Dahil sa pagcomment at pagvote nya sa lahat ng chapters.. Sayo ko po 'to idededicate ^__^ salamat naappreciate ko pu lahat 'yon..
------------------------------------------------------------------*
Carla's POV
Naglibot libot pa kami ng kaunti. Mga 4:30 pa kasi kami pupuntang dentista para samahan si Peter. =___=
"Uy pre astig ng unggoy oh! Nagtotoothbrush.!" - John
"uy! Oo nga noh! Tangna buti pa yung unggoy sanay. Ikaw kelan kaya matututo. Di bale pre! Pag may time ako ite-train kita!" - Pedro
"Lul!"
"Ayy pre eto! 3 monkeys escaped from zoo, the 1st was caught watching tv, the 2nd was caught in the park & the 3rd.. Tangna pre. Oy oy!" Biglang naglakad ng mabilis si John. "Hindi ikaw wag ka nga umiwas! bat ba lagi mu nalang iniisip na unggoy ka? Wag ganun! Paobyus ka pre!"
"Tengene mo pre ako nanaman nakita mo!"
Hahahaha. Alam ko na kapag bad vibes ako. Sasama lang ako kila John good mood na ulit ako for sure. XD Nakakaaliw sila panuorin habang nag uusap.
Naisipan ng barkada na umalis na. Baka daw kasi matraffic pa. Mas ok na nga namang maaga ka kesa late. ^__^
Paglabas namin ang dilim na ng paligid. Nakoo poh! naabutan pa kami ng ulan T.T
"Hala umuulan pala.! Wala akong dalang payong :3" - Hanna
"Ako din wala. Tss Ace ikaw?" - Ytan
"wala." - Ace
Kanina ko pa napapansin si Ace na tahimik. Simula nung sa sinehan ganyan na yan.. alam ko namang kahit ganyan yan ganyan talaga yan . Issssh! (=﹏=) Push ko 'to!
" Hoy Juan! Sa buhay natin maraming pagsubok may ulan at mayroon ding unos kaya tandaan mo kaibigan.. PAYONG dalin mo wag KAPOTE! ANO KA GRADE 2?! Taenis ka pre!" Kinuha ni Peter yung kapote ni John sabay tapon. Kami naman tawanan ng tawanan lang XDD
Nagulat kami ni Hanna nung nagsindi ng sigarilyo si Ace sa gilid. Hindi kasi namin ineexpect na may bisyo din pala sila. Oh si Ace lang? Ay ewan.. makikilala din namin sila soon!
"Pakner masanay ka na naninigarilyo lang naman yan kapag may problema o tinamaan." Napansin ata ni Ivan yung reaksyon namin.
"Tinamaan?" Pagtatanong ko.
"Oo. Yung alam mo na? Inlove ganun."
"Aaaaaaah pakner alam ko na ata kung kanino. :D"
