nililigawan na ako ni Ivan
nililigawan na ako ni Ivan
nililigawan na ako ni Ivan
nililigawan na ako ni Ivan
nililigawan na ako ni Ivan
GANON KA O.A?! Kailangan ulit ulit? Kunyari nag eecho sa isip ?! tss >.< kalokohan...
Nahihibang na ba 'tong si Ica?! Pwede ba yun!? Hoy yung manliligaw mo boyfriend ko!
"Ha? paanong naging ganun?" Tanong ni Jill.
"Wow guys huh? hindi ba kayo masaya?! Oo kahapon sa date ^__^ Hindi ko agad sinabi kasiiii SURPRISE ko hahaha. Kaya sabi sa inyo level up na eh. Kaya nagkaroon ako ng pag-asa. Pero dahil nagmamaganda ako, hindi ko muna sya sasagutin! right Ivan?"
Hindi man lang sumagot si Ivan. Nakayuko lang sya habang nilalaro yung pagkain..
So, totoo nga? :( bakit winiwish ko na sana itanggi man lang nya. Explain? pwede din. Iintindihim ko promise. Mas masakit kasi yung hindi lang sya kikibo. Ano ba Ivan!! nakalimutan mo na bang may GIRLFRIEND KA!
"wew Lala pinapatawag daw tayo sa office. May ipapagawa ata.. guys saglit lang kami." Hinawakan ni Ytan yung wrist ko saka hinila patayo.
Nung medyo nakalayo na kami sa kanila tumigil ako.
"Tantan balik tayo :( baka mag eexplain pa si Ivan eh. Tara dalii."
Hinatak hatak ko si Ytan para bumalik dun. Gusto ko marinig yung sasabihin ni Ivan. Maiintindihan ko naman eh. Pipilitin kong intindihin.
"Ayy tanga, ano ba Lala? Gusto mo ba magdrama sa harap nila? Sige nga! Ano sasabihin mo kapag tinanong nila kung bakit ka umiiyak?! ha?!"
"Galit ka ba T.T *sob* sino ba umiiyak! Wala ngang umiiyak ang kulit nyo naman."
"Ano tawag mo jan sa lumalabas sa mata mo? Sipon?"
"ayiiieh parehas sila ng sinabi ni Hanna. Alam na" Pinunasan ko yung luha ko. Ano ba yan dapat masaya 'tong story ko bawal malungkot (_ _")
=___= -Ytan
"tara na Tantan ok lang ako balik na tayo dun. Hindi pa nga ko nakakatatlong subo eh! Salabahe... sabi mo kanina bestfriend kita? bakit ayaw mo ko pakainin?"
"Tss"
Wala syang nagawa kaya bumalik kami.
"Kala ko ba pinatawag kayo? Tulin naman?" Tanong ni Ica.
"Hindi na lang kami pupunta masakit ulo ni Carla baka mautusan pa kami dun. Kunyari na lang busy kami kaya hindi kami nakapunta." Explain ni Ytan. Tinuloy ko na lang yung pagkain ko ng hindi sila tinitignan.
"So, Ivan totoo nga? Di ka man lang nagsabi. O gusto mo surprise din?" This time tumingin na si Ivan. Isang malungkot na mukha T.T WAAAAH HUHU TOTOO NGA!
"Aba matindi. Ays pala dito noh? Sabagay two is better than one. Kaso tol advice lang ha? Kapag may mahal ka ipaglaban mo.. pero kapag dalawa HAHA paglabanin mo! Matira matibay kamo!" Lahat kami napatingin kay Ace.
The Heck?!
"O kalma guys. I'm just kidding!" Sabay tawa nya ulit. Nakakapikon :/
Si Ivan biglang tumayo at umalis na. Nagtanungan sila kung saan pupunta sabi lang nya pupunta daw sya kay Tita.
"Grabe ka naman Ace. Bakit wala pa namang gf si Ivan, sabi nung mom nya wah? Kaya nga pinagkakasundo kami eh. Ako lang naman nililigawan nya diba?" - Ica
"Hahaha oo girl ikaw lang nililigawan -__- kaso ingat ha? Mamaya nyan napilitan lang yun, masaktan ka pa." - Hanna
"Paano kung nautusan lang si Ivan na ligawan ka?" - John
"Grabe kayo :3 Hindi ba pwedeng suportahan nyo na lang kami? Ganyan ba talaga kayo . Tss. Paano kung natutunan nya talaga ako mahalin. Huwag naman kayo magsalita ng ganyan oh. Parang hindi kayo kaibigan." Tumayo na sya tsaka nagwalk out tulad ni Ivan.
"Naging bad ata tayo kay Ica, haaaaaay! ano ba ngyari kay Ivan!!" Sigaw ni Hanna
Ako? walaa nanlalata? Nanlalamig? Ewan hahaha ano ngyayari? Ano ako dito? :((
"Nakalimutan na ba ni Ivan na sila ni Carla? Pambihira." - Jill
Hindi ko na napigilan napaiyak na ko sa harapan nila. Hagulgol? Oo ata. Sakit pala noh? Harap harapang panloloko. Nice .. very nice.
"Bessy tahan na uh. Nahahawa ako eh. Huwag ka na umiyak, baka hindi ako makapagpigil masakal ko na yang si Ivan eh." Pati si Hanna napapapunas na sa mata nya.
Napapatingin na sa'kin yung ibang studyante, nakakahiya pero hindi ko alam kung paano ko tatahan eh.
"sssssh. Tara sama ka sakin dali." Hinawakan ni Ytan yung kamay kong nakatakip sa mukha ko.
No choice gusto ko na din umalis dito eh.
"Oy alis na kami ha? Arborin ko muna si Carla. Ang panget umiyak eh, nakakahiya. Aaaaaaaraaaaay! sadista." -Ytan
Kahit na iyak akong iyak nakuha ko pang masabunutan si Ytan. Buwiset eh.
Natahan na 'ko habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala namang kumikibo mukhang seryoso si Ytan eh. Ayos noh? Instant bestfriend tss.
"Baby.."
Lumingon ako sa tumawag.
Si Ivan .. si Ivan yung nasa likod na tumawag. :(
"ano yun? :( baby? haha Ivan naman .. ano ba sa tingin mo ginagawa mo? :( Tayo diba? Girlfriend mo ko diba? Eh bakit nanliligaw ka sa iba? Ano yun? Kapag sinagot ka nya itu-two-time mo kami?"
"stop crying.. please"
Stop crying? Oo nga noh, pampam nanaman pala luha ko. Ays to -__-
"Ayy epic shet. Stop crying? STOP CRYING IVAN?! Sinaktan mo tapos sasabihin mo STOP CRYING? Wow huh?! Kung barilin kita sa ulo tapos sabihin kong huwag kang mamatay?"
"TANTAN!!"
"Nakakapika eh. Bro may usapan naman tayo. Sana naman tumupad ka! P*t*ng *na naman, magpakalalaki ka!"
Hawak hawak ko lang yung braso ni Ytan. Ayaw magpakalma eh. Parang sya yung napagtaksilan ni Ivan. Di kaya may gusto 'to kay Ica kaya affected din.
Ayy mamaya na nga ako mag-iisip ang sakit sa ulo. Awat muna ako dito. Bumalik sa mata ko yung luha eh. Nakakatakot si Ytan.
"I'm sorry.."
"I'm sorry?! yun lang!? Wala kang gagawin?!" -Ytan
"Ano ba yan Tantan kumalma ka nga! Nagtitinginan na sila dito oh. Ivan bukas na tayo mag-usap gusto ko munang makapag-isip. Sorry."
Hinatak hatak ko na si Ytan. Mas madrama sakin eh! Moment ko yun inagawan ako. Epal.
"Dinaig mo yung drama ko, kainis ka. Alam mo yung EPAL tantan? Ikaw yun e.. tss"
"Sorry na. Nanggigil ako eh."
Nandito kami sa mini park ng campus kung saan may mga table na bato. Wala ngang tao eh -___- hindi nila bet tumambay dito. Amboring kasi tsaka likod na 'to ng building ng grade 7.
at cutting kami ni Ytan. Ang nice noh? Baka mainspired pa yung iba dyan at gayahin kami. Tss.
Two is better than one? Lul -__- Wala man lang kaalam alam si Ica sa nangyayari :( haaaay buhay parang bag ni dora. Wala lang gusto ko lang ihalintulad sa bag nyang purple. tss.
------
update daw eh. Ayan update -__-
vote and comment.
~babeng