"Teka? Motor?!!"
"Oo. Ngayon ka lang ba nakakita ng ganyan?"
"Hindi naman pero..."
"Pero kasi takot ka ganun? Baka mamatay ka ng maaga? Carla wala ka ba talagang tiwala sakin." Ang emo naman nitong Ivan na 'to >.< Gusto kong barahin pero kasi baka bugbugin ako ng di oras eh. (_ _") "Kung di ka sasakay magcommute ka na lang antayin na lang kita dun." Waaah Ivan ang sungit mo! >.< buseeet.
"Sasabay na! pwedeng wait?" Kakabanas.
Sumakay na ako at binigay nya sakin yung helmet. Kaso yung inis ko parang nawala >///< alam nyo yung napalitan ng kilig. Kung alam ko lang ganto sana hindi na ko nag inarte. Kung alam ko lang talaga na may yakap porsyon magrerequest ako na araw araw sya magmotor tas makikisabay ako XD. Ok landi alert.
Tahimik lang kami sa byahe. Sya seryoso sa pagpapatakbo ako busy sa pag amoy sa kanya. Hanep.. kawawa naman yung iba inangkin nya na kasi lahat. Ang pogi pogi na tapos ang bango pa! Heaven!!!
Ang bango..
"Carla dito na tayo."
Hmmm ano ba 'tong pabango nya. Makahanap nga bibili din ako.
"Pakner?"
Ang sarap sa feeling nakoo naman ang swerte ko dito. Sana malayo layo pa o kaya traffic. (_ _") ang bangooooo!!
"Pasaway." Bigla akong napadilat nung bigla syang umalis. Ngumiti lang sya sabay talikod (_ _) Carla nakakahiya ka sobra. (-////-) sana mahimatay ako sana mahimatay akooooo.
Pero .... oy ha! nakarinig lang ng pero conscious na agad kayo! Kalma!
.
.
.
Pero bumalik sya ng konti sabay pagpag sa balikat nya.
"Sakay na." Nakasakay pa nga ako sa motor nya eh. Adik din tong si Ivan minsan eh. Abnormal.
"Nakasakay pa nga ako sa motor. Saan naman ako sasakay?!"
"Dito." Sabay pagpag ulit sa balikat nya.
"Ha?!"
"Nagenjoy ka naman sa pagyakap sa likod ko diba. Tara dali para di bitin. :)" Sabi na may toyo to eh! Mood swing. Mamaya nanaman nyan galit sya. May toyo.
"Kapal ng tinga mo. >:( hindi aaah." pero ivan oo. Tumalon ako sa motor nyang di ko abot pababa. >.<
"Ayan masakit na paa mo. Tara dali." Bigla syang pumwesto paupo. Sabay pagpag ulit sa balikat.
"Piggy back?" Tumango lang sya bilang sagot. Hmm choosy pa ba ko. Chance na to no!!
Naglakad lang sya ... ng mabagal. Anong problema nito. ~__~
"Pakner ang bagal naman nung lakad mo. Baka pagod ka na huh.?"
"Ha? hindi ah."
"Eh bakit ang bagal na natin. Pagod ka na uh, ayaw mo lang sabihin. Ok lang naman kung maglalakad nalang ako."
"Ano ka ba, bakit naman ako mapapagod eh karga ko yung LAKAS ko."
"Huuu galit ka nga sakin eh."
"Sino naman nagsabi."
"Eh binugbug mo kasi si Ytan."
"Si Ytan yun. Hindi naman ikaw yung sinaktan ko."
"Galit ka ba pakner kay Ytan?"
"What do you think.? Mabubugbug ko ba sya dahil sa tuwa?"
"Sabi ko nga (_ _") Eh dapat sa'kin ka magalit pakner kasi ako yung gustong kumausap kay Ytan. Wala naming ginawa si Ytan na mali diba. Wag ka na magalit uh."
![](https://img.wattpad.com/cover/8363736-288-k680374.jpg)