[35] OTW

530 23 11
                                    

(~____~) aish.

aish.

aish!!

Parang nung last chapter lang nasa bahay pa ako ni Ytan ngayon nandito na kami inaatay yung van na gagamitin papunta sa rest house nila Ica >.< OO! monday na agad! Tulin naman.

1week daw kami dun sabi nila. Nag-iwan naman na ako ng message kay Donya Ina.. hindi pa din sya nagpaparamdam eh. Tsk

Hindi naman ako pwede magpaiwan kasi si Ytan na lang bumubuhay sakin -__- Sya may sagot nung mga kinaen ko nung weekends.

Kaya yung 35 pesos ko buhay na buhay pa. Ang saya saya nya nga eh.

"Tagal pa ba -__- minsan nagsisisi ako kung bakit pilipino tayo. Lalo na pagdating sa oras kainis. 30 mins. late na sila!" Reklamo ni Peter.

Complete attendance kami si Ica tsaka si Ivan lang yung inaantay.

(Y.Y) waaaaaah Ivaaaaan :(

"Tantan kaylangan maganda ko. Penge polbo dalii!" Biglang sabi ko kay Ytan na katabi ko lang.

"Tss. Maganda ka na!"

"Tantan oily na ko. Bigyan mo na kasi akoo~ Damot shet."

"Bakit ka ba nagpapaganda?!"

"Hihi malay natin diba :) alam mo na kasi..."

"Tsk tigilan mo nga ako Lala. Maglubay ka dyan. Maganda kana."

"Hoy babae wag mong sabihin nagpapaganda ka kay Ivan?!" Biglang singit ni Hanna.

Nginitian ko lang sya. Medye teme kese sya haha. Kasi malay nyo diba isang smile lang baka bumalik na sakin si Ivan.

"Magtigil tigil ka nga bessy! Ipagsisiksikan mo pa sarili mo. Hindi ka sardinas Carla! Hipon ka, hipon! Aray! Joke lang naman eh T.T"

Bwiset eh, binato ko nga nung sandals ko. Panira ng momentum.

"Ayan na nakikita ko na yung Van." Sabi ni Ace kaya inayos na namin yung mga gamit namin.

Tumigil yun sa harap namin. Tapos lumabas si Ica. Kaya yakap there, here echeche and there again.

"Tara na. Sorry nalate kami. Pinatingin pa kasi namin para sure na walang problema mamaya sa byahe." Nagkanya kanya na kaming sakay.

Nasa loob si Ivan. Pero tulog ata.. nakapikit eh.

Tatabi sana ako kay Hanna. Kaya lang hinatak ako ni Ytan dun sa bandang likod. -__-

"Sisingit ka pa dun luwag luwag nung van! Hindi porket wala kang lovelife manggugulo ka sa iba. Hamong magsolo yung dalawa dun!"

"Eh! di pwede magsorry?! highblood agad. Tss sungit! Kanina ka pa waaah." Inayos ko na lang yung hawak kong maliit na unan dito sa Van. Solo namin ni Ytan yung likod kaya malaya yung isa saming humiga.

Ang aga pa =___= inaantok pa ko. 4:37 palang nang umaga eh.

"Lala =__="

"Oh?!"

"Pahiga..  thank you.!" Kinuha nya yung unan tsaka nilagay sa lap ko.! Aiiiiish naunahan ako T.T

"Tantan naman ihh! Ako muna mahihiga salitan tayo!"

"Ayoko lugi ako sayo. Pa'no kung nasa tagaytay na tayo tsaka ka palang nagising diba! Iidlip lang ako!"

"Hoy! Kayong dalawa dyan! Hindi ba pwedeng mag usap kayo ng hindi nakasigaw! pambihira." Sita samin ni Mokang. Si Ytan kasi..

"Tss sige wah. Bandang 5:30 ako na yung hihiga." Pumayag na ko. Kinuha ko na lang sa kanya yung unan na pangbatok lang. No choice kung hindi matulog ng nakaupo. Gentleman kasi 'tong beastfriend ko kuno.

STALKER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon