(-___-) ugh.
(-___-) zzzzzzzZZ
(>__>) [11 o'clock]
(~___O) aaaaaish! tengeeeene. Tanghali na! Langya~! tss nakakahiya. Bakit kasi di man lang ako nainform na sisimulan pala yung chapter na 'to sa pagtulog ko! De sana maaga ko nagising!
Agad agad ako nag-ayos at naghanap ng makakain. Y.Y Gutoooom na yung tiyan ko.
Makapunta na lang siguro kila Porsyaaa -__- asyuswal oorder nanaman sa karinderya nila.
hhhmm hmmm.
Weh?! dapakingteyp! Sarado?! Makapagmcdo na nga lang kainis.
(Check sa wallet)
*___* Sisimulan ko na bang umiyak?
Ready Carla? pagbilang kong 3 iyak na ha.?
1...... 2 ..... WAAAAAAAAAH T.T Wala pang 3 tumulo na T.T 35 pesos na lang budget ko :( Donya Ina ano na ba nangyari sayo.
"kainis.. :( ang swerte ko naman." Uuwi na lang ako. Baka madaan sa tulog (_ _)
"Carla..." Hmm?
"Ivan, bakit?" Makikipag ayos na kaya sya?
"Can we talk?" Namiss nya na din ba ako? Kasi ako, puteeek T.T gustong gusto ko ng yakapin yung taong yan.
"sige."
Pumunta lang kami dun sa may park namin. Dun na kami sa may bench. Epal mga tao dito sa amin eh naunahan kami dun sa may swing. Bwiset.
"Carla .. sorry" Panimula nya.
"Basta mag explain ka lang Ivan maiintindihan ko. Sabihin mo lang."
"Carla.. malalaman mo din balang araw sorry talaga... sorry" Nakayuko lang sya.
"Tanga ka ba ha?! Iwasan mo nga yung panonood ng teleserye o pagbabasa ng fiction pwede?! Ivan ano? Lokohan tayo dito ganon po? Malalaman ko din balang araw? Kelan yung balang araw mo na yan? Mag eexist ba yung balang araw mo na yan? Paano kung nainip nako sa balang araw mo?! *sob* Hindi ba pwedeng deretsuhin mo ko. Sabi naman sayo *sob* iintindihin ko basta sabihin mo eh! Magtiwala ka naman sana! Girlfriend mo ko Ivan! *sob* Girlfriend mo ko! Sana hindi ibang tao tingin mo sakin. Kahit papano sana isipin mo *sob* naman ako o kaya yung nararamdaman ko! *sob* Kasi sa totoo lang ang sakit na!" Hindi ko na kinaya. Feel ko napuno na ko.
Napatingin na yung ibang tao. Pinunasahan ko yung luha ko kasi nakakahiya mapupunta samin yung atensyon ng iba.
Hinatak ako ni Ivan at niyakap, kaya yung iyak ko naging hagulgol na. Niyakap ko din sya ng mahigpit kahit na galit na galit ako sa kanya. Badtrip e! Humor 'tong story ko naging sad story kapika.
"Baby.. alam mo ba nung nakaraan napakasaya ko? dahil sa araw na yun naramdaman kong mahal ako ng magulang ko? Binigyan nila 'ko ng oras nila. Hindi ko narinig yung sigaw nila at puro tawa lang na ang sarap sa tenga? Napakasaya na si mommy yung maghahanda ng kakainin ko. Haha feeling ko bumalik ako sa pagkabata." Nakayakap pa din sya habang hinihimas yung likod ko. Medyo nahihimasmasan nako. "Nung bata ako, winiwish ko na sana si mommy mila na lang yung totoo kong mommy. Si mommy mila yung kasambahay namin. Nakasanayan ko ng tawagin syang mommy dahil nga sa kagustuhan kong sya na lang. Lagi kasi ako galit sa totoo kong mommy dahil lagi syang galit sakin kahit wala naman akong ginagawa. Tapos kaylangan pa perfect yung mga ginagawa."
"Si mommy mila ba yung tinutukoy mo nun nung dati na nagkwento ka sa chapter 2 na pipilit sayo painumin yung gatas?"
"Tanda mo pa pala yun. :) oo si mommy mila yun. Malabong gawin ni mommy yun. Makasabay nga ako sa pagkain di na magawa ipagtimpla pa kaya ng gatas."