[36] Part II

777 42 39
                                    

Carla's POV

"Arrrrrrgh! Tantan baliw ka na. Bumalik ka dito siraulo ka!"

"HAHAHAHAHA!" ay -__- bano talaga. Tinawanan lang ako? Tama ba yun!

Nagpapadyak ako dito sa inis. Napipikon ako sa pinaggagagawa nitong bwiset na 'to. Pagod na ko @.@

"Sige na give up na nakakapagod kang habulin." Huminto na din sya. Pero yung ngiti hindi pa rin naaalis sa kanya. -__- bakit may mga tao talagang bano na kapag may naiinis, natutuwa pa sila.

"Ok lang yan. Kahit dito man lang maramdaman 'kong ako naman ang hinahabol mo." Lumapit na sya sakin at inakbayan ako. Aba! chansing pa kaya!

"Bitawan mo nga 'ko! Tsaka anong kinakatsang mo dyan. May pinanghuhugutan?" Sabi ko.

Pilit ko pa din tinatanggal yung braso nya. Mamaya makita pa kami ni Ivan, sabihin nanlalalaki agad ako.

"Oo! atleast ako martir lang ikaw tanga!"

"aba! ganun din yun noh! Martir tsaka tanga iisa lang."

"Hindi kaya. Yung martir nagmamahal lang o kaya nag-aantay sa taong mahal nilang tanga na naghahabol pa sa isa pang tanga tsaka ang martir pang gwapo lang, yung tanga naman pinapakita na sa kanilang di na sila mahal, naghahabol pa din."

"Ha?!!! ang gulo mo naman ih! Tara na nga basang basa na tayo."

"Mamaya na ngayon na lang ulit ako nakaligo."

"Parehas pala tayo :) huling ligo ko sa ulan grade 6 pa ata ako. Haha"

"Hindi!! Hindi talaga ako nakaligo! Ang lamig nung tubig sa bahay eh hahahahahaha"

"Yuuuck ! Bitawan mo nga ako ang babooooy mo! Bitaaaw!"

"Biro lang. Haha tara na nga. Magpapakatanga ka pa nga pala sa loob."

"Bakit ba lagi mo na lang akong tinatawag na tanga :3 hindi naman eh."

"ish? shibal. Ano tawag mo dun? Tingin mo ba ang tali-talino mo sa ginagawa mo? Babae ka Lala. Ikaw dapat ang hinahabol, ikaw dapat ang pinaghihirapan."

"Eh ayaw nya gawin e. Ade ako gagawa..."

"Uy Carla.. Ytan oh twalya. Maligo na muna kayo kakain na tayo." Abot samin ni Jill nung mga twalya.

"Nasaan sila?" Tanong ko.

Si Ica tsaka si Jill lang kasi yung nandito sa kusina.

"Nasa sala mga natutulog yung iba. Ay! oo nga.. gigisingin ko na pala sila." Sagot ni Ica. Sabay takbo nya sa sala.

Kami naman ni Ytan pumunta na sa kanya kanya naming kwarto para magbanlaw na.

--

"guys tara nood tayo movie!" Sigaw ni Hanna.

Tulin ba? Oo nga no? Fast forward? Ay ewan! maki.ride na lang kayo kay author.

Kasalukuyan na naming inaayos yung mga pinagkainan namin ngayon. Si Peter at Josh ang nakatoka ngayon sa paghuhugas.

"Tara na." Aya samin ni Ivan.

Nagkanya-kanya kaming pwesto. Tumabi na ako kay Hanna para may maka-usap man lang kahit papano.

"pare move. Tabi kami nung loves ko." -Ace

"Nauna ako dito eh, sa iba ka na lang." Nauna naman talaga ako eh. Diba? @.@

"aish! Tabi na Carla."

"ayaaaaw"

"Ytan may makulit dito, pakikuha nga please lang.. bago pa magdilim paningin ko kay Carla hindi ko sya makita bigla."

STALKER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon