Carla's POV
Pasooook nanaman -__- bakit hindi ko feel yung araw na 'to? Si Ivan .. isa pa yun, namimiss ko na yung tukmol na yun. Hindi nga nagtetext eh. Husaaaaay pong tunay. Hahaha o.a lang ata ako XD ano ba yaaan Carla 1 day lang!
"Bessy~!"
"Ganda mood ha?" Sinabayan na 'ko sa paglalakad ni Hanna.
"Hindi naman :"> pero dahil bestfriend kita... kyaaaah bessy kagabi hindi ako makatulog kakaisip @.@ Ewan ko ba.. kasi satin lang 'to ha? Lagi na kasi kaming nagkakatext ni Ace bessy alam mo may times na parang gusto ko syang sagutin =__= kaso nagtatatlong isip ako. Gusto ko magpaligaw ng matagal yung aabot ng 1 year?"
"Ganun ka o.a? Bessy tama naman na kilalanin mo muna yung tao, kaso diba parang kawawa naman si Ace na mag eeffort sayo ng ganun katagal? Pwede ka naman magpaligaw kahit kayo na."
"Ihh kasi naman, yung mga nababasa ko sa wattpad ang tatagal nagpapaligaw. Si Maya nga isang taon na din yung baby sa tiyan di parin nanganganak, bulok na yung bata. Pambihira"
"Eh bakit napunta naman kay Maya yung usapan?" Nalito naman daw ako sa sinabi ni Hanna =__=
"Ewan bigla ko lang naisip.. ang tagal nung kwento nila. Magkakaamnesia na si Dao Ming Zi ng meteor garden, magsasalita na si Napoles tungkol sa pork barrel, natuto ng magtagalog si Obama, nakulong na si Deniece Cornejo. Hindi pa din tapos ang Be Careful with My Heart =__=. Tsaka kaylangan pa ba nila antayin ang Labor Day para maglabor si Maya?"
"Ang gulo ng sinasabi mo! Palayo na ng palayo. Kanina na kay Ace lang ngayon pati sila Napoles sinama mo na. Ano next? sasabihin mong pumuti na si dora kasi hindi na sya gala?"
"hihihi ang gulo ng isip ko ngayon ~! Sige na alis na ko bessy. Text na lang kita bayieh~!"
Napailing na lang ako at deretso na ulit sa paglalakad papunta sa bunganga ng dragon.. chos! I mean papunta sa room. Ngayon na malalaman yung result, kinakabahan ako (_ _")
"Hi Lala!!"
"Oh Tantan.. daming dala ha?"
"Ah ito ba, project namin.. hirap ng science high eh kala nung mga teacher sobrang talino namin kaya feeling nila kayang kaya namin gumawa nung project na gusto nila na sa bandang huli itatapon lang naman nila."
"Haba naman nung sinabi mo. Tinatanong ko lang naman kung ano yan eh :3 Tss. Hindi ka pa ba papasok?" Nakasabay parin kasi sya sa paglalakad eh yung way na 'to papunta na sa room namin, sa kabilang way yung kanila.
"iaabot ko lang kay Ivan cellphone nya."
(~___~)
"anak ng tokwa kaya naman pala hindi ako tinitext eh! bakit mo kasi kinuha!?"
"galit na galit? eh gaguu kasi yun eh hiniram cellphone ko tapos nung may nakitang something na hindi mo dapat alam bigla na lang binasag -__- buti di nasira yung sim, 3210 tuloy gamit ko ngayon."
"yaman yaman mo 3210 pa naisip mong gamitin ngayon? napag iiwanan na ba tantan?"
"nakikiuso nga ako eh :D tignan mo sa meteor garden 3210 din gamit nila. Hahaha natatawa ko kapag nakikita ko XD"
at hindi napo sya natigil kakatawa mga kaibigan -___-
"tantan hindi na ata kita nakikitang mambabae? dati halos girlfriend mo na lahat ng makita mo ah?"
"mabait na kasi ko. Lakas maka-karma nung ginagawa ko eh. Inayawan tuloy ako ng taong gusto ko talaga."
"ooooow saklap dre~!"
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa room ko..... teka? katanga naman. (.--) manong ipinaabot na lang sakin yung phone kesa sumama pa sya sakin dito (_ _") ay hamo na nga nandito na eh.