa Facebook. Oo :) ganto lagi Gawain ko pag uwi ng bahay. >//< hindi para mag maglike ng profile o status ng iba. Ang Gawain ko dito ang mag stalk sa Facebook ni Ivan XD actually, punong puno na ng picture ni Ivan dito sa Laptop ko. Haha ano ba kayo! Nasa modernong mundo na tayo. Hindi na kaylangan magtago pa o sundan sya. :) achhhiii hahah minsan minsanan lang pala dapat tayong sumunod kung nasan sila haha ^0^ hindi naman maiiwasan yun diba? Oo nalang -___-
