Continuation.......
"Eh paanong gagawin! Tss amoy alak pa naman. Kawawa naman sya uh." Sumama lang yung tingin ni Ivan sabay pakielam sa gamit nung babae. "Huy! Eto naman. Lasing na nga yung tao nanakawan mo pa?" Pambihira.. kala ko ba richkid 'tong lalaking 'to.
"Tss seriously baby? Hinahanap ko kung may I.d sya. Baka may address ihatid na lang natin kesa isama mo 'to pauwi. Di pwede!"
"Sabi ko nga." Naghalungkat lang sya dun habang pinahiga ko sa lap ko yung babae. Sayang si ateng oh. Ang ganda pa naman ano kaya pangalan nito.
"Shit."
"Ano?"
"Wala man lang I.d puro make up. May panty pa, tss." Sabay balibag nya dun sa bag.
"Isama ko na kasi..." Naputol yung sinasabi ko ng biglang may tumawag kay Ivan.
"Hello.?.. Oo.. oo ok na. Sige sige.. nakoo may kasama kami.. ayaw ni Carla .. ewan ko dito.. hindi namin kilala.. lul! sige basta ikaw mag aalaga.!" Tumingin sya sakin. "Tara! Kila John."
"Teka paano 'to?"
"Isasama natin. Si John bahala jan." Biglang tumalikod si Ivan sabay lakad na..... AT HINAYUPAK SYA! ano yun ako magbubuhat ganon po?! Aba naman!
"Ivan!!"
"Oh? Tara na. Ano pa ginagawa mo dyan?" Sinamaan ko lang sya ng tingin. Sabay kamot sa ulo nya. "Oo nga pala. Epal naman ng babaeng 'to ikaw nga lang binubuhat ko tapos sya gusto nya din. Aba matapos nya kong saktan kanina na halos ikamatay ko." Ikamatay?! ganun ka o.a? -___-
Sumakay na kami sa motor nya. Ang hirap naman T___T Pinagitnaan namin sya ni Ivan. Ako naman todo abot sa bewang ni Ivan. Wala pa namang malay si Ateng kaya hindi sya makakapit kay Ivan T__T baka kaya mahulog ako ng di oras. Tapos magparoll roll sa daan at pagpalakpakan ng mga tao akalaing nagcicircus kami T____T oha mga imagination ko naman. (_ _")
"Baby kapit ka huh." T__T pababy baby ka pa jan. Di nga kita abot!
"Ivan lapit ka konti di kita abot eh T__T dahan dahan lang huh. Baka mahulog ako." Pinipi na namin yung babae sa gitna makahawak lang ako sa damit ni Ivan na halos masira na sa kapit ko.
Bahala na nga ang mga dyosa ng kagandahan. Nakasalalay sa kanila ang buhay ko. Nagsimula ng umandar si Ivan. Pero sakto lang yung bilis. >////<
---------------------*
Awa ng Diyos nakarating naman kami sa bahay nila John ng safe. I'm sooooo NANGANGATOG T___T
"Ok ka lang.?" Tumango ako kay Ivan bilang sagot.
Binuhat nya na ulit yung babae tapos sumunod na lang ako sa kanila papasok sa loob.
Pagdating namin andun na silang lahat kasama si Hanna at tsaka si Jillian. Buhay pa pala yun. Dumeretso kami sa sala nila at inihiga ni Ivan yung babae duon sa sofa.
Agad nagbeso sakin si Hanna. Smile naman kay Jillian.
"Oh pre bakit kasama nyo si Kiara?" Tanong ni Peter sa'min. Napatingin naman kami kaagad ni Ivan sa kanya. Kilala nya 'tong babae!!!
"Kiara? Sino naman 'tong Kiara sa buhay mo pre?" Tanong ni Ivan sa kanya.
"Kaklase ko 'yan. Kaso di naman kami close." Napatango na lang kaming lahat sa kanya.
"Ah. Ikaw na bahala jan ha. Mamaya ka na magtanong ng kahit ano badtrip pa 'ko jan sa babaeng yan. Saan si Ace?"
"Nandun sa kusina. Nagpifeeling chef."
Hinawakan ako sa kamay ni Ivan. Ewan pupuntahan ata namin si Ace eh. >3<
"Bading ka ba?" Tinig mula dun sa kusina. Boses babae ~___~