Nagchismisan lang sila Hanna at Mokang duon sa sofa. Or let say ang chismosa lang talaga ng bessy ko at sinasagot lang ni Mokang yung tinatanong nya. Mantakin mong kahit personal na bagay tinatanung.
Kalmado na si Mokang at hindi na nakasigaw. Alam na din ng buong barkada na kami na ni Ivan. Kaya andito 'ko ngayon katabi si Ivan habang nag iinuman sila >.< kabanas! Magpaparty lang daw sila. Masama nga kasi sa kalusugan ang lulurit >3<
Maya maya pa may tumawag na kay Ivan. Syempre agaw atensyon kaya lahat ng mata sa kanya nakatingin.
"Teka lang tumahimik muna kayo tumatawag si Tita." Sabay tyo nya at talikod sa'min.
"Hoy Ivan tagay mo na!" Sigaw ni John na agad namang binatukan ni Ace ng pagkalakas lakas.
"Gunggung! Kakasabi lang na wag maingay eh." Halos pabulong na sabi ni Ace sa kanya.
Ivan's POV
"Yes tita?"
[Ivan magkasama ba kayo ni Carla?]
"Opo"
[Nasaan kayo? Pumunta kayo ng office ko ngayon din. Kung alam mo kung nasaan ang kabarkada mo isama mo sila papunta dito. ASAP!]
"Bakit?!"
Pero imbis na sagutin ako binabaan nya ang telepono.
Kinabahan ako bigla kaya sinabi ko na agad sa kanila na kaylangan naming bumalik ng campus.
"Teka pre. Mga nakainom na tayo!" Sigaw ni Peter.
"Oh eh ano gagawin ko? De maligo sa mouthwash tsaka sa pabango! Dalian nyo na!" Sabi ko sa kanila at nag ayos na din. Buti pa baby ko relax lang.
"Kasama ba 'ko sa pinapatawag?" Tanong nung babaeng kasama naming. Ano nga ulit pangalan? Kokang? Haayy. ewan.
"Sumama ka na din." Si Peter na yung sumagot sa kanya.
Nagcommute sila dahil hindi naman kami kasya lahat sa motor ko. Pangsamin lang 'to ng baby ko. At aliw na aliw naman ako kakatawag sa kanya ng baby. -__- insane.
"Baby bakit takot ka sa motor.?" Pangbabasag katahimikan ko habang umaandar na kami.
"Wala lang feel ko kasi anytime pwedeng maout balance tayo tapos mamatay ako ng di oras."
"May tiwala ka sakin.?"
"Meron. Kaya nga 'ko umangkas kahit na takot ako. Kasi alam kong safe ako sa boyfriend ko." Sabay yakap nya sa likod ko ng pagkahigpit. This girl always made my day. :)
"Thank you baby."
"For what?"
"Sa araw na 'to. Kasi sobra mo 'kong pinasaya :) Pero baby kaylangan ko pang manligaw kay Ina para legal tayo sa kanya."
"Di na kaylangan, alam na ni Ina. Sinabi ko na sa kanya bago pa kita sagutin nuh. Baby galit ba si tita sa phone kanina?" Naramdaman kong humihigpit yung yakap nya. Pero hindi naman yung grabe, ang sarap sa pakiramdam.
"Hindi ko alam baby pwedeng hindi pwedeng oo. Pero parang importanteng importante eh. Kinakabahan ka ba?" Pinarada ko na yung motor sa may carpark.
Tumango lang sya at iniabot na sa akin yung helmet. Tinext ko na si Ytan na papunta na kami sa office at sumunod na lang sila.
Bubuksan 'ko na sana yung pinto ng office nang biglang pigilan ako ni Carla.
"Bakit?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Teka. Di ba pwedeng huminga muna ng malalim?" Natawa ko sa pinaggagagawa ni Carla. Naginhale exhale kasi sya na tumataas baba pa yung kamay kasabay ng paghinga nya.
Pinitik ko sya sa noo, nagiging paranoid na kasi sya. Hinawakan nya naman yung noo nyang pinitik ko sabay simangot.
"Tara na. :) Ok lang yan." Tumango sya sabay hawak sa laylayan ng uniform ko at pumasok na kami sa loob.
"Anjan na pala kayo. Nasaan yung mga kaibigan mo?" Bungad samin ni tita.
"Otw na daw po."
"Umupo na muna kayo jan." Pagkasabi inayos nya ulit yung mga papel sa table nya na ang sakit sa mata. Masakit, kasi pagkita mo palang tatamarin kanang trabauhin dahil sa dami.
Pinaglaruan ko na lang yung kamay ni Carla habang inaantay yung iba.
"IVAAAAANTOT!!!" Nagulat kami sa babaeng sumigaw na kakapasok lang kaya napatingin kami ni Carla.
"Uh Erica. Teka ano ginagawa mo dito?"
"Baka magpapacheck up?" Taas kilay nyang sinabi sa'kin. Pero pagkatapos ngumiti sya at tumakbo palapit sakin sabay yakap. "Namiss kita Ivan!"
"Hahaha namiss din kita Ica." Sabay gulo ko sa buhok nya. Namiss ko talaga 'tong babaeng 'to. Sya yung nagging childhood friend ko. Halos bestfriend 'ko na din. Sya lang yung kaibigan 'kong close kila mommy.
Carla's POV
LAPASTANGANG TUNAY!
Bastusan ganon po? Harap harapan?! Puteek gustong gusto ko ikaway yung kamay ko sabay sabihing "Hello!! Andito po ang girlfriend! Uso bitawan ang boyfriend ko"
"Iha kalma! Haha Ivan dito na papasok yang si Erica." Sabi ni tita sa kanila. Oo sa kanila lang hindi ako kasali sa usapan :'( wala tuloy ako kalaro. Echos!
"Talaga ba?! Ayos." Sabay yakap ulit nila. May patalon talon pang nalalaman yung babae. MGA HINAYUPAK, LAPASTANGAN, MGA WALANG MODO, MGA MONGOLOID! PESTE! Kaimbyerna. Grabe.
"Ehem.." Pagpapansin ko. Kasi ang sakit nila sa mata! Tsaka sa ... puso (_ _")
"Ay? may tao pala. Hello po ^^. Who are you?" Yeah, pekye. Na who you pa ko.
Sasagot na sana ko pero inunahan ako ni tita.
"Erica, si Carla nga pala. Kaibigan sya nila Ivan." Teka! Tita?! Kami na po ni Ivan! Kanina lang >:(
Hindi na 'ko nakapalag kasi nag open na ng ibang topic si Erikangkang. :( Bitawan mo muna boyfriend ko bago ka kumangkang.
Sinamaan ko ng tingin si Ivan kasi hindi sila maglubay. (~___~)
Nakuha naman sya sa tingin at bumitaw din sa babae. Nadisappoint ako nung hindi man lang nya ko pinakilala bilang girlfriend nya. Kainis, manhid lang ganun >:(
Maya maya pa dumating na din sila Hanna. Agad naman syang tumabi sakin. Tapos sila Ytan kinamusta yung babae. Meaning magkakakilala silang lahat except saming mga babae dito.
"Jan muna kayo tatawagin ko lang ang principal." Agad naman kaming kinabahan nung sabihin ni tita na yung principal yung kakausap samin. Patay kami neto.... pero mukhang mas mapapatay ko si Erica ~__~ bakit ba hindi nya lubayan si Ivan! Hawak hawak lang NAMAN nya yung pisngi ni Ivan tsaka nagpapacute. Naiilang naman si Ivan sa pinaggagagawa nito.
"Uy excuse lang. Magccr lang ako. Saglit lang naman." Lumabas na ko sa office. Pero may humabol pala sakin.
Kala ko si Ivan na para manghingi ng sorry pero si Ytan pala.
"Carla can we talk?"
"About?"
"Erica?"
"Mamaya na lang Ytan kakausapin pa tayo ng principal di ba?"
Tumango lang sya sabay pasok nya ulit sa loob. Ako nag tungo na sa cr at ginawa ang dapat gawin.
~~~~
Dito na lang muna. Badtrip pa ko T___T
Ang haba dapat nito kaso nung ikiclick ko na sana yung "save and publish" biglang nagloko yung laptop ko at nadelete yung gawa ko T__T ang sakit sakit sakit. Mas madali pang magmove on sa lovelife kesa sa story'ng nadelete.
VOTE and COMMENT please kahit na ang panget nung update. @__@
~babeng