[22] nasaan ang HUSTISYA?!

1.8K 39 19
                                    

Nung pagbalik ko sa office, narinig ko na nagsisimula na sila. Syempre aantayin pa ba nila 'ko ano yun VIP ganon po?

Tumakas na lang kaya ako? Tapos sasabihin ko na lang masama pakiramdam ko? Kaso ang sama ko naman ata para iwan sa ere ung mga kaibigan ko.

Kaya bago pa magbago isip ko, pumasok na ko. At inpernes ang ganda ng grand entrance ko haha. Lahat ng mata nakatingin sa'kin at binigyan ko naman sila ng mala anghel kong ngiti. Makalaglag brief GANON! ^__^

"Miss Medina? Saan ka galing? Anong oras na" Sabi sakin nung principal naming panot. Wala ba syang relo at sakin nagtatanong. Tss

"Nag Cr lang po."

"Sige maupo ka na riyan." MALAMANG! Jata tumayo lang ako dito! Naglagay pa kayo ng upuan kung tatayo lang ako. Nakoo etong principal na 'to badtrip ako ngayon wag mo po akong sabayan. (_ _")

"Ok since nagkasundo sundo na tayo bukas ang simula nyo. At please! Respetuhin nyo ang paaralan! Hindi na mauulit ang kalokohan nyo. Maliwanag ba?!"

"Opo." Sabay sabay nilang sabi. Ako na O.P -__- ano ba yung mga pinag uusapan nila.

"Sige maaari na kayong bumalik sa mga room nyo. Wala ng aalis!" Sabay tayo ng principal at umalis na.

Teka? Apaka galing naman ng timing ko -___- may naintindihan ako syemaay!

"Ivan and Carla, sandali kakausapin ko pa kayo." Biglang sabi ni tita. Kaya bumalik kami ni Ivan sa upuan naming at nauna na ang barkada sa paglabas. "Pasaway kayo. Pumunta kayo sa library, ipapatawag ko na lang sila Cristof at Rica. May iba ng magtututor sa kanila, ngayon ang gagawin nyo na lang. Ituro sa bago nilang tutor kung saan kayo nahinto. Maliwanag ba? Ah Ivan, nahuli kanina si Carla ikaw na magsabi sa kanya kung ano yung sinabi ng principal. Kayo ha! Magpakatino na kayo. Lagi nalang kayo napaparusahan. Sige na."

"Sorry po." Sabi ko kay tita at umalis na kami.

Nakakahiya >__< baka akalain ni tita na walang kwenta kong babae.

"Baby may parusa nanaman tayo. Sorry ha, lagi ka nalang nadadamay sa kalokohan 'ko." Sabay kamot nya sa ulo nya. Baka may kuto? Chos haha.

"Ok lang yun." Ngiti ko sa kanya. Dapat galit ako eh. Nginitian ba naman ako. >///< ayun kilig! Litsii.

"Ang ok lang dun. Hindi na tayo magtututor, malalayo ka na kay Cristof. :D ang kapalit nga lang. Sa Science Day tayo yung nakatoka magtinda ng pakwan sa labas." Sabay akbay nya sakin.

"Teka?! Eh Science Day na bukas ha?!"

"Iyun nga masakit eh. Haha kaylangan makaubos tayo ng tinda. Kapag may natira daw. 1 week tayong maglilinis ng campus." Whaaaat?!

"Grabe naman! Apaka daming alam ng matanda na yun! >.< mongoloid. Nasaan ang KATARUNGAN dun?" Nagkibit balikat lang sya sabay pisil sa pisngi 'ko. Anoo ba 'yan! Wala na 'kong natutunan! Kung hindi nila kami pagtututorin, pagtitindahin naman. Haaaaay! Ano na bang ngyari! Irereport ko sila eh.

Nakarating kami ni Ivan sa library ng nakasumalmal yung mukha 'ko. BADTRIP!

Nakita 'ko na dun sila Cristof. Kasama yung dalawang lalaki na galing sa science high. Mga dati silang kaklase ni Ivan nung hindi pa sya lumilipat sa sec. ko.

"Ivaaan! Kala 'ko hindi na kayo yung magtuturo sa'min. Tara magsimula na tayo ^__^" Salubong ni Rica kay Ivan. Isa pa 'to eh dadagdag pa! Pag ako napuno sunog bahay nyo. ~__~

"Hindi na nga. Sasabihin lang namin sa kanila kung saan nahinto yung itinuro namin sa inyo." Singit 'ko sabay punta na sa mesa. "Sino ba sa inyo yung magtuturo kay Cristof?" Nagtaas naman ng kamay yung isang lalaki. Mukha syang nerd na mataba at.... teka?! ano 'to?! CHOCO NA BATOK o BATOK NA CHOCO?! Sarap hiludin ng batok mo koya. (_ _")

STALKER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon