Carla's POV
"HAHAHAHHAHA ano ba naman yan Mokang ang epic naman ng dala mo! Over night ito! Hindi sinabi ni Carla na dito kana tumira!" Puna ni Hanna kay Mokang.
Halos kararating lang nila. Kompleto na din pati yung mga lalaking barkada. Inaya kasi namin sila na dito na lang magdinner pero uuwi din pagtapos.
Wala ako sa mood =__= yung boyfriend ko kasi walanghiyang tunay. Si Ytan naman bumalik na din. Nagpahangin lang daw sya. Pero mukhang wala na din sya sa mood. ~__~ yung totoo Ytan? Mas apektado lang ang peg?
"Bessy lamon na tayo. Tomguts na ako! >3< hoy tara na." Aya ni Hanna sa mga kasama namin.
"Aba teka lang naman. Baka naman gusto nyo munang ipanik yung mga bag nyo sa taas. Nakakalat kaya uh. Ang hirap hirap maglinis tapos kayo dali dali nyo lang dumihan!" Sigaw ni Ytan.
Tama tama @.@
"Bakit? Iyo bahay? Tss tara na nga girls may menstration yata yung lalaking 'to. Haay sa susunod nga wag nyong tatalian buhok nyan nag iiba ugali eh." Sabay kuha ng bag ni Mokang.
Pinanik na nila yun sa loob ng kwarto ko. Ako naman dumeretso na sa kusina para ihanda na yung mga pinggan na gagamitin. Tinulungan naman ako ng boys kaya natapos agad kami, sakto namang dating nung mga babae.
"Oo next time girls puntahan natin yun :) vacation lang." Pagbabangka ni Erica sa kanila -__- o.p ako ano ba usapan nila.
"Waaaah like it! Gora tayo jan ha!" Sabay apir ni Hanna at Mokang. =__= Nakasunod lang sa kanila si Jillian.
Sige kami na ng mga boys ang o.p sila na may plano :3
"Oh tuloy ba tayo dun Erica? Bago magchristmas para malamig lamig." Singit ni Ace.
"Oo nga! Namimiss ko na dun." - John
"Talaga boys nakapunta na din kayo dun? Waaah Excited na tuloy ako." - Hanna
"Oo tuwing vacation nung nandito pa si Erica dun kami naglalagi." - Ytan
Oha! Hindi man lang ako nainform na ako lang pala ang o.p dito?! Saan ba sila pupunta?! Anong vacation? Bakit bago magchristmas? Saaaaan ba?! ~__~
"Ehem.. baka naman nakakahiya sa inyo hano po? Hindi man lang ako nainform na maa-out of place pala ko sa sarili kong pamamahay. Mawalang galang na magsilayas kayo kung walang magsshare! :3 Grabe kayo sakin." Pagkatamis tamis kong ngiti sa kanila. Pero deep inside mga hinayupak sila! Tama ba yun? Maout of place ako sa pamamahay ko T.T
"Ah naitopic ko kasi sa kanila yung resthouse namin sa tagaytay. Eh hindi na kasi napapasyalan kaya nagrequest ako kay daddy na magvacation tayo dun kahit 3 days lang. ^__^ pahinga na din natin tsaka gusto ko pa kayong makilala ng lubusan haha." Sagot ni Erica.
Bakasyon? Payagan kaya ako ni Ina? (_ _") tsaka bakit ba ko may mga kaibigang richkid. Ang tanging alam ko lang na ari-arian namin ni Ina ay itong bahay. -__- sila may parestrest house pa. Abah uki ha.
