[24] Attitude teh!

1.5K 45 19
                                    

Hinatak hatak ako ni Ivan. Hindi naman masakit dahil sa kamay nya ako hawak, pero kasi ramdam na ramdam ko yung galit nya >.< ano ba ginawa 'ko. Sya nga 'tong binabalewala ako dahil may iba na syang kasama eh. UNFAIR!

"Ivan ano ba!" Hindi parin sya tumitigil at tuloy pa din sa paglalakad.

Nagkaroon ako ng clue kung saan nya ako dadalhin. ROOFTOP!

Nice! Eto nanaman, rooftop na naman. Wala na bang ibang place dito sa school bukod sa mahiwagang rooftop na 'to?!

"IVAAAN!" Sigaw ko.

Hinarap nya ko na halatang galit na. Haay Carla wala lang yan. Wag ka matakot wala kang kasalanan ok?!

"Carla what do you think you're doing?! Hindi nakakatuwa yung inasal mo kanina. Hindi tama! Ano bang problema mo?" Halos pasigaw nyang sinabi. "Ano ba ginawa sayong masama ni Erica, bakit ganon mo sya kung kausapin. Carla magiging part narin sya ng barkada natin. Dito na sila titira, respeto naman Carla. Mabait yung tao. Kung akala mo ok lang sa kanya yung pabalang mong mga sagot kasi nginingitian nya lang, pero Carla deep inside masakit sa kanya yun! Please don't be rude. Tska---"

Hindi ko na kinaya pakinggan yung mga sinasabi ni Ivan. Ewan ko biglang uminit yung likod ng mata ko.

"Ivan dinala mo ba ko dito para lang pagalitan? Sorry wah. Sorry" Tumingala ako para hindi bumagsak yung mga luha ko. Shit Carla, ang babaw mo ang babaw babaw mo! Don't cry! Malakas ka malakas ka malakas ka. "Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ko sa kanya kahit wala syang ginagawang masama Ivan. Wala akong pakielam kung maging part sya ng barkada. I don't waste my time para sa babaeng di ko naman gusto. Feel ko nga nasa loob lang yung kulo nyan eh. Santa santahan ganon? Ewan..."

This time sya naman pumutol sa sinasabi ko. "CARLA! Watch your words! Hindi ganung tao si Erica. Stop that nonsense..." Putol ko ulit. Kasi ayoko pakinggan yung next nyang sasabihin.! Oo may clue na ako! At sobrang sakit na!

"Nonsense yung sinasabi ko?"

"It's not what you think. Hindi mo maintindihan yung sinasabi ko!" Habang tumatagal lalong tumataas yung boses sakin ni Ivan. </3

"Kasi Ivan ayaw mo ipaintindi! Hindi ako manghuhula kung ano talagang meron sa inyo ni Erica! Eh pucha naman eh mas masaya pa ko nung hindi pa tayo. Atleast doon nag eeffort kang makasama ako kahit na busy kang tao. Ako yung pipiliin mong makasama kesa sa mga kaibigan mo! Pero bakit ngayon iba na! Bakit kung kelan naging tayo nawala sakin yung time mo! Dumating lang si Erica naagaw na nya ang atensyon mo."

"Baby are you jealous?" Naging mahinahon na yung boses nya.

"No I'm not why do I." Pababy baby ka na ulit ngayon lesheee ka T___T

Nagulat ako nung hawakan nya yung magkabila kong pisngi. Pinunasan nya yun gamit yung thumbs nya. Another gulat porsyon ng hilahin nya ko palapit sa kanya at yakapin.

"Sorry. Hindi ko intensyon na sigawan ka. Hindi ko lang siguro nagustuhan yung inasta mo kanina. Baby friends lang kami. Hanggang doon lang yun. Hindi ko pa sya maiwan dahil wala pa syang kaclose dito." Not valid!

"Bakit hindi nya ba kayang mag isa lang Ivan! Ako nga since 1st year loner lang."

Umalis sya sa pagkakayakap at humarap sakin. "Baby bakit kailangan pa nyang mag isa kung alam nya naman may makakasama syang mga kaibigan. Kilalanin mo muna sya ha? Promise kapag ayaw mo talaga hindi ko na ipipilit pero sa ngayon gusto ko kilalanin mo muna sya. Pwede ba yun?" Tumango na lang ako bilang sagot. Kumalma ka Carla iwasan muna ang pagkamaldita. Breathe in! Breathe out! ok ang baho >.<

"Sorry kung nasigawan kita." Niyakap nya ulit ako at kiniss yung noo ko. Etong Ivan na 'to pasimpleng chansing eh.

"PDA mo! Mamaya may makakita eh!"

STALKER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon