Tuesday 6:48 am
=_______=
Ok?! Hindi ko naman talaga HATE ang school.
Ang ayoko lang yung mga:
•paggising ng sobrang aga
•teachers na terror kala mong kanila yung school
•homeworks/ projects
•report
•seatmate na sobrang ingay
•Kaklase mong pabida =__= sarap ibigti.
•Si Ivan na ... Ay! Di pala kasali si Ivan.
Madami pa! Gagabihin kapag inisa isa ko pa kasi (_ _")
Speaking of Ivan. Gabi-gabi kung magtext kami. Gabi lang kasi pag umaga busy kami parehas. Lagi pa nga kami nagwiwish kapag 11:11 na eh -____- sa sobrang dami na nung wish ko ang hiniling ko nalang sa huli sana matupad lahat nung wish ko.
"Boo!"
"ayyyy!"
*paaak!*
O_________O
(0/\0)
Napatakip na lang ako nung bibig. Sa sobrang gulat ko nasuntok ko sa mukha si Ivan.
"HAHAHAHAAHA XD Ang sakit T.T"
"Eh? nakoo sorry Ivan nagulat kasi ko"
"Ok lang yun pakner. Di na lang ulit kita gugulatin. HAHA "
Sabay akbay nya at ginulo ang buhok ko. =___= Yung totoo? Isang oras ko inayos guguluhin lang? hmm. Pero ok lang sya naman eh isa pa nga baby? HAHAHAHA !! BABY?! Ang korneeee bruu.
"Pakner gusto ko sana kasi pakner na din tawag mo sakin. Yun yung endearment natin pakner. Diba ang sarap pakinggan nung pakner. Unique kapag pakner eh."
"San mo ba napulot yung Pakner?"
"Kasi ganto yan eh. Nung paggising ko dumilat ako, tapos nag-inat konti. Tumayo ako tapos inayos yung kama ko. Mabait na anak naman kasi ako eh. Kaya kahit iyun man lang tulong ko sa mommy ko. Tss. Gwapo points! HAHA! ok back to the story. Tapos nagmumog ako kasi kakain muna ko ng breakfast bago magtoothbrush eh. Pinaghanda ako ni mommy ng bacon. Kinaen ko yun. Ayun nguya nguya tapos lunok. Syempre uminom ako ng tubig nun. Pinipilit pa nga ako ni mommy na milk daw tsk. Pwe gawin daw ba kong bata?" Kapag uminom ng gatas bata agad? =__= Ang layo ng sagot nya sa tanong ko. Anong konek ng Pakner sa talambuhay nya (_ _")
"Hindi naman ako nagpapilit kay mommy kaya si Pitchuu nalang yung uminum. Si pitchuu aso sya. May buntot may kama---" - Ivan
"Oo na pakner alam ko. Ano? may paa, mata, ilong, bibig?! ALAM KO KUNG ANO YUNG ASO! Pambihira ang tanong ko lang naman san mo napulot yung word na pakner - ako
"Eh pakner ano... I forgot kasi kaya kaylangan ko balikan lahat nung ngyari bago kita iwan kahapon. Tuloy na natin. Si pitchuu nga yung uminom. Basta pakner pitchuu double U yun kasi hindi na unique kapag single u lang. Umakyat ulit ako sa kwarto ko para maligo. Tapos pumasok ako ng banyo. Naligo ako kinuskos ko yung leeg ko, yung dibdib, yung tyan, yung puson, tsaka yun----"
"Pakner wag mo na ituloy -____- pwede bang fast forward.? Malapit na mag bell" Iba na kasi yung kasunod ng puson eh. Baka nakalimutan nyang babae ako =__=
"Nagbihis na ako tapos . ... manang tubig nga po"
(_____ _____") give up~~!! Mahaba haba pa ata yung dapat ikwento ni Ivan. Simple lang naman tanong ko eh san nya napulot yung pakner.