THE N E X T DAY
(-___-) 5mins. promise 5 mins. na lang babangon na ko.
CRIIIIING!!! Criiiiing!
"Lapastangan! ~__~ can't you see natutulog pa yung tao?!" Malamang hindi nga 'ko makikita ng telepono. Carla wala silang mata. WALA! ~__~ bwiset aga aga eh.
Bumaba na 'ko para sagutin yung tawag sa ibaba. Oo! ganon kalakas yung ring kaya rinig na rinig ko! Hightech kami dito. Chos!
"Hello?"
[Hello nak! Gising na! Baka malate sa school!]
"Ina naman eh. Gising na 'ko uh! Sinagot ko nga yung tawag mo eh. Pambihira. Ina, uwi na! Ang loner ko dito sa bahay"
[Hindi pa pwede! Kakaalis ko lang kahapon! Sige na mag ayos ka na! Wag maglalakwatsa. Ok ? Lab u nak!]
"Love you too po"
Binaba ko na yung telepono at dumeretso na ng kusina. Asyuswal, walang pagkain (_ _"). Aasa nanaman ako sa tindahan ni Mang Astine.
Lumabas na 'ko at rumampa sa subdivision namin suot parin ang damit pangtulog ko. Wala na kong time mag palit! Malapit lang naman.
"Porsyaaa! Bulalo nga." Sigaw ko sa waiter nilang bading.
"Noodles ba o yung shinushupsup?" Updated talaga 'tong bading na 'to.
"Yung sinushupsup tsaka extra rice ha!"
Heavy daw dapat kainin kapag breakfast di ba. -__-
*chomp* *chomp*
"Oh?! LALA?" Nilingon ko si Ytan. Oo si Ytan. Sya lang naman tumawag sakin ng LALA eh.
"What?" Tinuloy ko na lang ulit yung kinakaen ko.
"Wala nagulat lang ako. Pwede ba kaming pasabay?" Tumango na lang ako. Kasama nya kasi si Jillian. Mga nakauniform na sila at ako na ang o.p -__-
"Hi Carla." Bati ni Jillian.
"Hello naman Jillian ^__^" Ok balik ulit sa kinakaen.
"Bakit di ka pa nakabihis? Anong oras na uh male.late ka nyan sa school."
"Ok lang yun. Magtitinda lang naman tayo sa labas e. Habang yung iba nagpapakasaya gumala sa campus." I hate SCIENCE DAY ever since the world began. Nung una hate ko kasi wala naman akong kaibigan na makakasama magbonding habang lumilibot sa campus. Ngayon hate ko kasi kung kailan may mga kaibigan na ko tsaka kami tatanga sa labas at magtitinda lang ng PAKWAN! badtrip di ba?
"Haha ok lang yun. Ede gawin nating enjoy ang pagtitinda. Iyun na lang yung bonding ng barkada." Close ba kami ni Jillian? -___- Barkada narin pala namin sya. Ayos ha. Tatlo na kaming babae sa barkada. "Aaah Carla? Galit ka ba sakin?" Tanong nya bigla.