Ace POV
"Badtrip talaga badtrip yung teacher na 'yun. Hindi ko na alam ipapalusot ko sa kanila kung bakit hindi makakapunta mama ko." Pagmumukmok ni John. =__=
Kanina pa yan ganyan simula nung ipatawag sya ni Ma'am sa office, ang sabi pinapatawag nanaman daw guardian nya. Tang*censored* kasi 19 yrs old na tanga pa din.
"Ade sabihin mo na sa mama mo. Parang isang galit lang naman yun. Pakampi ka na lang ulit sa lola mo, lola's boy ka naman. Tss dalian mo inaantay na tayo." Papunta na kasi kami ngayon sa food court kung nasaan yung barkada. Actually, uwian na kaso gusto nila sabay sabay na kami mag lunch.
@food court
"Ayan na pala sila, order na kayo nandun na sila Ytan nakapila." Bungad sa'min ni Hanna.
"Hi Hanna :)"
"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEH~!!!! HAHAHAH" Kantyaw nilang lahat =__= puro sila babae dito. Complete attendance. Mga babae talaga konting etching lang kikiligin agad -__- sabagay konting salita ko palang kinikilig na sila....
*wiiiiiiiind effect*
"Aaaaah Ace hindi nyo ba kasama si Peter?" Tanong ni Mokang.
"Hindi. Eto tanong mo kay John, sila magkasama kanina eh."
"Ay wag na lang, ayoko kausap si John, magugulo nanaman yung utak ko kakaayos ko lang kanina eh." Sabay tingin nya ulit sa cellphone nya.
"Grabe kayo sakin -__- problemado pa nga ako eh." - John
Hindi ko na sila pinakinggan umalis na ko dun para umorder na lang ng makakain ko. -__-
(after eat those chuchu foods)
"Brrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrp" Kanya kanya na kaming linis sa katawan para mag uwian. Lahat pagod sa pag-iisip dahil sa lecheng test na wala man lang nakaalala samin. Good luck na lang sa result.
"Hoy Ace text nyo ko pagnakita nyo si Peter ha!" Pahabol na sigaw ni Mokang bago kami mag alisan. Abnormal na Peter yan, paispecial masyado -__-
Tumango na lang ako at umalis na kami ni John. Sila Ytan kasi sabay sabay ata sila uuwi nila Carla. Ewan ko ba sa mga yun. Ang complicated -__- lahat torpe. Nauunahan tuloy hahaha.
"Brad punta na lang tayo sa bahay ni Peter." - Suggest ni John.
"Sige na nga wala naman gagawin, dota nalang." Pag aaya ko. Kaylangan ko mag relax -__-
@Peter House.
Walang katok katok pumasok kami sa bahay nila deretso sa kwarto nya -__- Ok lang naman kila tita kasi feel at home lang daw kami, madali naman kaming kausap kaya sige lang.
"Come on, vamonos! Everybody let's go. C'mon lets get to it. I know that we can do it. Where are we going?.." Rinig namin galing sa kwarto ni Peter -__- pinapanuod nanaman nya yung video ni dora.
"treasure island!.." Sigaw ni Peter galing sa loob.
"where are we going? ..."
" treasure island.." Sigaw ulit ni Peter.Hindi muna kami pumasok, ayaw nyang makita naming ganun sya.
"where are we going?.."
"Hoooo p*tang *na mo talaga dora paulit- ulit ka talaga. Taena nabobo na! Bakit kasi nagging paborito ka pa ng babaeng yun."
Mukhang pinatay nya na ata yung video kaya pumasok na kami.
"Pre!"
"Uh kanina pa kayo dyan? Anong ginagawa nyo dito?" - Peter